Thursday, January 31, 2008

A Letter of Tita Beth to Gillian--by Remy Berdagol


(Gillian at Mines View Park, picture taken during their field trip to Baguio City)

Itong nakaraang linggo ay under medication si Tito Dan because of ear infection. Nakuha nito sa paglilinis ng ear canal using a scooper. Kaya tayo ngayon blog writer ng beth-outsidework.blogspot.com. Itong linggong ito ay loaded naman ang dalaga ni Tita Beth na si Gillian sa co-curricular activities. Sumali siya sa beauty contest ( Search for Miss SJWMS 2008). Balita ko nagpatahe pa si Tita Beth kay Ateng (ang magaling na designer at mananahe ng 17-Mabait, Teachers Village, Quezon City) ng gown. Naku katakot-takot na gastos iyan, sabi nga ni Tito Dan. Biro mo wala man lang genuine na suporta mula sa teacher at mga kaklase daw niya. Ano ba iyan, parang ipinahamak na lang ba si pasyonista? Well nandiyan na iyan. Kahapon ay parade nila. Lahat ng mga High School beauty contestants ay nakasakay sa isang float (an Izuzo Elf na medyo kalawangin daw decorated with flowers, real and fake). Dapat dalawa daw na elves iyan (plural form of elf, he-he nagpapatawa 'ata itong Tito ko) pero hindi nakarating iyong isa. Parents na naman ang gumastos para diyan. E, sino pa ba? Sabi nga daw ni teacher Bryan, you must be lucky to have to children won the elimination. To be a mere finalist it's already an achievement. Wow naman pare, e papaano hindi naman lahat ay interesado na sumali. Itong si Gillian ay handpicked ng kanyang teacher at mga ka-klase daw. Natural dahil walang nagnanais na maabala sa mga oras nila at mga gastosen. Parinig pa nga ng teacher e, parents you should invest for your children. Ang beauty contest daw ay malaking bagay para sa kinabukasan ng isang mag-aaral. Bakit, ilang beses na bang naging beauty contestant si Gillian? Ang pasyonistang dalaga ni Tita Beth ay isang veteran na sa beauty contest. Ayon naman sa school director, someday daw ay may maririnig na lang tayong crowned beauty queen of the Miss Philippines Beauty Pageant from the rank of the talented students of this school. Sana nga madam, at si Gillian na ang tinutukoy mo.

Speaking of Gillian, malayo-layo na rin ang nilakbay ng bata. Of course lakarin mo nga from Teacher's Village, Quezon City to Woodrow Hills Subdivision, Antipolo City? Talagang malayo-layo nga. Ang tutoo, napakabilis nga raw ang panahon. Dati gagapang-gapang lang iyang si Gillian sa Mabait, ngayon rarampa na siya sa entablado with her signature gown. Sa araw na ito, itatanghal na kung sino ang tunay na reyna ng kagandahan. I bet for Gillian, sama ako ng sampong piso kagaya ng sabi ng aking Tito. Sana makadalo rin si Tita Beth na busy ngayon sa kanyang trabaho. And speaking of my Tita, I would like to share with you a letter she wrote para kay pasyonista noon nasa Baguio sila for a retreat. Ihanda ninyo ang tuwalya at talagang nakakaiyak ito...

To my dearest darling Gillian,

Hello, how are you doing, my dear child? We missed you terribly.
Anyway, here's wishing that your field trip and retreat have indeed been successful.

Well, what can I say? Timne passes by so swiftly! Just a while back, you were a cute, cheeky very active baby in my arms, smiling even while you were asleep. Now, look at you: a tall, young, sweet, witty, with big legs (ha ha) but kidding aside, a stunner but a loving, God-fearing fashionista who is ready to meet the outside world with your kind of bravado in facing the challenges that everybody out there will hurl towards you. Yes, you are determined to confront any obstacle that will come your way and I believe in you, darling daughter, that with His help, you will emerge victorious in everything you set ourt to do!

