Monday, December 24, 2007

Merry Christmas Po!


(Py posing as female Santa)

Last Friday December 21, 2007 ay nagkaroon kami ng salo-salo sa bahay nina Dante at Nietz kung saan kaming mga kasapi ng Bible study group upang ipagdiwang ng Pasko sa pamamagitan ng Bible study. Dalawang pastor ang nandoon, sina Pastor David at Pastor Jason. Naghanda si Tita Beth ng paella; prutas at piniritong isda, at pasta naman kina Dante at humabol din ang siomai nina Elsa at Pio. Masaya ang kainan bagamat mahinang kumain ang mga panauhing iba. Kasama din sina Gillian at ang kaibigan niyang si Melissa.

Sa Bible study napag-usapan ang tungkol sa Pasko na tila ata may iba nang kahulugan para sa mga ibang tao. Ang Pasko ay pag-alaala sa kapanganakan ng Anak ng Diyos na siya nating gabay at tagapagligtas. Ngunit para sa mga iba, panahon ng kasayahan, pamimili ng regalo, paglalasing, at pamamasyal. Mga tao ay busy sa mga pagsa-shopping at pagpapaganda ng kanilang mga bahay sa pamamagitan ng kumikinang at umiilaw na dekorasiyong pampasko. Iba nga ang puntirya ng mga iba, ang magyabang at makilala dahil sa kanilang regalo at gara ng mga damit, bahay, sasakyang bago at iba pa. Ugaling pagano di ba? Ang pagdiriwang ng Pasko, masakit mang sabihin, ay hango sa pagano. Ngunit para sa mga Kristiyano, ang Pasko ay nangangahulugan ng pagtanggap at pagsasapuso ng kadakilaan ng Diyos, at ang pag-aalay ng anak ng Diyos sa kanyang buhay. Christ is the center of Christmas celebration, not on man's personal satisfaction. Mahaba-haba din ang diskusiyon at paliwanagan. Nakakatuwa nagtatagalog pa nga ang puting Amerikanong pastor na panauhin para ibahagi naman ang kanyang mga kaisipan tungkol sa Christmas Tree, Santa Claus, at Three Kings. Bagamat tinutuligsa ng maraming Kristiano ang mga ito na naging sangkap na sa pagdiriwang na pasko, maari din namang tignan ang mga tandang ito sa isang positibong pananaw. Ang mahalaga basta ang sentro ng pagdiriwang ay si Jesus.

Pagkatapos ng Bible study, nagpaiwan naman kami ni Tita Beth at nakipag-bonding naman kina Dante at Nietz na itinuturing na naming mga kamag-anak. Masaya ang aming kuwentohan. Inabot pa nga kami ng alas-dos ng umaga. Talagang may pananabik sa bawat isa. Marami kaming napagusapan tungkol sa Church at iba pang gawaing Kristiyano. Sina Gillian at Py naman ay nauna ng umalis at nakitulog sa kanilang kaibigan.

Noong linggo ay naki-fellowship din kami sa Green Hills Christian Church ng Taytay. Ginawa nila itong Christmas service nila. Kasama namin si Vanny na noon ay antok-na-antok na dahil tatlong oras lang ang kanyang tulog (may duty kasi siya sa gabi sa Call Center). Pagkatapos ng service ay uminom muna kami ng kape sa Church. First time namin maki-inom ng kape. Ang biro ko nga e, naglakas loob din dahil may isinabit sa Christmas tree na abuloy (joke). Dahil gusto kung ibili ng regalo si Tita Beth, nagtungo kami pagkatapos ng Church service sa SM Taytay. Kumain muna kami sa Chicken Bacolod; pagkatapos ay namili na ng regalo para kay Tita Beth. Siya ang nagsabi kung ano ang aking bibilhin para sa kaniya. Siya pa nga ang nagbalot ng kanyang mga regalo at inilagay sa may paanan ng Christmas Tree.

Ngayon ay bisperas ng Pasko (Dec. 24) at mamaya ay magde-devotional daw kami at magsalu-salo (Notche Buena) na ng ihinandang keso de bola na Marca Pena, pizza pie, fruit salad, siomai ni Boyet, at grape wine. Napakakapal talaga ng tao sa mga groceries at malls na tila bagang humihirit sa last minute shopping. Ay, Pasko na talaga. Merry Christmas and Happy New Year to all. May God bless this Nation, the World, and all the People who are praying for peace and prosperity. Sana ay nasa puso ng bawat nilalang ang diwa ng Pasko at kadakilaan ng Diyos.

