
Artist talaga itong si Byuti. Pinaghandaan niya ang cosplay na ito na naganap pa sa Robinsons Galleria nitong nakaraang Sabado. Maraming participants ang nagpaligsahan doon. Dumalo naman sina Tito Dan at Tita Beth kasama nila si Charming. Natatangi talaga ang ganda ni Byuti nang siya ay rumampa na sa entablado. Kinunan lahat ni Tito Dan ng video ang mga rumampang anime cosplayers.
Hindi makapaniwala si Tita Beth sa kanyang nakita nang rumampa na ang anak sa entablado. I am awed, ito ang sabi niya. Mabibigat ang mga kalabang cosplayers sa contest na iyon. Si Aludia ang sikat na Pinay cosplayer ang isa sa mga judges. Napakaganda niya at talagang may pagka-chinese mestiza siya. Nakipagpose pa nga si Byuti sa kanya.
Pero hindi sa cosplay nananalo si Byuti. Nanalo siya sa anime arts competation. Sa katunayan nga ay saglit lang niya ginawa ang kanyang artwork at ipinasa na niya para makita ng mga hurado. Second nga lang siya dahil violence ang tema ng kanyang art. Anyway may 1,000 pesos siyang premyo dito.
Nagyaya naman siyang kumain ng Shabo-shab0 pagkatapos ng anime contest. Dala ni Tito Dan ang mga gamit nito at umakyat na sila sa may pinakamataas na palapag ng Robinsons Galleria. Parang artista ang dating ni Byuti. Maraming napapalingon. Kaso dahil naka shorts lang naman si Tito Dan, nagmukhang boy tuloy siya ni Byuti.
Masayang nagsalu-salu ang pamilya sa pagkain ng shabo-shabo kasama ang dating classmate ni Byuti noon sa High School.
Noong hapon ng Linggo nagpunta naman ang magaanak sa Union Church of Manila at dito sila nanood ng kakaibang concert. Mga 300 singers ang nagtip0n-tipon upang umawi ng mga traditonal Christian hymns. Pati ang Kongregasyon ay kasama rin sa pag-awit. Napaganda ang feeling at napakaiksi ang dalawang oras na concert kung tutuusin. Pagkatapos nito ay bumaba na sa guest Hall ang mga magaanak para mag-refreshment. Ngunit bago umuwi ang mag-aanak ay kumain muna sila ng yellow cab pizza sa Greenbelt dahil gutom na si Byuti.