Bear this in mind, however: consistency, perseverance, determination, hardwork, gratefulness, strategy-driven, singleness of purpose and support from the Lord and your family and friends are what should motivate you in pursuing your dream. I believe tha you can prove to the world, Gillian, that you'll be a successful lady who will accomplish what you and I have desired for you, right?

In a few months from now, you will be entering the portals of higher education and learning: whether it be in UP, Messiah College, UST, FEU or PUP, a simple reminder: while you are obtaining the kind of education that would catapult you in your profession, be a humble servant of the Lord in everything you do. How can you manifest that? Study diligently and with concentration, deal with others with cordiality and sincerity, stay lowing to your family, be a team builder and a player and be alert and aware of what is going on around you. In other words, pay attention to your environment, pay attention to what your heart and mind are telling you, and pay attention to what the Lord wants you to do!

I may sound too serious, right? But this is a rare occasion to say my wishes and challenges to you. Girl, I believe in you, I know that with His blessings and provision, everything will turn out fine and fall into place. Go For It And Do it! Rah-ra-rah!

Finally, here's praying that you have a safe trip back home as we long to hug, kiss and embrace you in our arms.
Love always,
Mama Beth

That's the letter of my Tita Beth to her beloved daughter Gillian. Kaya ito naman ang aking masasabi sa iyo Gillian, win or lost, ikaw pa rin ang panalo. With a very kind and loving mother you have wala ka nang hahanapin pa. Congratulations Tita Beth for being so loving, kind, and prayerful for your children and family. To everything you said, wa-na-ko-sey. Bow na lang me, after all, among all my Titas you are my best friend an an idol.

Monday, January 21, 2008

NASA PEN SI TITA BETH (in Popular Tagalog)




(Tita Beth in a parlor game: oatmeal eating contest. This is one of Tita
Beth's community involvements with BBC women.)

Oo, nasa Pen (short for Manila Peninsula Hotel in Makati,MM) si Tita Beth but not during the standoff nina Trillianes at Lim during the perceived (by the government as a) coup. Last Friday ay sinamahan ni Tita Beth ang kanyang pinsan na si Zeny sa Manila Peninsula Hotel for an overnight stay. Kararating lang ni Zeny mula sa California. By the way, Zeny used to be the Vice-President of a well known bank in America. Today Zeny is a Department Manager of another famous bank and financial institution of America, the Wells Fargo Bank. Bigat talaga ang kanyang pinsan, pero hindi mahangin itong si Zeny. Mabait, magalang, maawain, mapagmahal, galante, at higit sa lahat ay may mababang kalooban. Una ko pa lang nakita si Zeny ay hinangaan ko na siya dahil sa taglay niyang kabaitan, talino, magandang pakikitungo sa iba, at higit sa lahat ang kanyang pagiging maalalahaning ina sa nag-iisa niyang anak na si Patrick. Sabi nga ni Tita Beth isa sa mga paborito niyang pinsan itong si Zeny. Well, napadpad sa 'Pinas si Zeny upang magbakasyon kasama ng kanyang kaibigan, si Darlene sison, at dating ka-klase pa sa elementary. Nauna ang mga ito for a week, 3 days nasa Palawan with her hubby, nang dumating si Zeny. Hindi lang iyan, matagal-tagal (10 years na coz 1997 pa huling nasa US si Tita Beth) na ring di nakapagkuwentohan ang magpinsan kaya this is their chance. For Tita Beth naman it's a break for her. Masyadong marami siyang work na ginagawa ngayon. Makapagpahinga man lang. True enough nakapagdinner siya sa Bario Fiesta at nag-enjoy sa masasarap na pagkain at pagkanta at pagharana ng Singing Waitress and waiter.

