Thursday, October 25, 2007

Tito Dan Speaks

God's Honey, You are on Your Way...

Tita Beth doing her report at the office

Kanina habang naghihintay kami sa pagdating ni Mareng Es (nakikisabay siya kina Mareng Es papasok sa trabaho) nakapagkuwentohan kami tungkol sa kalagayan na ng IT Company. Nabanggit ko kasi na isa ito sa mga naging inspirasyon ko sa pagsulat na article na "No Money, No Honey." Gaya ng dati nasa kritikal pa rin na kalagayan ang IT Company dahil sa pagkalugi sa malakihan nitong project with the government. Tapos na ang system, hardware na lang ang kailangang kumpletohin ng kumpanya. May lungkot ang himig ng kanyang pagkukuwento, mukhang ginantihan ng isang hardware distributor ang kumpanya dahil hindi dito kumuha ng supplies ang IT firm. Sa ibang kumpanya ito nakakuha ng mas mababang halaga. Ang kaso may kulang pang component ang bawat unit (na sana provided na kung sa nabanggit na suppliers kumuha) na kailangan namang i-provide para maibigay na ang kakulangang bayad pa sa IT firm. Pumirma na ang dalawa sa mga kailangan na signatures pero hind pumirma ang COA auditor. Which means, wala silang makukuhang pera na pampasuweldo sa mga empleyado sa buwan na ito. The next settlement will be on December na, a delay of more than one month. Naiyak na lang ang ate Lily, the president, na siyang naglalakad upang mabayaran ang IT Company. Talagang nakaka-depress ang mga pagsubok. Habang lumalago at tumitibay ang pananampalataya ng isang anak ng Diyos, ang mga pagsubok naman na dumarating ay kasing bigat din ng kakayahan nito na harapin ang mga pagsubok na iyan. Subalit kung ang ating pananampalataya naman natin ay hawak na Diyos at tayo'y nanalig sa kanya, ang kakayahang tumayo at magwagi sa mga mabibigat na pagsubok ay may patutungohan. To God be the Glory.

Sabi nga ni Tita Beth, what I could do is pray. Oo, panalangin ang tanging sandata na siyang nakapag-uugnay sa atin ng mahal na Panginoon upang mapagtagumpayan ang lahat ng temptations, struggle, and tendency to give in to our trials. Ang malungkot, hindi lang iisa ang dumarating na pagsubok, napakarami. Hindi lang for a while na nararamdaman at na-i-experience ang mga ito, pangmatagalan pa. Tulad din ng sinasabi sa isang commercial ng rubbing alcohol, hindi lang pang-pamilya ito ay pang-sport pa. Ang mga dumarating na problema at pagsubok sa mga personal na buhay natin ay isang pagsubok din sa tinatawag nating spiritual maturity. Ang mga problemang dumarating o pagsubok man diyan, family or organizationaly related in whatever dimension, ay isang uri ng paghamon sa kakayahan nating kumapit at magtiwala sa Diyos. Gaya ng isang sport, tayo'y lumaban ng buong tapang at talino, upang makamtan natin ang panalo at maging kampion ni Kristo. Christ is our coach, our manager, our mentor, our adviser, and financer, wala ka nang hahanapin pa. Ang kuwestion ng lamang, hanggang saan tayo makapagtitiis? Is Christ pushing us to the limits of our capacity and endurance? Sa katanongang iyan ay sasagutin din natin ng isa ring katanungan, hindi pa pag-aari na tayo ni Kristo? Having been the subject of Christ, is it not our strength is His strength? Is it not our power to overcome spiritual and material struggles is His power? "The Lord is my shepered" (Psalm 23:1). If Jesus is our savior and redeemer does He not prepare a green pasture for us? Do we need to suffer and bear the mental anguish of a never ending financial woes? May mga pagkakataon na nagtatanong tayo sa Diyos, bakit napakatagal namang maramdaman ang iyong kasagutan sa aming mga hinaing at paghihirap? How much more faith do we need Lord para lamang aming maintindihan kung ano ang inyong kalooban sa mga nararanasan naming pagsubok? Sa ating mga panalangin, nararamdaman at nararanasan din ng Diyos ang paghihirap ng ating kalooban. But He has His own design and a time frame for everyone. Of course we can not say to the Lord, No Money, No Honey. He has more than enough for our needs. Hindi kaya tayo ang nagkukulang sa kanya?

