Matagal-tagal na rin akong hindi nag-post dito ngunit ngayon lang tayo nagkaroon ng pagkakataon. Anyway gusto ko lang ilahad ang mga huling kaganapan noong 2009 from November to December kina Tito Dan at Tita Beth.
November noong nagkasakit si Tita Beth at dinala ng mga kasamahan niya sa hospital. Mabuti na lang at nakarecover kaagad kaya pinauwi din siya sa araw na iyon. Nag-ingat na lang si Tita sa mga sumunod na araw. Hindi na siya nagpapalipas pa ng gutom. Anyway umattend pa sila ng marriage convention kung saan sila magkakasama ng kanyang ate Lily at kaibigan na is Ima. Nagdinner pa sila sa isang Korean restawrant pagkatapos.
December 19 nang maisipan nina Tita Beth, Tito Dan at Bayoyoy na puntahan ang malaking lote nina Tita Beth sa Laguna. Balak kasi ng pamilya na magtayo ng aqua culture business dito at mga iba pang pagkakakitaan. Nakasama nila si Tita Baby sa pamamasyal. Nagpasya tuloy ang Tita na doon na magdiwang ng kanyang birthday. Nagkasundo ang Tita Lily at Tita Beth na doon na sila sa Laguna sa 26. Pero sa kasamaang palad pagkatapos magdiwang ng selebrasyon ng Pasko ang Tita ay nagtae naman siya. Hindi lang siya pati na rin sina Beauty at Charming. Ang dahilan ay iyong kinain nilang talaba at kare-kare kina Tita Lily. Hindi na nakayanan din siguro ng kanilang katawan ang dami ng mga handa nila noong Kapaskohan.
Sa ika-30 naman ng Disyembre ay muling nagpunta sa Laguna sina Tita Beth at Tito Dan kasama si Tita Lily at ang kanyang asawa. Hindi nakasama si Bayoyoy dahil may sakit din siya at namamaga ang kanyang panga sa inpeksion ng ngipin sa araw na iyon. Dinala na lang nina Tita Beth ang magiging caretaker nila doon na si Al.
Dahil tanghali na nang dumating ang Tita kaya kumain na sila kaagad. Nagkatuwaan din at sumayaw pa ang mga pinsan nina Tita Beth at Tita Lily at sinabayan pa sila ng mga dalaga ng Tita Beth. Napasayaw din si Tito Dan pagkatapo niyang ubosin ang kalahating basong red-wine.
Kinaumagahan ng 31 ng Disyembre ay tumulak na ang pamilya ni Tita Beth sa Baguio upang doon ipagdiwang at salubongin ang bagong taon. Sa teacher's camp sila tumuloy. Sa Kennon road sila dumaan kaya mabilis silang nakarating ng Baguio City. Pagka-check in ay kaagad silang kumain sa Slaughter house ngunit hindi sila masyadong nasiyahan sa mga inorder na pagkain. Pagkakain ay nagpahinga muna sila. Pagkatapos ay ihinanda na ang kanilang media noche para sa pagsalubong ng Bagong Taon.
May red wine, keso de bola, bread, manok na inihaw, fruit cake at mga prutas ang pinasaluhan ng pamilya sa pagsalubong ng bagong taon. Masaya silang nagbibiroan pagkatapos manood ng fireworks at maghintay sa pagsapit ng Bagong Taon. Patalon-talon pa si Tito Dan habang umiinom siya ng red wine.
Kinabukasan sa unang araw ng Bagong taon (Jan. 1, 2010) ay namasyal ang pamilya sa Camp John Hay kung saan sila kumain ng malalaking Hamburgers. Mahal ngunit masarap naman ang Brother's burger. Pagkatapos ng kainan ay nag-horse back riding naman sina Beauty at Charming. Namili din ang Tita nang pampasalubong sa Mines View Park kung saan sila ay kumain ng 1-day old chicks, pusit, mais, at chicken balls. Marami pa silang tirang pagkain noong besperas ng Bagong Taon at ito ang kanilang pinagsaluhan naman kinagabihan.
Pagkatapos mag-check out ang pamilya ay muli silang nagpunta ng Camp John Hay para bumili ng tinapay at uminom ng tsokolate. Nagpiknik pa sila doon at natulog sa ilalim ng mga puno ng Pine trees sina Bayoyoy at Tito Dan.
Sa Wright Park naman ang tuloy nila pagkagaling ng Camp John Hay. Dito bumili si Bayoyo ng siling pang-ornamental plant. Ililipat daw niya ito sa Laguna. Pagkatapos niyan ay nagpunta na sila sa Burnham Park para kumain. May isang Koreanong nagbibigay ng libreng accupuncture treatment ang nakita ng Tito Dan. Niyaya niya si Tita Beth na magpa-treatment sila. Naginhawaan pareho ang dalawa sa kanilang mga nararamdaman. Samantala si Bayoyoy naman ay nagpamasahe sa isang bulag. Namili din ang Tita Beth ng kaunting gulay at mga mumurahing silver na singsing at bracelet sa mga nagtitinda sa Park.
Pagkatapos maikarga sa APV ang mga pinamili nila ay muling bumalik sa Lagoon ang pamilya para mag-boating. Si Bayoyoy ang nagsagwang habang panay naman ng kuha ni Beauty ng pictures sa kanilang digicam na dala. Pagkatapos niyan ay nagbiking na sila.
Mga seven PM na nang bumaba sila sa Baguio at dumaan sa malikong Kennnon road. Mabilis ang takbo ni Bayoyoy kaya nakababa sila kaagad at nakarating sa Sison kung saan naman sila kumain ng arros kaldo sa Arnes kung saan ay doon laging kumakain ang Partas. Nagkarga sila ng gas sa Tarlac at muling tumuloy sa paglalakbay pauwi sa kanilang tahanan. Muling huminto sila sa NLEX Caltex gas station upang mag-CR. Pagkatapos ay tuloy na naman sila sa paglalakbay. Nakarating sila sa kanilang tahanan ng 1:30 ng Umaga (Jan. 3). Tulog na ang mga kasambahay nila kaya nag-door bell ang Tita para magising.
At least masaya naman ang bakasyon ng Tita at ang kanyang pamilya kahit may mga munting karamdaman ang Tita at mga bata dahil na rin sa pagod sa paglalakbay. It's a good start for the family. Praise the Lord at pasasalamat ng marami sa Panginoon sa kanyang pagpapatnubay at biyaya sa pamilyang ito.