The following day dumating na ang Ate Lily at kasama na nila si Darlene (minus her hubby, Henry, who flew to the US to manage his IT dept. at the Kaiser Hospital) kaya namasya sila sa The Fort. Tumingin ng mga condos at nabighani sa ganda ng paligid. Ang kaibigan nga ni Zeny ay gustong mag-invest sa Pinas dahil sa nakita niyang kaunlaran at malaking iginanda ng paligid (of course to selected places nga lang). Married to an IT practitioner ang kabigan ni Zeny for 30 years. Kaya si mister ay ugaling pinoy na rin. Dahil napakatagal nang di umuwi sa Pinas itong kabigan na Zen, ganon na lang ang kanyang panghihinayang. Americanized na nga sila pero ang puso at damdamin ay purong Filipino pa rin. Kung alam lang daw niyang ganito na pala ang ipinagbago ng Pinas sana noon pa ay umuwi na siya. Parang America na rin dito sa Pinas, may Starbuck, COSCO (S and R), naglalakihang malls, etc. By the way Ate Lily (who is a president of an IT company, kagagaling lang niya sa US kung saan ay um-attend siya sa pagtatapos ng bunso niyang anak sa kolehiyo) acted as the tourist guide and she was really an expert in that including the purchase of "great finds". Masaya ang pagkikita ng mga magpipinsan. Sa kaibigan naman ni Zeny, babalik daw ang mga ito para bumili ng condo para may babalikbalikan sila sa Pinas. Nasa Tate na kasi lahat ang mga kamag-anak niya. Bago napadpad sa Amerika, tubong Sison, Pangasinan si Darlene. Ngayon nasa Davao sina Zeny at si Darlene for a medical mission. Sabi ko nga kay Tita Beth, sana imbitahin naman natin sila sa Antipolo City para makita naman ang Cloud Nine at Padi's Point and Hinulugang Taktak (ano kaya?).

About 6 PM noong Saturday nang tumawag sa landline namin si Tita Beth. Nagpapasundo at marami daw siyang kargamento. Sabi ko mga sangkatutak na pasalubong. True enough sangkatutak na pasalubong mula kay Zeny. Mga mamahaling bags nga lamang for the kids and Tita Beth, food supplement for a diabetic person (para kay Tita Beth he-he), special chocolate for the family, at mga pagkaing pinabalot pa sa kinainang Via Mare (no ad intended), at ang masarap na pulvoron, etc. Mabuti na lang napakiusapan ko si Lolito (not his real name) na mag-drive dahil mahina ang ilaw at umaambon pa. Nahihirapan ako sa night driving dahil sa aking poor eyesight. Kaya last Sunday, ay ikinabit ko na ang auxiliary lamp ng kotse to improve visibility for night driving. At ako naman ang naging test pilot, dahil sina Gillian at Py ay gustong pumunta ng SM Taytay to buy something. Ako din, to buy a plastic organizer for my tools, other equipment, and materials. At talagang nag-improve nga ang headlight ng Kia with two auxiliary lights installed. It needs some adjustment which is scheduled this weekend. Last Sunday, while installing the auxilliary lamps, tahol ng tahol naman itong si Sassy. Lalong sumakit tuloy ang aking tainga.

Siya nga pala, the whole day of last Sunday ay nasa bahay lang si Tita Beth busy doing her systems work flows. Nakaraos din at na-email niya ito ng sunday evening to her boss.

Tuesday, January 15, 2008

Py: Inaayos ko ang Aking Buhay -by Tito Dan




Sa pagbubukas ng klase pagkatapos ng mahabang bakasyon sanhi ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, kinausap ko si Py na tila naa-addict na sa paglalaro ng on-line computer games na dapat ay bawasbawasan na niya ang paglalaro at sa pag-aaral naman ibubuhos ang kanyang panahon. Umepekto naman dahil hindi na nga siya naglalaro. Isa pang dahilan ay bago ang keyboard, kapalit ng nasira niya dahil sa paglalaro.