A few years back nang ako ay nagtungo sa Amerika upang magbakasyon, I was detained for almost five hours at the immigration along with other tourists. Sa mga panahon na iyon, wala akong katiyakan kung ako'y makakarating sa aking patutungohan, o kung hindi kaya'y ako ay pababalikin sa Pilipinas. Wala akong maisip pang paraan kung hindi manalangin. I said all my prayers and petition to the Lord pero nararamdaman ko ay kulang pa. Ultimately naisip ko ang Lord's Prayer and I recited it with all of my heart.

"Our father in Heaven,
Hollowed by Your name,
Your Kingdom come,
Your will be done
On earth as it is in Heaven.
Give us this day our daily bread.
And forgive us our sins,
For we also forgive everyone who is
indebted to us.
And do not lead us into temptaion,
But deliver us from the evil one."
(Luke 11: 2-4 NKJV)

Pagkatapos busisihin ng mga immigration officials ang aking mga documents, ako'y binigyang laya ding makapasok sa Amerika. Bagamat sa labi ng iba ko narining, I know the Lord had spoken to me. "You are on your way." Similarly at the cross when He died for the atonement of our sins, you are on your way to eternal life. Sa taimtim na panalangin ay batid kong tinutugon ng Diyos ang ating mga pangangailangan ng buong pagmamahal. Sa lahat ng mga gusot at kawalan na ating kinasasangkutan sa buhay, gaano man ito kalaki, mas makapangyarihan ang Diyos na siyang ating gabay. Ikaw pa na kanyang pinaglaanan ng kanyang buhay ang hindi niya pagbibigyan. Jesus saves, and we are on our way...

Wednesday, October 24, 2007

Kuwentong Betty 6 (in Popular Filipino)


ANG BLOOD SUGAR READING NI TITA BETH


Nakapagtataka matagal-tagal ding inaasam ni Tita Beth na bumaba sana ang kanyang BLOOD SUGAR at lahat na lang na remedyo ay ibinigay na ng mag-asawang doktor na sina Dante at Nietz. But to no avail, hindi bumababa. Nakakabahala na, nakakatakot, ano ba yan at hindi pa rin nare-remedyohan ang salbaheng pagtaas na sugar level na ating Tita. Ultimate suggestionng mag-asawangdoktor, insulin.
Ang paboritong bunso ni Tita Beth, si PY ganda
Insulin? Huwag mo hirang, ang tawad ni Tito Dan. Baka makuha lang iyan sa mga herbal supplements, at HIGIT SA LAHAT DIET. Ikaw kasi, kain ng kain. Tumiwalag ka muna sa KKK association. KKK association means huwag KAIN NG KAIN NG KUNG-ANO-ANO upang maging-stable at normal ang blood sugar mo. Right madam? Iyan po ang advise sa beautiful nating Tita. Pero nakain pa rin....

NUGA after Marie's Kingburger massage, iyang po sagot ng Tita sa kanyang diabetes. Kina Marissa, nagnuga ang mag-jowa na Tita Beth at Tito Dan. That was Saturday, kaya the following Sunday nag-bloodsugar test siya, ang RESULT, BUMABA! AMAZING from 290 to 240. Kaya pagkatapos magpakuha ng CBC sa Sta. Lucia Clinic, nagpuntang NUGAhan uli ang Tita. Kaya ngayon, besides Diyeta magpapamasahe at magpapaNUGA pa siya.

Last Saturday nga pala, nag-grocery ang Tita at Tito Dan sa MAKRO Cainta. Kumuha ng temporary membership ang Tita kaya naka-pagrocery sila ng Tito Dan. Biro nga ng Tito Dan, mukhang tuloy-tuloy na 'ata na sila na lang ang laging magkasama dahil ang kanilang mga babies ay nagdadalaga na at may iba na silang mundo. Point of inquiry, hiningal ba ang Tito Dan nang hilahin niya sa hagdanan paakyat ang Tita Beth pagkatapos magpa-CBC ang Tita Beth sa Sta. Lucia. Well, medyo medyo lang ang sagot. Ang Tita natin noon ay no-eat for 12 hours for the CBC. Kaya upon reaching Jolibee MAKRO in Cainta, kain sila doon. Naku mga Tito at Tita mukhang balik na naman kayo sa dati, romantically inclined to each other.BAAAABOOOOOO.

