Pagdating nila ng Vigan ay binisita muna nila ang kanilang bahay. Dahil may nakatira na doon at umuupa kaya nag-check-in na lang sila sa isang hotel. Of course namasyal at namili sila sa Vigan. Nagkaroon din sila ng dinner date sa dating teacher na kaibigan ni Tito Dan. Nagpakabusog ang buong pamilya sa pagkaing Vigan gaya ng impanada, kaliente, kilaweng kalding, pinapaitan at saka bagnet.
Kinabukasan ng 28 ng December ay nagtungo naman ang pamilya kina ate Nena. Pinakain sila ng pansit. Pagkatapos ay tumuloy na sila sa Santa Maria para bumili ng bagnet. Dinaanan din ni Tito Dan ang kanilang tenant upang kunin ang kanilang share sa ani ng palay. Naka 4,800 pesos din ang Tito Dan. Dumaan din sila sa Santa Lucia upang kunin din ang kanilang share. May 4,000 pesos din na nakuha nila bilang share.
Gabi na nang dumating sila sa Baguio. Wala silang makuhang tirahan dahil puno na ang teacher's camp. Nagbalak pa silang magpalipas na lang ng gabi sa Burnham Park. Mabuti na lang naisip ni Byuti na puntahan ang tinirhan nila sa field trip nila doon sa Marcos Highway ng Baguio. Sa Mabuhay Inn naman sila pinalad. Isang kuwarto good for 5 persons ang inupahan nila na nagkakahalagay ng 1,600 pesos kada araw. Naka-two days din sila dito dahil fully occupied ang Teacher's Camp. Sa December 30 na lang sila naka-check in dito. Ginugol naman ng pamilya ang pamamasyal sa araw na iyon. Nagtungo sila sa Camp John Hay at sa St. Joseph Convent para mamasyal at bumili ng mga makakaing pasalubong.
Sa 31 ng December naman ay nagtungo ang buong pamilya sa Sagada Mountain Province para mamasyal ay mag-new year doon. Kinabukasan ng January 1, 2009 ay nagpunta naman ang buong pamily sa mga caves kung saan ay pinaglagyan ng mga katutubong Sagada ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Nag-adventure naman sina Byuti, Charming, at Bayoyoy sa Sumaging Cave kasama ang isang local guide. Dito nasubukan ng mga bata ang nakibahagi sa isang Kaniaw o celebration ng mga Katutubo doon. Enjoy na enjoy si Bayoyoy na panay ang kuha ng mga videos at larawan sa kanilang trip. Kinagabihan ng January 1, 2009 ay namili ang pamilya ng mga souvenir items doon.
January 2 na nang bumalik sila sa Baguio sakay ng G. Lizardo Bus. Iniwan nila sa Teacher's Camp ang kanilang APV at ibang bagahe. Nag-check out sila sa Teacher's Camp noon January 3, at namili muna ng pasalubong sa Mine's View Park, Teacher's Camp, at St. Joseph Convent. Sa Kennon road na sila dumaan at nag-by pass na sa Asingan Pangasinan, at ang bagong Express way mula sa Tarlac na konektado naman sa NLEX. Mag-aala una na ng umaga ng dumating sila sa Maynila.
Masaya ang naging bakasyon ng buong pamilya. Nag-enjoy sila ng tudo sa lamig ng Baguio at Mountain Province. Sa susunod na punta nila ay sasakay na sila sa kanilang APV at sa Summer 2009 uli sila magbabakasyon sa Sagada.
Sa kanilang tahanan ay may bagong helper naman ang pamilya. Kaya dalawa na ang helpers nila pansamantala sa kagustuhan ni Tito Dan na malinis naman ang kanilang tahan sa unang buwan ng taon.