Saturday, August 23, 2008

Kumusta na si Tita Beth?

Dalawang weekends din kami ni Tita Beth na lumalabas upang maggrocery at mamili ng mga gamit. Sa dalawang pagkakataon na ito, nakasama namin lagi si Byuti dahil may sariling mundo ngayon si Charming. Mahilig siyang magsasama ngayon sa kanyang mga high school friends. Panapanahon lang iyan ayon kay Tita Beth.

Ngayon naman si Byuti ang laging sumasabay sa amin ng kanyang mama para maggrocery. Pero kahapon ng Sabado ay nasa school siya for her PE at computer course. Pagod nga siyang umuwi dahil tinuruan daw sila ng martial arts. Labis ko namang ikinatuwa dahil may nalalaman siya kahit papaano para ipagtanggol ang kanyang sarili. Iyon nga lang kagagaling niya pa sa sakit noong nakaraang linggo.

The other weekend namili kami nina Tita Beth ng mga gamit sa computer sa isang Mall. Kumain kaming tatlo sa isang burger house at enjoy na enjoy si beauty. Lagi naman kaming nagtitinginan ni Tita Beth dahil naala-ala namin nang siya'y bata pa na laging nakabuntot sa amin. Maganda rin ito para hindi mawawalay ang damdamin ng anak sa kanyang mga magulang.

Kahapon naman ay hinatid namin si Byuti sa DLSU para sa kanyang klase at PE. Gabi na nang siya ay umuwi at pagod na pagod. Ito iyong time na sinabi niyang nagaaral sila ngayon ng martial arts. Malaking babae si Byuti kaya nakakatakot ang haba ng kanyang paa kapag sumisipa siya sa practice. Pagkahatid namin sa kanya ay nagdate kami naman ni Tita Beth sa isang convenience store, kumain ng siopao at saka donuts. Lipat uli kami sa isang burger house pagkatapos para namang uminom ng pineapple juice at kumain ng burger. Pagkatapos niyan ay nagshopping na kami ni Tita Beth sa shopwise. Nakatatlong libo din kami, tsk tsk.

Ngayong araw ng linggo ay nagpapahinga si Tita Beth. Pinaghahandaan ang kanyang training sa darating na September. Ako din tila magiging busy na naman ako sa aking bagong project sa buwan na ito. Mabuti na lang at mayroon na kaming kasambahay na kahit marami pang dapat pag-aralan sa gawaing bahay ay may kaunting naitutulong din.

Hanggang dito na lang at abangan ang susunod naming posting. Wala ngayon si Remy kaya ako ang biographer pansamantala, hahahaha. Mabuhay kayong lahat. lots of love, and Godbless.