Isang hapon pagkagaling niya sa eskuwela ay nasa sofa lang siya at nag-aaral ng kanyang leksiyon. Dahil sa natigil na nga siya sa paglalaro, binati ko siya. "Tila pinaninindigan mo na ang di paglalaro, himala..." Sagot naman ni Py, "kasi inaayos ko na ang aking buhay." Nakakatuwa, at natatauhan na rin siya. Matagal-tagal na ring pinagsasabihan namin siya na mag-aral at bawas-bawasan na ang paglalaro. Ito ay isang magandang halimbawa ng hakbang at kaisipang magbago sa pag-uumpisa ng bagong taon 2008. Masaya ko itong ikinuwento kay Tita Beth at natuwa din ang butihing nanay. Ang tanong hanggang kailan? Permanente na kaya ang pagbabagong ito?


Noong nakaraan Sabado ay nagkaroon ng parents-teachers meeting, bigayan din ng mga cards para malaman kung gaano siya kasigasig sa kanyang pag-aaral. Dahil ayaw na ni Tita Beth ang makipagdiskusyon pa sa isang guro dahil sa mga maling panuntunan nito sa pagtuturo, napakiusapan namin si Rosie na siya na lang ang haharap para sa amin. Pagbalik niya ay dala na nito ang mga cards nina Py at Gillian. Gaya ng dati hirap pa rin sa Math si Gillian. Ngunit ang nakakabigla naman ay ang gradong nakuha ni Py. Ang laki ng binaba niya sa Math at Filipino. Hindi lang iyan, dahil sa mababa niyang grado hindi na siya nahirang bilang isa sa mga "achievers." Pareho kaming nadismaya ni Tita Beth. Si Py naman ay hiyang-hiya at nanghihinayang. Iyon pala, kaya panay ang aral niya nitong nakaraang araw ay nalaman na niya na hindi na siya achiever at bumaba ang kanyang mga grado. At ito rin ang dahilan kaya nasabi niyang inaayos na niya ang kanyang buhay.


Sa ngayon ay nag-aaral na si Py, hindi na naglalaro kagaya ng dati. Kung gagamit siya ng computer ay magpapa-alam na at tangin lesson na lang niya ang ni-re-research sa internet. Naibalita ko ito kay Tita Beth at natuwa naman ang mapagmahal na ina. Nawa ay tuloy-tuloy na itong pagbabago ni Py. Kagaya nating lahat, nawa ay tuloy-tuloy na rin ang ating pagbabago, pagbabago ng mga panuntunan sa buhay, ang pagtitimpi lalo na sa pagkain, ang pagiging maunawain at mapagpakumbaba, ang magmahal sa kapwa, at ang manalig at magtiwala sa Diyos. Sa taong ito, tuloy ang hakbang, tuloy ang buhay, pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal at ang mahal nating tagapagligtas na si Jesus. Amen!

Wednesday, January 2, 2008

HAPPY NEW YEAR 2008

Ang Trip Namin sa Baguio, December 29, 2007 to January 1, 2008



(Tita Beth, Gillian, Boyet, and Py sa Imelda Park, Baguio City)

