Hindi kondisyon ang kanilang kotse ngunit nagawa pang umakyat ng Baguio. About 6:30 a.m. sila nang tumulak patungong Baguio. Ang target ni Tita Beth ay 4:00 a.m. pero hindi ito nangyari. Mahirap gisingin ang kanyang mga dalaga. Another cause of the delay ay iyong pagkumpuni ni Tito Dan sa nasirang bumper guard na binangga ng dina nakilala pang sasakyan. Mabuti na lang at available ang lahat nang gamit kaya narimedyohan kaagad.
Nakaabot sila ng 9:30 sa Hacienda Lusita ng Tarlac City kung saan ay kumain muna sila sa may Jollibee. Si Tito Dan naman ang nagmaneho hanggang Naguilian kung saan ay nagkarga sila ng gasolina. Mula doon ay si Tita Beth na ang nagmaneho paakyat naman ng Baguio. Mga 3:30 na nag hapon ng dumating sila sa Hotel. Sinalubong sila ni Ate Lily at dinala sa kanyang kuwarto. Malaki rin ito at siya lang mag-isa doon. Sa kanya naman ay pleasure and business.
Wala pa ring ipinagbago ang Baguio, lumala ng lang ang traffic at lalo pang dumami ang mga bakasyonista. Nakakainis din ang magmaneho ng sasakyan dahil pasaway na rin ang mga drivers sa Baguio at mga dayo. Halos magbanggaan ang mga sasakyan sa style ng traffic. Bukod diyan ay akyat panaog pa ang terrain at makikipot ang daan.
Puro kain naman ang inatupag nina Tita Beth. Pumunta pa sila nang dalawang beses sa may Slaughter House upang kumain. Masarap ang pagkain sa pangalawang pinuntahan nila hindi kagaya nang una na bulalo lang ang masarap. Dito kumain sila ng pinapaitan, kilawin na kambing, inihaw na tilapia, bulalo, at talbos ng sayote. Doon naman sa Summer Place Hotel, medyo may kamahalan ang pagkain bagamat masarap. Twice lang sila kumain doon.
Maraming Koreanong guests din ang hotel dahil may English Academy dito kung saan nag-aaral ang mga Koreano na magsalita at sumulat ng English. Si Charming ng ay napagkamalan pa nilang Koreana dahil singkitin ito at maputi.
Sunday ang pinaka-espesyal naman na araw dahil pagktapos ng pakipag-fellowship nila sa Green Hills Christian Fellowship ay tumuloy na sila sa Camp John Hay for lunch. Dito kumain sila sa Shakeys Pizza. Pagkatapos namasyal na sa lahat na puweding puntahan doon at kumuha ng larawan na ibat-iba ang background sa digital camera at video nila. Namili rin sila ng maiuuwing pagkain at kakanin sa may Good Sheperd Convent. Napakatraffic nga lang ang pagpunta doon. Namili din sila ng mga kagamitan sa SM Baguio, at mga gamot na kailangan.
Dahil nasira ang headlight nang kotse nina Tita Beth, pinagawa na rin nila ito sa mga mekaniko na nakatambay lang sa may Rizal Park malapit sa Baliwag Chicken. Inayos din ng mekaniko na si Sakyo ang sensor ng cooling fan ng kotse at saka nilinis ang headlight. Marumi sa loob at malabo ang ilaw. Dahil mura ang headlight housing para sa kotse nina Tita Beth, bumili na ng isang reserba si Tito Dan.
Nagkaligaw-ligaw din ang Tito at Tita pabalik ng hotel pagkatapos bumili ng headlight sa kaiiwas ng traffic at maling basa sa signage ng Tita.
Pagkatapos mag-lunch ang mga bata (nauna nang kumain ang Tito at Tita) bumaba na sila ng Baguio, 12:30 p.m. Sa Marcos Highway na sila bumaba. Nagiinit naman ang preno at clutch ng sasakyan kay huminto sila ng dalawang bises para buhusan ng Tito ito ng tubig. Mabilis ang pagbaba nila at nakararing kaaga ng Rosario La Union mga 1:30. Huminto muna sila sa Caltex upang magpuno ng gasolina at kumain na naman.
Maga-alas 2:00 na ng hapon nang iwan nila ang Rosario. Si Tito Dan naman ang nagmaneho, una mabilis ngunit inabutan ng traffic sa Tarlac at Dau. Huminto uli sila sa Shell station ng NLEX upang magpakarga ng gasolina at dagdagan ang motor oil ng kotse. Mga 7:00 na nang umabot sila sa Balintawak. Matrapik na at mukhang barumbadong magmaneho ang mga motorista.
Dumaan muna ang mga Tita kina Ate Lily upang ihatid ng mga padala nito. Pinakain tuloy nina Gel at Perry ang buong pamilya. Mga 10:30 na nang gabi nang dumating ang mga Tita sa kanilang tahanan. Tamang-tama naman na gising pa sa Bayoyoy. Kaya lang gumawa na naman ng milagro ang mga pusa at asong alaga nila kaya nangangamoy ang buong kabahayan. Nag-general cleaning tuloy ang Tito Dan nang di oras.
Kinaumagahan, pumasok na sa trabaho ang Tita; ang Tito naman at mga bata ay naglabang maghapon. Papasok na kasi sa Huwebes si Maganda, unang araw nang pasukan nila sa La Salle.