Monday, October 15, 2007

REMY'S GREETINGS




MGA READERS, LET US CONGRATULATE TITA BETH AND TITO DAN FOR THEIR 16TH WEDDING ANNIVERSARY LAST OCTOBER 13, 2007. THEY ARE GOING STRONG AT 16. SWEET 16? WELL NAG-CELEBRATE SILA LAST SATURDAY AND SUNDAY. LAST SATURDAY MAY PINUNTAHAN SILANG KAMAG-ANAK AND THEY HAD A JOLLIBEE DATE IN BARANGAY HOLY SPIRIT QUEZON CITY. LIKEWISE TULOY PA RIN ANG DATE NG MAG-JOWA SA BURGER KING KUNG SAAN SILA NAGPAMASAHE KAY MARIE. IN THE EVENING NASA YNARES TIANGGE NAMAN SILA NINA GILLIAN AT BOYET AT NAMILI NG MGA SIMPLE ITEMS FOR GIFTS AND FOR KEEPS. NATULOG PA NGA ANG TITA SA FRONT GATE NG YNARES STADIUM. NAPAKARAMING TAO NANG GABING IYON KAYA MEDYO NAHILO ATA ANG BIDA. LAST SUNDAY SA UNION CHURCH NAMAN SILA UMATEND. AFTER THAT THEY HAD A LUNCH WITH ATE LILY, PERRY GELL, GILLIAN, AND PY SA GLORIA MARIS NG GREENHILLS SHOPPING CENTER. MEDYO NAHILO NA NAMAN ANG ATING BIDA. HOY, HINDI SIYA NAGLILIHI. OVER AGE NA SIYA SA PAGIGING PRODUCTIVE. NA-REFRESH LANG ANG DAKILANG TITA NG NAKAHIGOP SIYA AT NAKAKAIN NG MASARAP NA SHABO-SHABO (HIND SHABU). THEY ALSO HAD A CUP OF KAPE SA BAHAY NI TITA LILY. AT HOME PANAY KAIN NA NAMAN ANG TITA. MAY ADVISE KASI SI DOKTORA NIETZ NA EAT MODERATELY, EAT ONLY VEGETABLES. PALIBHASA'Y NAG-BIBIBLICAL DIET NA ANG MAGASAWANG DOKTOR DANTE AT DOKTORA NIETZ. MASAYA ANG WEEK-END NG DALAWANG LOVERS IN THE PARADISE. PABULONG NGA NI TITA BETH KAY TITO DAN "I LOVE U." ANG SAGOT NAMAN NG TITO " SAME TO YOU, ONE HUNDREED PERCENT I LOVE YOU." NAKAKAKILIG. WOW, TITO AND TITA KEEP IT UP! (Tita Beth read the posting to see some pictures, i-click mo lang gid)

Tuesday, October 9, 2007

Kuwentong Betty 5 (in popular Filipino)

LBM--Grounded ang Bida
Naku tutoo po, grounded ang ating bida. Hindi pumasok ngayong araw ng Martes (October 9, 2007) dahil sa LBM. Kagabi pagka-pahinga niya, kumain na ang ating bida. Nasarapan sa sari-saring pagkain (turon, ampalaya leaves with mongo, sandwich, etc.). Ang resulta, nag-alboroto ang kanyang stomach kaya naka-ilang ulit siyang bumisita sa CR. Maaga siyang nagising ready for work pero pinakikiramdaman niya kung kaya niyang pumasok. Earlier she decided, papasok siya at makikisabay kay mareng Es. Pero hindi ito natuloy dahil si mareng Es ay papunta pala ng Congress. Pinakiramdaman uli ng ating Tita kung kaya niya, at uminom pa siya ng green tea. Kumain kaunti para may energy papuntang office. Ang masaklap...brrrroggg...pumurorot na naman siya sa CR. Now she decided, grounded muna, pahinga at baka ano pa ang mangyari sa kanya sa daan.
Sa awa ng Diyos, after taking a medicine, gumaling din. Nakakain din siya ng tilapiang may sabaw at saging. Tamang-tama bumisita naman sa Vans for a certain request kaya nakapag-usap sila. Napagpayuhan tuloy ang matimtimang dalaga na mag-ingat sa mga recruiters for job abroad. Nakatulog ang Tita, at nakapagkape din siya for her meryenda. Nag-computer siya ngunit sandali lang at para siyang nahihilo. Naku po, ano na naman iyan. Pero okey na siya ngayong ready for work tomorrow.
Dumating ang mga kids from school kaya kumpleto na naman ang araw ng ating Tita. Ang payo ng sambayanang Filipino, Tita Beth kaunting ingat sa pagkain. Kaunting ingat din sa mabahong amoy na nanggagaling sa mga bulok na hamon sa Customs. At higit sa lahat, may you have more power and energy. May your smiles and laughters brighten your day always. Nagmamahal--Kapuso at Kapamilya. Isama mo na diyan ang lahat ng mga networks.

