Tuesday, September 4, 2007

Kuwentong Betty

WRONG MISTAKE?
By Tito Dan
Alas 5:00 ng Umaga, nagmamadali si tita Beth na nag-ayos ng kanyang sarili dahil dadaanan siya ngayon ng kanyang kumareng Es (isang government executive na may service) at makikisabay siya papuntang Intramuros. Ako ang naghahatid sa kanya sa Highway kung saan namin inaabangan ang naturang service (sakay ang motorsiklo) . May mga tricycles na nag-alok sa kanya ng sakay papuntang paradahan ng FX sa Antipolo City. Dahil may service hindi niya ito pinansin. Paminsan-minsan inihahatid ko siya ng kotse (KIA Pride) sa bayan. Dahil mahal ang gasolina, at matrapik pa sa umaga, kung walang service tricycle na lang siya. Anyway dose pesos lang ang bayad magmula sa Highway hanggang bayan. Nanggagaling kami sa isa sa mga subdivisions ng Crown Asia sa Dalig, Antipolo City. To cut the story short, nasa Highway na kami, wala pang alas sais ng umaga. Hintay, hintay, aba wala pang dumarating na service. Mag-si-six thirty na wala pang mareng Es na dumarating. Bored na si kumander, at medyo naha-highblood ang tita Beth.
Dahil wala pa sila, sinabi ko na lang na tignan niya ang kanyang cellphone baka may message si kumareng Es. Inilabas nga, may message siya. Dagli niya itong inopen at dito niya nalaman na hindi pala pupunta sa Kalaw (Maynila) si mareng Es at dadalo siya ng isang meeting sa Quezon City. Alas kuwatro ng umagang nagtex pa si Mare. At 6:30 naman nagopen ng cellphone si tita Beth; ang resulta napurnada ang maagang preperasyon. Sabi ko ng pabiro, ang taong masyadong tumatakbo ng matuling kung matinik ay malalim. "Hindi nga ako tumatakbo e," ang sagot niyang medyo galit sabay sakay sa tricycle.