Monday, December 17, 2007

Feeling Diabetic-by Tito Dan




(Gillian and Py posing as anime characters)

My Unforgettable Experience

Last week ako ay nagkaroon ng hypertension. Ano ang dahilan? Stress. Pero huwag na nating pag-usapan iyon. Tumawag ako kay Tita Beth to inform her of something na urgent. Busy siya at sa hapon ko na lang siya na-contact. Anyway sinabi ko ang tungkol sa aking hypertension at nagtanong kung mayroon siyang gamot. Mayroon daw, at sinabi kung nasaan. Based on her instruction pinulot ko ang isang maliit na tableta na sa aking paningin ay korteng numero, number 8 to be exact. Tatapyasin ko sana para isang tableta lang ang aking iinumin (akala ko kasi nagkadikit lang) pero gusto ko madaliang paggaling kaya ininum ko na lang na buo. Wala pang 30 minutes ay bigla akong nahilo. Hindi lang iyan habang nanunood ako ng TV ay bigla na lang nag-init ang aking katawan at ang aking sikmura ay sumakit na para bagang mayroon akong ulcer. Baaaaaddddddd, nasabi ko kaya naligo kaagad ako. Unang buhos sa talampakan, pangalawa sa baywang, at buong katawan na. Nanghihina pa rin ako, kaya uminom na lang ako ng tubig sa takot na inaatake na ako ng highblood. Tamang-tama mayroon pa lang oranges sa refrigerator kaya kumain ako ng apat. Medyo na-relieved ako, this time parang naghahanap ang aking katawan ng matamis na pagkain. Kumain nga ako nga isang pirasong loaf bread.

Dumating sina Pi at Gillian, nakahiga ako sa sofa. Sinabi kong nahihilo ako at pinatatawagan ko pa nga si Tita Beth. Pero medyo gumaling ako ng bahagya kaya ipinagpasya ko na lang na hintayin siya. Dumating nga ang dakilang Tita at kitang-kita niya ang aba kong kalagayan.
Saglit niya akong tinignan at kinumusta kung magaling na ako. Okey lang ang sagot ko, kaya pagkatapos niyang magpalit ay nagtungo na ng banyo para maligo. Pagkaligo ay pagkain naman ang inatupag. Sinabayan ko na siya at habang kumakain nabanggit ko ang tungkol sa gamot na aking ininom. Tinignan namin sa lalagyan, laking gulat na lang niya nang ito ay nabatid niyang pinakamalakas na gamot na pagpababa ng level ng blood sugar sa dugo. Para sa diabetes pala ang gamot na aking ininom, sa halip na ma-relieve ako sa hypertension nagfeeling diabetic tuloy ako. Sabi nga niya ay mabuti na lang at hindi ako nag-collapse. Ngayon alam ko na kung ano ang nararamdaman ng isang diabetic. Naiintindihan ko na kung ano ang kanyang nararanasan kapag tumataas ang level ng kanyang blood sugar sa dugo.

T-shirt Printing Blues

Noong sabado naman ay nagpagawa kami na sasakyan. Pinaayos ang preno (break drum and disc break reface) kung saan ay pinalitan ang ng break pad. Pinalitan din ang CV joints kung saan nahirapan ang mga mekaniko sa pagtanggal ng nasirang bearing. Magastos po, umabot na nine thousand pesos ang nagasta. Kasama namin si Gillian na noon ay may kailangang bilhin para sa kanyang school project. After the car repair in Servitec ay tumuloy na kami sa National Book store ng Antipolo City. Tanging silk screen lang ang nabili. Hindi namin kasi alam kung anong klaseng liquid ang binibili para dumikit ang plastic film sa silk screen. Nalaman ni Boyet na mag-pe-printing kami ng Tshirt, nakisawsaw na rin siya. Ang result, its a mess. Messy talaga. Nasira namin ang mga t-shirts na pini-printahan. Kaya we decided na back to square one muli.

