Kawawa naman at naaksidente itong si Byuti noong araw ng halalan (May 10, 2010) sa loob mismo ng kanilang tahanan. Ang dahilan? Nasabogan siya ng kumukulong tubig mula sa isang pressure cooker na basta-basta na lang niya binuksan kahit hindi pa ito lubusang lumamig.
Nataranta si tito Dan. Napasigaw siya at tila frustrated na sa hindi maingat na pagbukas ng maiinit pa lang na pressure cooker nagkaroon ng first at second degree burns sa braso, mukha, at dibdib ni Byuti.
Kaagad siyang dinala sa pinakamalapit na hospital. Nilapatan siya kaagad ng first aid at sinaksakan ng pain reliever. Pinunasan din ng nurse ang bahaging napaso sa braso, dibdib, at mukha ni Byuti. Gustong ma-confine siya kaagad para maampat ang inpeksiyon pero walang bakanteng private room sa hospital. Dinala naman siya kaagad sa isa pang hospital ngunit ganon din at under renovation pa ito.
Finally itinakbo ni tita Beth si Byuti sa East Medical Center at doon ay muling ginamot si Byuti. Mabuti na lang at magaling-galing ang doktor na sumuri sa kanya. Malapatan lang ng gamot ay puwedi na siyang mag-out patient. Kaya nasa bahay lang ngayon at nagpapahinga si Byuti upang magpagaling.
Kahapon ay sinuri siya ng Ninong niyang cosmetic surgeon na si Dr. Eddie Lacanienta at nilapatan pa ng iba pang gamot ang napasong bahagi ng katawan ni Byuti para hindi magkapeklat. Kawawa naman siya.
Dahil lang sa pagluluto ng ulam nilang kalderetang Baka ay naaksidente si Byuti. Sino nga ba naman ang may gusto nito, but it's a costly one ika nga. Iyong kaldereta ay costly din sa pagkakaluto dahil mas higit pang gastosin ang idinulot nito. Ngunit talagang ganyan, kung damarating ang mga sakuna na hindi mo inaasahan. Just a lesson to learn na nga lang at next time ay mag-ingat na lang ng husto si Byuti sa kanyang mga ginagawa.
Pero sa nangyaring ito kitang-kita kung paano magalala ang mga magulang ni Byuti gayundin si Charming na kahit gutom na ay kasa-kasama pa rin sa pagbili ng mga kakailanganing gamot ng kanyang kapatid. Pero si tita Beth ay buong pagmamahal na inalagaan ang kanyang anak. Alalang-alala siya. Ni hindi ng siya nakatulog ng magdamag sa pagbabantay ng kanyang mahal na si Byuti. Lalo namang naglambing si Byuti sa namalas niyang pagmamahal at attention ng kanyang dakilang mommy.
Para kay Byuti magpagaling ka at maraming nananalangin na mga kapatid sa pananampalataya para sa agarang paghilom ng iyong nasunog na balat.
Tita Beth tunay kang mapagmahal na ina, napakadakila mo!
Siya nga pala binati ng pamilya itong si Tita noong mothers day at nagkaroon pa ng joint-happy mother's day celebration with ate Lily sa isang restaurant sa Tiendesitas sa Pasig.
Ang araw-araw na pakikihamok sa buhay ng isang mapagmahal,mapagpakumbaba, at maalalahaning ina...
Tuesday, May 11, 2010
Tuesday, March 30, 2010
Dalawang Mukha ng Tagumpay
Parang kailan lang, ngayon ay ganap nang dalaga si Beauty sa edad niyang 18. Si Charming naman ay grumadweyt na sa High School at kukuha na siya ng kanyang kurso sa kolehiyo. Kaya hindi kataka-taka kung nakikita mong nakangiti lagi ngayon si tita Beth dahil sa mga kaganapang ito sa dalawang pinakamamahal niyang anak na babae.
