Thursday, November 27, 2008

Ang Bagong APV Nina Tita Beth

Isang linggo din na nagpapagamot sa derma clinic itong si Bayoyoy dahil sa mga tagiyawat na tumubo sa kanyang mukha. Dumami ito kaya napilitang nagpa-derma. Tatlong araw din siyang hindi pumasok sa trabaho. Nang pumasok siya ng Biyernes ay umuwi siyang may dalang computation para sa pagbili ng isang sasakyan. Ito ay iyong Zuzuki APV GLX na may tatlong LCD TV at saka backing sensor. Para sa financing pala iyong listahan. Tinanong niya si tita Beth kung magkaano ang isasali niya dito. Kaya sa sabado ng umaga ay nagpunta sila sa Manila Bay Motors para makipagkasundo sa pagbili ng APV. Tatlong araw din ang lumipas bago nakakuha ng approval sina tita Beth at Bayoyoy para makabili ng bagong sasakyan. To cut the story short, itong nakaraang Sabado ay naiuwi na nila ang APV. Twenty Percent din ang kanilang down payment at payable in six years. Nagulo ng ang arrangement sa garahe dahil tinanggal ang mga kagamitan na nandito para maipasok lang ang bagong sasakyan.

Paguwi, dumaan muna sina tita Beth kina ate Lily niya para kumustahin ngunit wala siya sa bahay nila. Tanging si P-boy ang nandoon at lumabas. Tinignan din niya ang bagong sasakyan ni Bayoyoy at tita Beth. Saglit lang sila doon at nagtungo na sa SM hypermart. Dumalo kasi si beauty sa isang cosplay gathering. Actually dalawang sasakyan ng ang dala nila, iyong KIA at saka iyong bagon APV nila. Sina tito Dan at tita Beth sa KIA, sina Bayoyoy at Charming naman sa bagong APV. Ipinarada sa Hypermart ang mga sasakyan at kumain muna ang mga tita sa foodcourt kung nasaang naghihintay naman si Beauty. Kay Tita Beth na sumakay si Beauty at  mga kasama niya. Ipinakita din ni Beauty ang bagong sasakyan nila sa mga friends niya.

Pag-uwi ay sumakay na si Tito Dan sa APV kasama si  Charming. Naging maingat sa pagpapatakbo nga sasakyan naman si Bayoyoy. Nanood din ang tito Dan at si Charming ng movie habang tumatakbo ang sasakyan. Enjoy na enjoy din si Charming sa sounds at  sa ganda ng picture na lumalabas sa LCD screen nito.

Sunday at pina-bless naman ng mga tito at tita kasama sa Bayoyoy kay Pastor Rolex sa church ang sasakyan. Monday dinala ni Bayoyoy ang sasakyan sa kanyang opisina dahil gusto ding makita ito ng kanyang mga kaibigan. Last Thursday naman ay sabay na pumasok sa trabaho sina tita Beth, tito Dan, at Bayoyoy sakay sa APV. Ihinatid muna nila sa DAP si tito Dan bago hinatid din ni Bayoyoy ang tita sa kanyang opisina. Dinala ni Bayoyoy ang sasakyan sa opisina at umuwi na itong mag-isa na sakay nito kinahaponan dahil may meeting ang tito sa DOH at ang tita naman ay pinasyalan ang nanganak niyang inaanak sa kasal. Bukas ay pawa-washing daw ni Bayoyoy ang bago nilang APV sa isang espesyal na carwash.

Sunday, November 9, 2008

Ang Joint Account nina Tito Dan at Tita Beth

Nagmature na ang policy ng pension plan nina tito Dan at tita Beth kaya kinuha na nila ang kabuan nito. Magmula nang magbago ang nagmamay-ari na ng pension plan company ay nangamba na sila baka malugi pa ito. Idagdag na rin natin dito iyong pagkalugi ng mga malalaking kompanya pinansiyal ng Amerika. Ang kompanyang nagmamay-ari ng pension plan ay kaanib sa naluging mga kompanya ng Amerika. At least nakuha nila ito ng nakaraang linggo at idiniposito sa bangko noong nagdaang Lunes. Dahil hinigan nila ng ID si tito Dan, napilitan itong kumuha ng Postal ID para may kasama naman ang kanyang driver's license.

Una nagpakuha sila ng larawan sa isang Photo Shop. Hindi nagpatina ng buhok si tito Dan kaya nagmukha siyang matanda. May mga papeles pang pinilapan at pinirmahan nina tito Dan at tita Beth sa post office bago sila nagtungo ng Barangay Hall nila upang kumuha ng clearance for postal ID. At natapos naman ito kaagad. Pagkabayad nila sa postal office ay kumain muna sila sa isang fast food habang hinihintay ang pagre-release nito at 2:00 PM. Hindi na umabot pa ng oras na iyon at nakuha nila kaagad ito. Pero bago niyan ay nagpunta muna sila sa SSS para alamin kung makakuha si tita Beth ng kanyang retirement benefits kapag binayaran niya lahat ng kanyang mga hindi pa nabayaran na hulog buwan-buwan. Pero sobrang malaki ang kanilang babayaran kaya pag-aaralan pa nila kung ipagpapatuloy pa ang balak o hindi.

Bumalik muli sila sa bangkong pinuntahan ng umaga at inayos na ang kanilang joint accounts. Para sa pagtanda nila ang kaunting perang naipon. Lalo na ngayon at parehong may karamdaman sila lalo na si tito na nagpapagamot ng kanyang kaunting karamdaman sa puso. At natapos naman ito kaagad kaya naisipan naman nila ang pumunta sa isa na namang fastfood para kumain. Naging prodaktibo naman ang araw na iyon, Lunes, kahit umabsent tuloy si tita Beth. Nagpunta pa nga sila sa isang grocery para bumili ng kanilang isang linggong supply na pagkain.

Lumayas na ang kanilang katulong na si Weng kaya tinawagan naman ni tita ang kanilang kamag-anak sa Baesa, Caloocan City. Sa awa ng Diyos ay may naibigay na katulong, ang asawa ng kapatid ng asawa ng kanyang pamangkin na si Joseph. Masaya naman sina tito at tita dahil masipag siya. At least mababawasan na ang trabaho ni tito ngayon sa bahay. Nagpunta pa nga sila sa Karnabal kinagabihan ng Sabado. Kaya masayang masaya silang lahat sa linggong ito kung saan ay nakapagpahinga ng husto si tita Beth.