Monday, July 28, 2008

Nagkasakit si Charming-- by tito Dan


(Si Charming upon recovery)

Maaga kong hinatid si Tita Beth sa highway, wala ngayon ang kanyang service kaya sa tricycle na lang siya sumakay patungong bayan kung saan ay sasakay naman siya ng FX papuntang Santolan para makasakay ng LRT papunta naman pinapasokan niya. Mahaba-haba itong kuwento ng sakayan he-he-he. In short nang naisakay ko na siya ng tricycle nagmamadali naman akong umuwi na ng bahay.

Sa bahay naman hindi ko na dinatnan si Charming dahil kinuha na siya ng kanilang service. Kaya wala na akong alalahanin pa at ang mga dating ginagawa ko sa bahay naman ang binalingan upang tapusin. Nang matapos ko ang mga ito, naisipan ko naman na magposte sa aking mga blogs nang ma-update naman sila.

Binabalak ko pa lang gawin ng kumiriring ang PLDT line na hindi gaanong ginagamit. Babae ang tumawag. Siya pala ay teacher ni Charming at pinakukuha siya dahil may karamdaman daw ito. That was around 9:30 in the morning. Kaya naman nagmamadali na akong nagpunta ng kanilang school sakay ng kotse para kunin si Charming. Naiwanan pa nga niya ang kanyang baon earlier kaya binigyan ko na ng pamasahe si Beauty nang madala niya ito. Iyon pala ay hindi na kailangan dahil nga pauwi naman si Charming.

Nahihilo at masakit ang ulo ni Charming ng dumating ako sa kanilang school. Nakaupo siya sa faculty corner at tila pinainum na siya ng bonamine. Saglit na lumabas ang teacher niya para magpaliwanag. Sinabi niyan kailangan ni Charming ang pahinga. Kaya nang makapagpaalam na kami, tuluy-tuloy na sa kotse.

Uuwi na sana kami nang magcomplain naman siya na hindi makahinga. Nataranta ako at dinala ko na siya sa hospital. Mabuti na lang at malapit-lapit ang munting hospital na iyon sa school. Agad siyang dinala sa emergency para suriin ng mga doktor. At dahil hindi makahinga binigyan siya kaagad ng oxygen. Sinuri din ang kanyang dugo at wala namang ibang nakitang palatandaan ng sakit. Kaya ang payo ng doktor magpahinga lang siya at inumin ang kanyang Bcomplex na bitamina.

Napagud sa kaaral at kalalaro itong munting prinsesa ng bahay kaya nagkaganon. Binigyan pa nga ng doktor ng medical certificate para makapapahinga. Pagkatpos ng another 15 minutes of oxygen on brown bag, pinauwi na kami. Natulog siya at nagpahinga ng maghapon, kaso kinabukasan ng Biyernes ay tumuloy pa rin siya sa school bagamat hindi pa maayos ang kanyang paghinga. Sabi din kasi ng doktor kung okay na siya makakapasok pa rin kinaumaghan. E, para saan pa ang medical certificate na may bayad namang 100 pesos?

Ang mahalaga inalagaan siya ng Panginoon at pinagaling siya kaagad. Nalaman na lang ni Tita Beth ang nangyari kinagabihan nang nakauwi na siya sa bahay. Hindi ko na nga siya tinawagan sa kanyang opisina dahil ayaw ko siyang magalala.

Another updates:

Noong nakaraang Linggo ay dumalo naman kami ni Tita Beth sa binyag ng anak ng kanyang office mate na si Gladdy. Nagkaligaw-ligaw pa nga kami papunta sa Parang. Masaya naman ang pagtagpo-tagpo ng mga magkakaopisina. Hindi naman nila ako nakilala dahil nagpakulay ako ng buhok at bumata raw ang aking itsura.

Itong hapon ng nakaraang Sabado ay nagpunta naman kami sa Macro at mag-grocery, at tumuloy din kami sa Shopwise para hintayin doon si Beauty na katatapos pa lang ng klase niya sa hapon sa La Salle.

Itong Monday ng gabi naman ay bumalik na ang aming kasambahay na nakawala ng isang libong pisong pamalengke. Nadukotan daw siya. Sa takot na mapagalitan nagpunta sa mga kamag-anak para mangutang ng pampalit. Kaso Lunes na siyang bumalik. Biyernes iyong nangyari kaya itong Tito ninyo ang naging all-around-house person.






Thursday, July 17, 2008

NagLBM si Tita Beth


(Si Charming sa Fort Ilocandia)

Kawawang Tita Beth, hindi siya pumasok sa kanyang trabaho last week dahil NagLBM siya. That was Friday kaya umabsent siya. Pinainom siya ni Tito Dan ng gamot pangLBM kaya nahinto ang pagtatae. Maghapon siyang nagpahinga at tila nanakit pa ang tiyan at masuka-suka siya. Nanghihina pa siya, kaya hinayaan na lang na matulog siyang maghapon. Awa ng Diyos ay unti-unti naman siyang nakarecover.

Ang dahilan ng pagtatae ay ang pagkain nito ng santol at maraming nainum daw na iced tea. Bakit nga ba hindi, kung saan saan lang kasi nanggaling ang santol na kinain. Ang totoo nito mahilig talagang kumain ng santol si Tita Beth.

The following day, Saturday, medyo magaling-galing na si Tita Beth pero hindi pa rin siya makakain. Kumain man siya kukunti lang. Naggrocery sila nina tito Dan sa Shopwise. Dahil sale nga sa Shopwise, kaya nakabili naman ang Tito ng pang-home theatre na amplifier. Panay ang patugtog naman ng mga bata, dahil ito ang ginagamit nila para sa kanilang MP4 at saka IPod.

Sunday medyo okay na ang Tita Beth at nakakakain na, kaya lang may mga gusto siyang kaining ngunit hindi daw niya alam kung ano... Anyway palatandaan na normal na ang Tita dahil naghahangad na siya ng pagkain.

Tuesday, July 1, 2008

Update kay Tita Beth

Goodnews:

Dumating na si mareng Es ni Tita Beth kaya hindi na siya nagko-commute pa papuntang opisina. Nakapagmeeting na rin sila para sa mga gagawing church projects. A follow-up meeting on Saturday this month.

Dumating na rin iyong helper ni Tita Beth na si Weng. Masipag ngunit marami pang dapat i-develop sa kanyang paninilbihan. This spares Tita Beth from going to the store to but something, mayroon na siyang mauutusan.

Not so good news:

Minulta, kotong, si Tita Beth dahil lamang sa traffic violation. Pumunta sila sa Mall of Asia para bumili ng sapatos ni Byuti nang biglang lumiko si Tita Beth sa hindi puwedi, nakita ng traffic enforcer kaya kinotongan. Nakiusap pa man din ang pobre pero matindi talaga ang pangangailangan nitong mga traffic enforcers.

Nawala ni Tita Beth ang lumang cellphone niya. Ang mahirap nandoon lahat ng mga contact numbers niya. Kaya nangangapa na naman siya ngayon. Cellphone ni Tito Dan ang kanyang gamit ngayon. Binigyan nga siya ni Tita Lily ng dalawang cellphones na pansamantalang magagamit niya.

Blessings:

May bago nangn monitor ang computer ni Tito Dan. Binili ni Bayoyoy at the time na nahuli si Tita Beth ng minor traffic violation.

May isang kaban na bigas mula sa Laguna naman ang bigay sa kanya ni Ate Baby niya sa Santa Cruz.

Talagang pinagpapala itong mabait at maalalahanin na ina.