Thursday, October 4, 2007

Kuwentong Betty (in Popular Filipino)

Family Trip
Last Sunday nagsimba ang Betty's family sa GCF Central Church; dito lang sa may Ortigas Center. Medyo na-late na nga ang family dahil matrapik sa Ortigas Extension at umu-ulan pa noon. Kasama ng family ang newly found friend nila na si Vanny, dating teacher ni Pi noong nagtuturo pa ito sa St. John's Worth Montessori School ng Antipolo City. May kuwento kay Vanny, dahil she is being matched to Boyet ang computer programmer na anak ni Tita Beth na nagtatrabaho sa main office ng Philippine National Bank. But anyway medyo malayo atang mangyari ang dream ni Tito Dan.
Well umabot naman ang family sa hour of the worship ng simbahan kaya nabiyayahan sila ng isang napakagandang sermon na hango pa sa Book of Proverbs ng Bibliya. The topic was all about Work. Maliwanag ang lesson mula sa sermon ng Pastor; gusto ng Diyos na lahat ay aktibo sa pagtatrabaho at maging masipag at matiyaga dahil ang Diyos mismo ay isang "working God." Maganda ang naging paliwanag ng pastor na dapat maging positive tayo pagdating sa trabaho dahil bahagi ng matapat na paglilingkod sa ating mga pinapasukan ang pagpupuri sa kadakilaan ng Diyo. Amen, yes amen. Saludo ang Tita sa sermon gayon din si Vanny na huwag isipin ang hirap at pagud sa paglilingkod sa mga pinapasukan nating trabaho dahil dito man ay nasusukat ang ating katapatan at pagiging produktibo. Hindi lang iyan, ang ano mang tagumpay na ating makakamtan sa paglilingkod sa ating mga pinapasukang ahensiya (government or private) ay isang papuri sa Diyos. Kasama na rin dito ang tagumpay financial na kung saan ay may naibabahagi tayo sa gawain ng Diyos sa pamamagitan ng Simbahan. Praise the Lord.
Pagkatapos ng simba ay nagtungo naman ang family sa The Fort upang magliwaliw at magkuhanan ng mga pictures. Too bad, umuulan noon. Kaya gayon na lamang ang lungkot at pagkadismaya ni Tito Dan. Balak nito ang kumuha ng mga pictures para sa kanyang Blog. Better luck next time Tito Dan. Well nagkasya na lang ang family sa pagwi-window shopping sa Market Market na gustong-gusto naman puntahan ni Vanny. Ano ang nabili ng family? Timba, batya, at tabong plastic worth 45 pesos.
By the way, naglunch muna ang family sa S/R Supermarket bago nagtungo sa Serendra Area kung saan magpi-pictorial sana. Malaki at masarap ang pizza na kinain ng family for lunch. Nag-renew di ng membership si Tita Beth para may access siya sa paggro-grocery dito.
Bago umuwi ang family, dumaan muna sila sa bahay ni Tita Lily, ang kapatid ni Tita Beth for a dinner. Dito nagkatuwaan ang family sa panunuod ng You Tube kung saan ay kumakanta si Pi habang inililipad ng hangin ang laylayan ng kanyang palda. Ano pa di hiyang-hiya naman si Neneng at gusto pa atang kurotin ang kanyan Tatay.
Tuesday Malady
Kawawang Tita Beth, hindi siya pumasok noong Tuesday because of Colds. Last Friday (September 29, 2007) um-attend sila ni Tito Dan at Gillian ng Bible Study sa bahay nina Tita Elsa at Tito Pio. Umu-ulan noon kaya naulanan ang dakilang Tita. Sinipon kaya buong Saturday ay nasa bahay lang sila ni Tito Dan. Monday, kinakitaan na ito ng simptomas na sipon. Pati ang mag-asawang kapuwa doktor na members ng Bible Fellowship ay nagkasakit din pala. It's the weather, ika nga ni Kuya Kim ng ABS CBN Channel 2, weather-weather lang iyan. Kaya namahinga muna ng Tuesday si Tita Beth at hindi pumasok sa trabaho. Ganado pa man din siyang magtrabaho (as result of listening to the sermon?). Ito ang trial, tinawagan siya ng kanyang Bossing na si Abbey dahil may tuloy pala ang workshop na na-postponed na sa araw na iyon (the participants were there). Fix it, iyan ang mandate ng Bossing. Pinagpawisan si Tita Beth ng malalaki, sinlaki ng butil ng mais, he-he. Anyway tinawagan niya ang kanyang mga kasamahan sa opisina upang sila na ang mag-represent sa kanya. Well sa pamamagitan ng munting panalangin, na-postponed din muli ang workshop to its original schedule-Thursday. Praise the Lord! Walang bagay na hindi na-a-ayos sa buhay para sa mga matapat na anak ng Diyos. Para kay Tita Beth, carry on!

No comments:

Post a Comment