Monday, October 8, 2007

Kuwentong Betty 4 (in popular Filipino)

Stranded, The Pizza Connection
by Tito Dan
Sa hindi inaasahan, noong nakaraang Friday (October 5, 2007) hindi nakaauwi ng maaga Tita Beth dahil stranded siya sa LRT Recto Station. Hindi klaro ang dahilan, ang malinaw walang tumakbong tren at sarado ang LRT station. Kung alam lang ninyo kung gaano kabigat ang dalawang bags na laging dala ni Tita Beth, mangangawit po kayo sa bigat. Iyong isang bag na lang niya kapag dinadala ko ay parang pasan-pasan ko na ang buong daigdig sa kabigatan. Which means na sa mga panahon na iyon ay hindi na maipinta ang mukha ng dakilang Tita sa kalungkotan. Well, being an smart lady at that (o kaya gutom na) pumunta muna siya sa isang pizza parlor (ang theme colors nito ay green and pink) at kumain muna ang ating bida. Nagtext siya kay Dante (Doc. Rio) para sabihin sa akin (through the landline phone) na mauna na daw kami sa Bible study at susunod na lang siya. Hindi nasunod ang bilin, hinintay namin siya for a while. Dumating ng 8:30 P.M. at sinabing mag-soup muna siya tapos tuloy na kami sa Bible Study. Pero hindi rin natuloy dahil pagkatapos niyang mag-soup ay inantok na siya sa matinding pagod. Ang tutoo ay papunta na kami ni Gillian (na bonggang-bongga sa suot niyang tight pants and nice blouse) ngunit siya naman ang pagdating niya sakay ng isang tricycle. Tinawagan na lang namin ang mga kasamahan sa fellowship na hindi kami makakarating.
The following day ay bigla na lamang naiisipan ng ating bida na magpakuha na CBC sa Sta. Lucia Clinic. Dahil malapit nang magtanghali, ipinagpahapon na lamang ang pagpunta doon Pagkatapos ng pananghalian ay tutuloy na kami. Akala ko sa linggo pa kami, pero she moved the schedule to Saturday dahil sa Pacquiao-Barrera boxing match (alam ng Tita na manunood ako, pati siya rin sa TV). Hapon at 1:30 paalis na kami kasama si Gillian na mukhang artista sa dami nang kanyang borloloy at style ng pananamit. Pero schedule ko rin pala ang magpa-repair ng aking electric drill. Hindi bale dadaanan na lang daw. Dumaan kami, akala ko basta iiwanan ko lang ang electric drill at babalikan; iba po ang nangyari, tinapos kaagad for a period of one hour. Habang naghihintay sila ni Gillian, bumili ang Tita na dalawang kilong lanzones. Kain ang mag-mother at enjoy na enjoy sila. To cut it short, natapos ang drill at tumuloy na kami sa Sta. Lucia Medical Clinic. Habang papunta kami, sinalubong naman ng mga ahente ng mga appliances ang mag-ina at biningyan ng cupon para (daw) sa isang contest. Pero, hindi ito priority, ang importante makarating kaagad sa clinic at magpakuha ng CBC. Presto, nandoon na, pero mukhang minamalas ang lakad at ang CBC pala ay scheduled lang between 6:00 a.m. to 8:00 a.m. Ano pa ang lakad ay napunta sa pag-sia-shopping. As usual sa hardware ako at ang beauting mother at sexing baby ay sa department store. Bumili si Gillian ng shorts para sa kanyang isu-suot na costume sa beauty contest na sinalhan. Sa matagal na kaiikot sa department store napagod si Tita Beth at napakain tuloy nag siomai at supas, later nag-fastfood pa at uminom ng mamahaling kape.
Sunday bumalik ang kami ng ating bidang Tita sa Sta. Lucia, at nakunan siya ng CBC at exaxtly 7:30 a. m. Lumabas kami ng bahay ng 6:30. At 8:00 nagbreakfast naman kami sa isang burger shop at tamang-tama may libre pang masahe. Blessed ang Tita, nagpamasahe siya sa likod at sa kanyang mga baso at kamay. Mukhang nasiyahan ang Tita natin at may balak pang bumalik. Malapit nang lunch nang dumating kami. Tamang-tama boxing match na ni Manny Pacquiao at that time kaya nanood na rin ang Tita while having her lucnch.Later pagkatapos niyang magsiesta nanood naman siya ng talk shows ng mga artista na punong-puno ng intriga at kontrobersiya kasa ang kasambahay. Nakapagpahinga ng husto ang ating bida which she deserves ready to work again for the following day.

