Tuwing sumasapit ang ika-13 ng Oktubre ay ipinagdiriwang nina tito Dan at tita Beth ang kanilang wedding anniversary. Sa taong ito dala ang kanilang family para mag-malling at kumain ng pizza. Kararating lang ni tita Beth noong ika-9 ng Oktubre mula sa kanyang fieldwork sa Leyte. Masaya siyang sinalubong nina tito Dan sa Centennial Airport.
Pero busy si Tita Beth, kahit pa anniversary nila ni tito Dan ay kailangan pa rin niyang pumasok ng maaga dahil sa may training pa siyang iku-conduct. Mabuti na lang at maaga nilang ipinagdiwang ang kanilang anniversary.
Namasyal pa ang pamilya sa isang malaking Mall sa Makati pagkatapos nilang magsimbang magaanak.
Sa ngayon ay busy naman si Tito Dan sa project na Aqua Culture ng pamilya. Bumili na ng ilang daang fingelings ng Kingfish si Bayoyoy na gustong i-culture ni tito Dan.
Noong nakaraang Linggo ay nagtungo pa ang pamilya sa Cardona Rizal para mamili ng fingerlings ng tilapia pero nabigo silang makabili. Na-wash out kasi ng nagdaang bagyong Ondoy ang mga palaisdaan dito.
Masaya din si Tita Beth ay malapit nang matapos ang mga repairs at renovation projects sa kanilang tahanan. Bagong renovated din ang bathroom ni tita Beth kung saan ang kanyang toilet bowl ay bagong-bago at lababo ay mga mamahalin talaga. Pero nabili lang niya ito ng mura.
Niregalohan din ni tito Dan si tita Beth ng isang mini-notebook na kanyang madadala sa kanyang mga trainings.