December 29, 2007 ng madaling araw nang nagtungo kami sa Baguio upang doon ay i-celebrate ang bagon taon. Exactly 12:30 in the morning nang lisanin namin ang Antipolo City. Si Tita Beth muna ang nagmaneho. Kumain muna kami sa isang convenient store at bumili ng tubig na maiinom sa daan. Pagkatapos tumulak na kami papuntnag Cainta upang magkarga ng gas. Mura kasi doon ang super unleaded kaya nagfull-tank na kami. Sa hindi inaasahan, sobrang mahina ang aming ilaw kaya hirap makita ang dinadaanan. Sa EDSA na kami dumaan para sumabay sa mga sasakyang malalakas ang ilaw. Sobrang pagod si Boyet kaya hindi siya puweding magmaneho. Anyway kami muna ni Tita Beth ang naghalinhinan. Nang nasa North Luzon Express Way na kami, pinahinto ko muna ang sasakyan para magkarga ng hangin at mabalanse ang laman ng bawat gulong. Pagkatapos ay nag-CR muna para tuloy-tuloy na ang biahe. Mukhang inaantok na si Tita Beth kaya sa isang gas station naman ng Tarlac kami huminto. Dito umoder kami ng kape at nagmeryenda at bahagyang nagpahinga. Nagkarga muli kami ng gas, high octane, para sa pag-akyat ng Baguio. Ako na ang nagmaneho, dahan-dahan lang at bumubuntot lang sa mga sasakyan na malalakas ang ilaw. Nasa Sison Pangasinan na kami ng ako ay medyo inaantok na. Dinala ko na lang sa pakanta-kanta upang di maidlip. Mag-a-alas siyete ng umaga nang marating namin ng Rosario La Union. Gutom na ang mga bata kaya naghanap kami ng makakainan. Isang karinderya sa daang papuntang Marcos Highway na kami huminto at kumain. Hindi maganda ang breakfast dahil hindi pa ganap na luto ang inorder naming pinapaitan. Si Boyet na ang nagmaneho ng kami ay paakyat. Medyo nahi-hirapang umakyat ang kotse dahil sa bigat namin kasama na ang mga bagahe at baon. Mabilis at magaling lumusot si Boyet kahit sa akyatan kaya nakarating kami ng maaga-aga. Kahit pala sa Baguio ma-traffic din kaya ganon na lang ang aking pag-aalala baka mag-overheat ang sasakyan. Eksangtong alas nuwebe na nang marating namin ang teachers camp. Nang mag-check in kami puno pa kaya pinayuhan kaming babalik na lang ng ala una ng hapon. Tumambay muna kami sa may Pages Hall, kumuha ng ilang shots at nagtungo na sa Imelda Park para doon na mananghalian. Pagkatapos ng pananghalian, kumuha ng ilang shots sa aking digital camera. Nakipag-pose pa nga si Boyet kay Douglas, iyong malaking aso. Masakit ang ulo ni Gillian kaya tumuloy na kami muli ng Teachers Camp para mag-check in. Mabibigat at napakarami ang aming mga bagaheng inakyat sa second floor ng Claro M. Recto Hall. Napakaraming tao pa at mga bakasyonistang katulad namin. Dahil sa sobrang pagod, kami ay nakatulog hanggang gabi. Masakit naman ang ulo ni Gillian na nilalagnat dahil sa namamaga niyang tonsil. As usual ginamot ko siya ng aking mga dalang gamo pang-emergency. Dahil tumaas ang lagnat niya, pinunasan namin siya ng tubig at alcohol. Ang aming mga baong pagkain naman ang aming kinain para sa hapunan. May dala kaming rice cooker at aming ginamit sa pagluluto at pagpapainit na tubig. Sa dalawang araw na kainan, naubos din ang baon naming hotdog, keso de bola, noodles, at imbutido. Nakakatuwa, mga plastic container ng noodles ang ginamit naming sa pagkain at pag-inom ng tubig, juice at kape. Para kaming refugees kung kumain dahil sa kakulangan ng gamit. Sabi nga ni Boyet ng kami ay nakauwi na at kumain sa bahay, hindi na raw siya sanay kumain sa plato.



(Tita and Tito at the view deck of SM Baguio City)