Thursday, October 4, 2007

Kuwentong Betty (in Popular Filipino)

Family Trip
Last Sunday nagsimba ang Betty's family sa GCF Central Church; dito lang sa may Ortigas Center. Medyo na-late na nga ang family dahil matrapik sa Ortigas Extension at umu-ulan pa noon. Kasama ng family ang newly found friend nila na si Vanny, dating teacher ni Pi noong nagtuturo pa ito sa St. John's Worth Montessori School ng Antipolo City. May kuwento kay Vanny, dahil she is being matched to Boyet ang computer programmer na anak ni Tita Beth na nagtatrabaho sa main office ng Philippine National Bank. But anyway medyo malayo atang mangyari ang dream ni Tito Dan.
Well umabot naman ang family sa hour of the worship ng simbahan kaya nabiyayahan sila ng isang napakagandang sermon na hango pa sa Book of Proverbs ng Bibliya. The topic was all about Work. Maliwanag ang lesson mula sa sermon ng Pastor; gusto ng Diyos na lahat ay aktibo sa pagtatrabaho at maging masipag at matiyaga dahil ang Diyos mismo ay isang "working God." Maganda ang naging paliwanag ng pastor na dapat maging positive tayo pagdating sa trabaho dahil bahagi ng matapat na paglilingkod sa ating mga pinapasukan ang pagpupuri sa kadakilaan ng Diyo. Amen, yes amen. Saludo ang Tita sa sermon gayon din si Vanny na huwag isipin ang hirap at pagud sa paglilingkod sa mga pinapasukan nating trabaho dahil dito man ay nasusukat ang ating katapatan at pagiging produktibo. Hindi lang iyan, ang ano mang tagumpay na ating makakamtan sa paglilingkod sa ating mga pinapasukang ahensiya (government or private) ay isang papuri sa Diyos. Kasama na rin dito ang tagumpay financial na kung saan ay may naibabahagi tayo sa gawain ng Diyos sa pamamagitan ng Simbahan. Praise the Lord.
Pagkatapos ng simba ay nagtungo naman ang family sa The Fort upang magliwaliw at magkuhanan ng mga pictures. Too bad, umuulan noon. Kaya gayon na lamang ang lungkot at pagkadismaya ni Tito Dan. Balak nito ang kumuha ng mga pictures para sa kanyang Blog. Better luck next time Tito Dan. Well nagkasya na lang ang family sa pagwi-window shopping sa Market Market na gustong-gusto naman puntahan ni Vanny. Ano ang nabili ng family? Timba, batya, at tabong plastic worth 45 pesos.
By the way, naglunch muna ang family sa S/R Supermarket bago nagtungo sa Serendra Area kung saan magpi-pictorial sana. Malaki at masarap ang pizza na kinain ng family for lunch. Nag-renew di ng membership si Tita Beth para may access siya sa paggro-grocery dito.
Bago umuwi ang family, dumaan muna sila sa bahay ni Tita Lily, ang kapatid ni Tita Beth for a dinner. Dito nagkatuwaan ang family sa panunuod ng You Tube kung saan ay kumakanta si Pi habang inililipad ng hangin ang laylayan ng kanyang palda. Ano pa di hiyang-hiya naman si Neneng at gusto pa atang kurotin ang kanyan Tatay.
Tuesday Malady
Kawawang Tita Beth, hindi siya pumasok noong Tuesday because of Colds. Last Friday (September 29, 2007) um-attend sila ni Tito Dan at Gillian ng Bible Study sa bahay nina Tita Elsa at Tito Pio. Umu-ulan noon kaya naulanan ang dakilang Tita. Sinipon kaya buong Saturday ay nasa bahay lang sila ni Tito Dan. Monday, kinakitaan na ito ng simptomas na sipon. Pati ang mag-asawang kapuwa doktor na members ng Bible Fellowship ay nagkasakit din pala. It's the weather, ika nga ni Kuya Kim ng ABS CBN Channel 2, weather-weather lang iyan. Kaya namahinga muna ng Tuesday si Tita Beth at hindi pumasok sa trabaho. Ganado pa man din siyang magtrabaho (as result of listening to the sermon?). Ito ang trial, tinawagan siya ng kanyang Bossing na si Abbey dahil may tuloy pala ang workshop na na-postponed na sa araw na iyon (the participants were there). Fix it, iyan ang mandate ng Bossing. Pinagpawisan si Tita Beth ng malalaki, sinlaki ng butil ng mais, he-he. Anyway tinawagan niya ang kanyang mga kasamahan sa opisina upang sila na ang mag-represent sa kanya. Well sa pamamagitan ng munting panalangin, na-postponed din muli ang workshop to its original schedule-Thursday. Praise the Lord! Walang bagay na hindi na-a-ayos sa buhay para sa mga matapat na anak ng Diyos. Para kay Tita Beth, carry on!