Sa isang resort naman ginanap ang selebrasyon para sa kapanganakan ni Byuti at ang munting programa para sa kanyang pagtuntong sa edad na labing-walo. Mga kasama niya sa PEP squad, coach, mga barkada noong High School, mga kaklase, at kasamahan niya sa mga school project nila.
Sa munting programang ginanap ay binigyan siya ng 18 roses at saka isinayaw. Panghuling isinayaw siya ni tito Dan na nagbigay muna ng kaunting mensahe at ala-ala sa mga kaganapan sa buhay ni Byuti. Nagbigay din ng mensahe si tita Beth kung saan niya binati at sinabi ang kanyang pagmamahal sa anak. Nagbigay din ng mensaheng pasasalamat si Byuti kung saan siya napaiyak at naglabas ng mga saloobin sa mga magulang at kapatid.
Pula, itim, at puti ang kulay ng mga damit ng mga dumalo. May mga games, sayawan, biroan, at saka paglusong sa pool na pinangunahan ni Byuti na noon ay nakasuot pa ng kanyang gown. Tinawag tuloy siyang Aqua Bendita ng mga mapagbirong ma ka-klase niya. Of course marami ding handang pagkain at inumim para sa mga guests. Overnight ito kaya walang tigil ang kasayahan.
Hindi rin nagpahuli si Bayoyoy, bumili siya ng inuming pampagana ng mga boys at saka pulutan na inihaw na manok at liempo. Masisigla at nakakagising ang mga tugtugin mula sa dalang JVC sound system nina tita Beth.
Ang kaibigang Pia at "Vice Ganda?" ang nagsilbing emcee sa programa. Hindi sila maubosan ng mga jokes kaya panay-panay ang tawanan at kantiyawan. At home na at home ang mga guest sa semi-formal nilang attire para sa okasyong ito. Hindi masyadong formal ang celebration kaya bigay todo ang kasayahan at participation ng mga guests sa mga games.
Sa resort na natulog sina tita Beth at kanyang mga pamilya. Hindi na tuloy nakapasok sa trabaho ang tita kinaumagahan sa sobrang pagod at pagkapuyat.
Sa graduation naman ni Charming ay umani siya ng tatlong medalya, bilang academic achiever, sa participation niya sa co-curricular activities, at sa mga special awards na ibinigay sa kanya. Si tita Beth na ang kasama niyang rumampa sa stage nang i-presenta ang mga magtatapos. Si tito Dan naman ang nagsabit ng mga medalya ni Byuti. Sa pagtatapos ng commencement program ay masayang umawit at sumasayaw sina Byuti ng kanilang graduation at alumni songs. Inisa-isa naman ni byuti na niyakap at nakipag-beso beso sa mga kaklase. Ang saya-saya nila bagamat napaiyak siya nang batiin ng kanilang adviser at sabihing magpapakabait siya. Nagpasalamat naman sina tito Dan at tita Beth sa mga teachers lalo na sa class adviser nina Byuti na si teacher Arnel.
Sa isang pizza parlor na dinala si Byuti para kumain at i-blow out.
Dalawang mukha ng tagumpay, dalawang inspirasyon na susubaybayan ng dalawang pusong nagmamahalan. Congratulations tita Beth at tito Dan. Praise the Lord for all these blessings na inyong nakamit. God bless!

Thursday, February 18, 2010
Pizza Date for the Valentine's Day Celebration
Sabado noon at hindi pa Valentine's Day ngunit minabuti ni tita Beth na magcelebrate na lang sila ng kanyang mga anak at si tito Dan. Sa Yellow Cab Pizza sila kumain at pinagsaluhan ang isang napakalaking pizza.
Ang totoo ay nabitin noon Friday si tita Beth sa ibinigay ni piece of pizza para sa kanya ng isang kasamahan sa trabaho. Masyado daw maliit kaya natatakam tuloy siya. Umorder pa ang mga bata ng tomato soup dahil gustong humigop ng mainit na sabaw si tita Beth na noon ay sinisipon.