Second Day, December 30, 2007 ay nag-jogging kami nina Py at Boyet sa oval ng Philippine Sports Commission. Dito ay nagpicture-taking kami. Gamit ko noon sumbrerong regalo sa akin ni Vanny para hindi ginawin. Iyong nga lamang nakaka-intimidate ang aking itsura. Para akong kontra-bida ng pelikula. Natakot pa nga sa aking itsura ang isang guwardiya nang siya ay aking lapitan at paki-usapang pumasok sa oval. Si Gillian ay hindi nakasabay sa amin dahil hindi pa maganda ang kanyang pakiramdam noon. Mabuti naman at nakapagpainit ako ng tubig kaya nakapaligo siya at bumuti na tuloy ang kayang pakiramdam. Panay na ang harutan nila ni Py kaya alam ko na magaling na siya. Plano naming pumunta ng SM Baguio upang bumili ng tubig, gamot, at iba pang gamit. As usual isinuot din niya ang kanyang "tigidig" booths (ang kantiyaw sa kanya ng dinaanan niyang sikyu sa isang gas station ng Tarlac). Sa SM City Baguio kami nananghalian (Chow King) na punong-puno ng mga tao. Pagkatapos mananghalian ay nagshopping naman sina Tita Beth at ang mga bata. Bumili din kami ng extension wire sa isang hardware. Nagyayang pumunta ng view deck si Tita Beth (third floor 'ata) ng mall at dito namin nakita ang Skyline ng Baguio City. Malamig, may kaunting ulan, at foggy ang paligid ngunit paminsan-minsan ay sumisikat din ang araw. Dito ako kumuha ng maraming pictures at video footages. Nagkape din kami sa isang shop na malapit sa view deck. Panay naman ang biroan ng mga magkapatid. Si Tita Beth at nakakuha ng isang brochure ng subdivision. Curious kaya nakipagkasundo upang mag-tripping. Pagkatapos sumaglit sa view deck, nagtungo naman kami sa grocery upang mamili ng tubig at iba pang mga kailangan. Kung sa pagbili ng gamot ay pila na, lalo pang pila ang bayaran. Sa senior citizens' lane na nga lang kami pumila ni Tita Beth. Kahit doon ay pila din. Nakantiyawan pa nga kami nina Boyet sa sobrang bagal ng bayaran. Palibhasa raw sa senior citizen din ang cahera. Anyway talagang nakakahilo ang grocery section ng SM. Nabalik pa nga kami the following day dahil sa pangangailangan din ng tubig at sabonng panghugas ng kinainan. Para may kabuluhan naman ang aming paglabas, namasyal din kami sa Mines View Park para kumain ng one-day-old chick, inihaw na pusit, at saka mais. Magaling-galing na si Gillian kaya dinig na ang kanyang ingay, biro, at nakakaakyat na nga ng mataas na bato para magpapicture sila ni Boyet. Si Py hind nakasama dahil takot at di niya kayang umakyat. Halata namang inaantok si Tita Beth. Gabi na ng umuwi ang pamilya. Sa Teachers Camp naghapunan kami ng gulay, itlog, sardinas, at sobrang imbutido. Kaya lang sumakit naman ang tiyan ni Boyet dahil sa kinain niyang pusit. Nagbibiruan pa rin sina Py at Gillian. Nanuod naman kami ni Tita Beth sa maliit naming TV. Mahimbing ang tulog ng pamilya. Before matulog makasunod din kami ni Py na maligo nang malamig na tubig. Hindi makasabay si Boyet dahil mahina siya sa lamig.

