Thursday, October 25, 2007

Tito Dan Speaks

God's Honey, You are on Your Way...

Tita Beth doing her report at the office

Kanina habang naghihintay kami sa pagdating ni Mareng Es (nakikisabay siya kina Mareng Es papasok sa trabaho) nakapagkuwentohan kami tungkol sa kalagayan na ng IT Company. Nabanggit ko kasi na isa ito sa mga naging inspirasyon ko sa pagsulat na article na "No Money, No Honey." Gaya ng dati nasa kritikal pa rin na kalagayan ang IT Company dahil sa pagkalugi sa malakihan nitong project with the government. Tapos na ang system, hardware na lang ang kailangang kumpletohin ng kumpanya. May lungkot ang himig ng kanyang pagkukuwento, mukhang ginantihan ng isang hardware distributor ang kumpanya dahil hindi dito kumuha ng supplies ang IT firm. Sa ibang kumpanya ito nakakuha ng mas mababang halaga. Ang kaso may kulang pang component ang bawat unit (na sana provided na kung sa nabanggit na suppliers kumuha) na kailangan namang i-provide para maibigay na ang kakulangang bayad pa sa IT firm. Pumirma na ang dalawa sa mga kailangan na signatures pero hind pumirma ang COA auditor. Which means, wala silang makukuhang pera na pampasuweldo sa mga empleyado sa buwan na ito. The next settlement will be on December na, a delay of more than one month. Naiyak na lang ang ate Lily, the president, na siyang naglalakad upang mabayaran ang IT Company. Talagang nakaka-depress ang mga pagsubok. Habang lumalago at tumitibay ang pananampalataya ng isang anak ng Diyos, ang mga pagsubok naman na dumarating ay kasing bigat din ng kakayahan nito na harapin ang mga pagsubok na iyan. Subalit kung ang ating pananampalataya naman natin ay hawak na Diyos at tayo'y nanalig sa kanya, ang kakayahang tumayo at magwagi sa mga mabibigat na pagsubok ay may patutungohan. To God be the Glory.

Sabi nga ni Tita Beth, what I could do is pray. Oo, panalangin ang tanging sandata na siyang nakapag-uugnay sa atin ng mahal na Panginoon upang mapagtagumpayan ang lahat ng temptations, struggle, and tendency to give in to our trials. Ang malungkot, hindi lang iisa ang dumarating na pagsubok, napakarami. Hindi lang for a while na nararamdaman at na-i-experience ang mga ito, pangmatagalan pa. Tulad din ng sinasabi sa isang commercial ng rubbing alcohol, hindi lang pang-pamilya ito ay pang-sport pa. Ang mga dumarating na problema at pagsubok sa mga personal na buhay natin ay isang pagsubok din sa tinatawag nating spiritual maturity. Ang mga problemang dumarating o pagsubok man diyan, family or organizationaly related in whatever dimension, ay isang uri ng paghamon sa kakayahan nating kumapit at magtiwala sa Diyos. Gaya ng isang sport, tayo'y lumaban ng buong tapang at talino, upang makamtan natin ang panalo at maging kampion ni Kristo. Christ is our coach, our manager, our mentor, our adviser, and financer, wala ka nang hahanapin pa. Ang kuwestion ng lamang, hanggang saan tayo makapagtitiis? Is Christ pushing us to the limits of our capacity and endurance? Sa katanongang iyan ay sasagutin din natin ng isa ring katanungan, hindi pa pag-aari na tayo ni Kristo? Having been the subject of Christ, is it not our strength is His strength? Is it not our power to overcome spiritual and material struggles is His power? "The Lord is my shepered" (Psalm 23:1). If Jesus is our savior and redeemer does He not prepare a green pasture for us? Do we need to suffer and bear the mental anguish of a never ending financial woes? May mga pagkakataon na nagtatanong tayo sa Diyos, bakit napakatagal namang maramdaman ang iyong kasagutan sa aming mga hinaing at paghihirap? How much more faith do we need Lord para lamang aming maintindihan kung ano ang inyong kalooban sa mga nararanasan naming pagsubok? Sa ating mga panalangin, nararamdaman at nararanasan din ng Diyos ang paghihirap ng ating kalooban. But He has His own design and a time frame for everyone. Of course we can not say to the Lord, No Money, No Honey. He has more than enough for our needs. Hindi kaya tayo ang nagkukulang sa kanya?

A few years back nang ako ay nagtungo sa Amerika upang magbakasyon, I was detained for almost five hours at the immigration along with other tourists. Sa mga panahon na iyon, wala akong katiyakan kung ako'y makakarating sa aking patutungohan, o kung hindi kaya'y ako ay pababalikin sa Pilipinas. Wala akong maisip pang paraan kung hindi manalangin. I said all my prayers and petition to the Lord pero nararamdaman ko ay kulang pa. Ultimately naisip ko ang Lord's Prayer and I recited it with all of my heart.

"Our father in Heaven,
Hollowed by Your name,
Your Kingdom come,
Your will be done
On earth as it is in Heaven.
Give us this day our daily bread.
And forgive us our sins,
For we also forgive everyone who is
indebted to us.
And do not lead us into temptaion,
But deliver us from the evil one."
(Luke 11: 2-4 NKJV)

Pagkatapos busisihin ng mga immigration officials ang aking mga documents, ako'y binigyang laya ding makapasok sa Amerika. Bagamat sa labi ng iba ko narining, I know the Lord had spoken to me. "You are on your way." Similarly at the cross when He died for the atonement of our sins, you are on your way to eternal life. Sa taimtim na panalangin ay batid kong tinutugon ng Diyos ang ating mga pangangailangan ng buong pagmamahal. Sa lahat ng mga gusot at kawalan na ating kinasasangkutan sa buhay, gaano man ito kalaki, mas makapangyarihan ang Diyos na siyang ating gabay. Ikaw pa na kanyang pinaglaanan ng kanyang buhay ang hindi niya pagbibigyan. Jesus saves, and we are on our way...

No comments:

Post a Comment