Pagkatapos nilang kumain ay hinatid naman nila si Byuti sa La Salle dahil may mga activities sila doon in connection with their foundation day. Nakiusyoso tuloy ang tita at ang tito kasama si Charming na palingon-lingon at naghahanap daw ng papa. Tawanan ang pamilya.
Pero wala naman palang masydong activity at sa 3:00 PM pa ang Battle of the Bands. Namili na lang ng T-shirt ang tito para may souvenir siya.
Linggo ng hapon naman nang nagpunta sila sa Robinsons Metro East para mamili ng gamit ni Charming para sa graduation ball nila sa High School.
As usual hindi kompleto ang lakaran kung walang kainan. Sa isang Japanese Restaurant sila kumain. Naka-isang libong mahigit din si tita Beth ng binayad sa kanilang mga inorder na pagkain.
May concert din si David Pomeranz doon kaya nanood muna sila. Pagkatapos ay nagpakuha ng Valentine's Day family portrait ang buong pamilya.
Pagod na dumating sa bahay ang tita kaya nakatulog kaagad only to wake up early para magreport sa kanyang trabaho.

Saturday, January 2, 2010
Bagong Taon 2010
Matagal-tagal na rin akong hindi nag-post dito ngunit ngayon lang tayo nagkaroon ng pagkakataon. Anyway gusto ko lang ilahad ang mga huling kaganapan noong 2009 from November to December kina Tito Dan at Tita Beth.
November noong nagkasakit si Tita Beth at dinala ng mga kasamahan niya sa hospital. Mabuti na lang at nakarecover kaagad kaya pinauwi din siya sa araw na iyon. Nag-ingat na lang si Tita sa mga sumunod na araw. Hindi na siya nagpapalipas pa ng gutom. Anyway umattend pa sila ng marriage convention kung saan sila magkakasama ng kanyang ate Lily at kaibigan na is Ima. Nagdinner pa sila sa isang Korean restawrant pagkatapos.
December 19 nang maisipan nina Tita Beth, Tito Dan at Bayoyoy na puntahan ang malaking lote nina Tita Beth sa Laguna. Balak kasi ng pamilya na magtayo ng aqua culture business dito at mga iba pang pagkakakitaan. Nakasama nila si Tita Baby sa pamamasyal. Nagpasya tuloy ang Tita na doon na magdiwang ng kanyang birthday. Nagkasundo ang Tita Lily at Tita Beth na doon na sila sa Laguna sa 26. Pero sa kasamaang palad pagkatapos magdiwang ng selebrasyon ng Pasko ang Tita ay nagtae naman siya. Hindi lang siya pati na rin sina Beauty at Charming. Ang dahilan ay iyong kinain nilang talaba at kare-kare kina Tita Lily. Hindi na nakayanan din siguro ng kanilang katawan ang dami ng mga handa nila noong Kapaskohan.
Sa ika-30 naman ng Disyembre ay muling nagpunta sa Laguna sina Tita Beth at Tito Dan kasama si Tita Lily at ang kanyang asawa. Hindi nakasama si Bayoyoy dahil may sakit din siya at namamaga ang kanyang panga sa inpeksion ng ngipin sa araw na iyon. Dinala na lang nina Tita Beth ang magiging caretaker nila doon na si Al.
Dahil tanghali na nang dumating ang Tita kaya kumain na sila kaagad. Nagkatuwaan din at sumayaw pa ang mga pinsan nina Tita Beth at Tita Lily at sinabayan pa sila ng mga dalaga ng Tita Beth. Napasayaw din si Tito Dan pagkatapo niyang ubosin ang kalahating basong red-wine.