The following day, December 31 ay nagtripping naman kami sa Bakakeng. Nagustuhan ni Tita Beth at Boyet ang lugar. Kontra naman si Gillian na ang kanyang preference for a place ay ang South Drive ang Baguio. Pagkatapos ng Tripping ay muli kaming bumalik sa SM kung saan nandoon ang opisina ng Realty Corporation. Dito binigyan ng briefing si Tita Beth tungkol sa presyo ng bawat unit and mode of payment. Pagkatapos noon ay nananghalian naman kami sa Food Court ng SM kung saan kami ay kumain ng (tunay na) pinapaitan. From SM muli kaming bumalik ng Teacher's Camp para magpahinga. Kinahaponan nagtungo naman kami sa kumbento ng mga Madre upang bumili ng kanilang mga produkto para pampasalubong. Pinuntahan din namin ang kaibigan ni Tita Beth na si Rowena upang ibigay ang kanilang regalo. Pagkatapos ay namili kami ng mga kakaning pampasalubong ni Boyet. Habang hinihintay namin sina Tita Beth sa Burnham Park kung saan kami pumarada, uminom naman kami ng kaunting beer kami ni Boyet panlaban sa lamig. Pagbalik sa Teacher's Camp ay ihinanda naman namin ang aming hapunan at ang pang-media-noche na pagkain. Dahil walang table, sa sahig na lang inilapag ang pagkain. Dahil walang mantle, tanging garbage bag na plastic na lang ang ginawang table cloth. Habang nagpuputokan, sina Gillian, Py, at Boyet ay nag-costplay naman. Nagulat pa nga ang mga guwardiya (sa costume at itsura ni Boyet) habang nagpi-picture taking sila. Para kasi Multong Bakla si Boyet. Tawanan at napakaingay ng tatlo sa kanilang pagku-costplay. At 12 midnight nagising si Tita Beth at sinaluhan kami sa media-noche. Pinagsaluhan namin ang bread, keso de bola, softdrinks, lechong manok (binili nila after six P.M.), cookies, canned foods, etc. Nang mapagod kami sa panunood ng mga fireworks at pagpi-picture taking, at biruan at tawanan, nakatulog din lahat ng mahimbing. Sadyang napakaginaw naman. Pero hindi iyan sagabal para di maligo ng malamig na tubig sina Py at Tita Beth (natuto din).

Nagcheck-out ang pamilya, January 1, 2007, bago mag-alas dose ng tanghali. Halos di na ako makahinga sa pagod sa paghahanda at pagbubuhat ng aming mga bagahe. Marami nang garbage ang itinapon pero marami-rami din ang naidagdag sa aming mga kargamento. Sumaglit muna kami kina Rowena bago lisanin ang Baguio City. Namili pa ng gulay at mga pagkaing pampasalubong sina Tita Beth at ang mga Bata. Dito na napagod ang ating Tita. Kahit magaan lang ang kanyang dala, sa layo ng market sa aming pinaradahan sa Burnham Park ay talagang manlalata ka. Sa Burnham naman ay punong-puno ng mga tao. Nagkakainan at nagpapahinga. Tila ini-enjoy nila ang unang araw ng taon. Tuwang-tuwa naman kami ni Tita Beth at muli na namang buo ang aming pamilya sa pagsalubong ng bagong taon dito sa Baguio. Nagpasalamat din si Tita Beth sa mga bata sa kanilang saya, tuwa, at pagkakaisa sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Para sa amin ni Tita Beth, napakabait at sobrang mapagmahal ang ating Panginoong Diyos sa ligaya at pagkakataong ibinigay sa bawat isa sa aming pamilya. Kaya sa panalanging din ni Tita Beth nang kami ay pauwi na ay ganon na lang ang kanyang pagpapasalamat sa biyaya na ibinigay ng Diyos at paggabay sa amin sa trip na ito.

At tutoo namang hindi kami pinabayaan ng ating Dakilang Panginoon dahil kahit zero visibility (dahil sa ulap) ang isang portion ng Marcos Highway na aming dinaanan, ligtas din kaming nakababa ng Baguio at nakauwi ng Antipolo. Nakakain din kami ng genuine na kilaweng kambing sa Sison Pangasinan to complete our experience. Mabuti naman at physically prepared si Boyet na solong nagmaneho from Baguio to Antipolo. Mahina man ang ilaw namin, binigyan naman kami ni Lord ng makakasamang sasakyang upang mailawan at makita ang aming dinadaanan.

Yesterday January 2, 2008 ay di muna pumasok sa kanilang trabaho sina Tita Beth at Boyet. Ngayon lang sila pumasok, January 3, 2008 dala ang ilang pasalubong nila. Sabi nga ni Boyet parang bitin daw ang kanyang bakasyon at gustong bumalik sa Baguio. Sino nga ang hindi kung gayong nagmamahalan, nagkakaisa, at nagkakasundo ang buong pamilya. To God be the Glory.