Tuesday, October 9, 2007

Kuwentong Betty 5 (in popular Filipino)

LBM--Grounded ang Bida
Naku tutoo po, grounded ang ating bida. Hindi pumasok ngayong araw ng Martes (October 9, 2007) dahil sa LBM. Kagabi pagka-pahinga niya, kumain na ang ating bida. Nasarapan sa sari-saring pagkain (turon, ampalaya leaves with mongo, sandwich, etc.). Ang resulta, nag-alboroto ang kanyang stomach kaya naka-ilang ulit siyang bumisita sa CR. Maaga siyang nagising ready for work pero pinakikiramdaman niya kung kaya niyang pumasok. Earlier she decided, papasok siya at makikisabay kay mareng Es. Pero hindi ito natuloy dahil si mareng Es ay papunta pala ng Congress. Pinakiramdaman uli ng ating Tita kung kaya niya, at uminom pa siya ng green tea. Kumain kaunti para may energy papuntang office. Ang masaklap...brrrroggg...pumurorot na naman siya sa CR. Now she decided, grounded muna, pahinga at baka ano pa ang mangyari sa kanya sa daan.
Sa awa ng Diyos, after taking a medicine, gumaling din. Nakakain din siya ng tilapiang may sabaw at saging. Tamang-tama bumisita naman sa Vans for a certain request kaya nakapag-usap sila. Napagpayuhan tuloy ang matimtimang dalaga na mag-ingat sa mga recruiters for job abroad. Nakatulog ang Tita, at nakapagkape din siya for her meryenda. Nag-computer siya ngunit sandali lang at para siyang nahihilo. Naku po, ano na naman iyan. Pero okey na siya ngayong ready for work tomorrow.
Dumating ang mga kids from school kaya kumpleto na naman ang araw ng ating Tita. Ang payo ng sambayanang Filipino, Tita Beth kaunting ingat sa pagkain. Kaunting ingat din sa mabahong amoy na nanggagaling sa mga bulok na hamon sa Customs. At higit sa lahat, may you have more power and energy. May your smiles and laughters brighten your day always. Nagmamahal--Kapuso at Kapamilya. Isama mo na diyan ang lahat ng mga networks.

No comments:

Post a Comment