Kinaumagahan ng 31 ng Disyembre ay tumulak na ang pamilya ni Tita Beth sa Baguio upang doon ipagdiwang at salubongin ang bagong taon. Sa teacher's camp sila tumuloy. Sa Kennon road sila dumaan kaya mabilis silang nakarating ng Baguio City. Pagka-check in ay kaagad silang kumain sa Slaughter house ngunit hindi sila masyadong nasiyahan sa mga inorder na pagkain. Pagkakain ay nagpahinga muna sila. Pagkatapos ay ihinanda na ang kanilang media noche para sa pagsalubong ng Bagong Taon.
May red wine, keso de bola, bread, manok na inihaw, fruit cake at mga prutas ang pinasaluhan ng pamilya sa pagsalubong ng bagong taon. Masaya silang nagbibiroan pagkatapos manood ng fireworks at maghintay sa pagsapit ng Bagong Taon. Patalon-talon pa si Tito Dan habang umiinom siya ng red wine.
Kinabukasan sa unang araw ng Bagong taon (Jan. 1, 2010) ay namasyal ang pamilya sa Camp John Hay kung saan sila kumain ng malalaking Hamburgers. Mahal ngunit masarap naman ang Brother's burger. Pagkatapos ng kainan ay nag-horse back riding naman sina Beauty at Charming. Namili din ang Tita nang pampasalubong sa Mines View Park kung saan sila ay kumain ng 1-day old chicks, pusit, mais, at chicken balls. Marami pa silang tirang pagkain noong besperas ng Bagong Taon at ito ang kanilang pinagsaluhan naman kinagabihan.
Pagkatapos mag-check out ang pamilya ay muli silang nagpunta ng Camp John Hay para bumili ng tinapay at uminom ng tsokolate. Nagpiknik pa sila doon at natulog sa ilalim ng mga puno ng Pine trees sina Bayoyoy at Tito Dan.
Sa Wright Park naman ang tuloy nila pagkagaling ng Camp John Hay. Dito bumili si Bayoyo ng siling pang-ornamental plant. Ililipat daw niya ito sa Laguna. Pagkatapos niyan ay nagpunta na sila sa Burnham Park para kumain. May isang Koreanong nagbibigay ng libreng accupuncture treatment ang nakita ng Tito Dan. Niyaya niya si Tita Beth na magpa-treatment sila. Naginhawaan pareho ang dalawa sa kanilang mga nararamdaman. Samantala si Bayoyoy naman ay nagpamasahe sa isang bulag. Namili din ang Tita Beth ng kaunting gulay at mga mumurahing silver na singsing at bracelet sa mga nagtitinda sa Park.
Pagkatapos maikarga sa APV ang mga pinamili nila ay muling bumalik sa Lagoon ang pamilya para mag-boating. Si Bayoyoy ang nagsagwang habang panay naman ng kuha ni Beauty ng pictures sa kanilang digicam na dala. Pagkatapos niyan ay nagbiking na sila.
Mga seven PM na nang bumaba sila sa Baguio at dumaan sa malikong Kennnon road. Mabilis ang takbo ni Bayoyoy kaya nakababa sila kaagad at nakarating sa Sison kung saan naman sila kumain ng arros kaldo sa Arnes kung saan ay doon laging kumakain ang Partas. Nagkarga sila ng gas sa Tarlac at muling tumuloy sa paglalakbay pauwi sa kanilang tahanan. Muling huminto sila sa NLEX Caltex gas station upang mag-CR. Pagkatapos ay tuloy na naman sila sa paglalakbay. Nakarating sila sa kanilang tahanan ng 1:30 ng Umaga (Jan. 3). Tulog na ang mga kasambahay nila kaya nag-door bell ang Tita para magising.
At least masaya naman ang bakasyon ng Tita at ang kanyang pamilya kahit may mga munting karamdaman ang Tita at mga bata dahil na rin sa pagod sa paglalakbay. It's a good start for the family. Praise the Lord at pasasalamat ng marami sa Panginoon sa kanyang pagpapatnubay at biyaya sa pamilyang ito.