Sunday ay nagpunta kami ng Santa Lucia para bilhin doon ang mga kailangan ni Gillian at Py. Wala kaming nabiling adhesion liquid. Naubosan daw ang National Book Store doon ng supply. Hilong-hilo na si Tita Beth sa kapal ng mga namimili para sa Pasko. Sa parking area nga ay nahirapan pa kaming maghanap ng space. Nakakita kami ng parking space sa may damuhan malapit sa quarters ng mga guardiya. Ito nga ang masama sa kalituhan, dahil ako ay lumabas sa kotse para tignan ang pagkakaparada, naiwanan ko ang susi. Akala ko si Tita Beth na ang kumuha dahil siya ang pumatay ng aircon at makina. Heto na po ang problema, ng pauwi na kami, hindi namin mabuksan ang pintuan ng kotse dahil naiwan sa loob ang susi. Tinawagan namin si Boyet para dalhin ang duplicate key. Kaya nasabi nga namin na magkaroon ng extra duplicate keys para hindi na maulit ang ganitong problema. Pangalawa na ito. Pero kagaya din ng unang experience namin, security guard din ang nagbukas sa pamamagitan lang ng kapirasong alambre. Nagpasalamat kami sa mga dakilang guwardiya na tumulong sa amin, nagbigay nga kami ng fifty pesos bilang pasasalamat. Inabisuhan na lang namin si Boyet na huwag na siyang tumuloy pa. Mabuti na lang ay nasa bahay pa lang siya noon. Sinabi niya kasi na on-the-way na siya kaya naman kami ay nag-alala. On the way nakatanggap kami ng text message niya, nagluto pala siya ng imbaliktad (isang Ilocano receipe mula sa karne ng baka na kanyang ginaya hango sa information na nakuha niya sa internet). Masarap ang pagkaluto kaya naubos lahat. Ang kaunting natira ko ay pinaubos ko na nga lang kay Tita Beth. Saglit na nakalimutan ang problemang dinulot ng pagkaiwan ng susi sa loob ng kotse. Isa ring kapalpakan ng lakad na iyon ay nang magdisisyon kami na pumunta sa Ever Emporium ng Pasig City para bumili ng adhering liquid sa branch ng National Book Store doon. Pero pagsapit namin doon ay nagsara na ang naturang book store.

Dahil sa napagod si Gillian ay nag-absent na lang siya ng Monday. Sinamahan ko siyang bumili ng mga kailangan niya sa pag-pi-print ng T-shirt sa unang book store na aming pinuntahan sa Antipolo. Nandito lang pala ang hinahanap. Lesson to learn, magtanong ng malaman. Hindi kami kasi nagtanong noon kung mayroon silang stock ng naturang produkto. Kaya pagdating namin sa bahay gumawa ng panibagong silk screen si Gillian para sa kanyang project. Nagmadali kagaya ng dati kaya pumalpak muli ang kanyang ginawa. Yeeba, history repeats itself in this occassion. Dahil may extra silk screen at film, susubokan kong gumawa ng design at muling subokan mag-print ng T-shirt. I hope kuha na by this time.

Wednesday, December 12, 2007

Pasko, Pasko na Naman... (Ni Remy Berdagol)


(Ang kinagigiliwang winter na bahagi na rin ng Christmas holiday season)

Kumosta kayo mga giliw naming mambabasa ng Blog na ito. Merry Christmas po sa inyong lahat. Bagamat sinasabi ko ito may mga bagay-bagay ding naglalaro sa aking isipan. Taon-taon ay ipinagdiriwang nating ang kapaskuhan na siyang maituturing ng mga Kristiano na kapanganakan ng ating dakilang manunubos sa kasalanan ng Mundo, ang Poong Hesu-Kristo (our Lord Jesus Christ). Sa aking munting pagsasaliksik ibat-iba ang mga pananaw ng mga Kristiano tungkol sa Pasko. May mga nagsasabi na hindi raw malinaw at walang katibayan na ang ika-25 ng Desyembre ay ang araw na kung saan ay ipinanganak ang ating dakilang Hesu-Kristo. May mga nagsasabi na ang araw na ito ay hango sa pagsambang pagano ng mga Romano noong araw sa kanilang diyos-diyosan na si Saturna. Ayon sa kasaysayan, ginamit nga ito ng Roma upang hikayatin ang mga pagano na umanib sa kristianismo. Sa makatuwid wala sa Bibliya ang pagsamba (o pagdiriwang ng Kapaskuhan). Ngunit may mga nagsasabi na hindi ring ipinagbabawal sa Bibliya ang paggunita ng kapanganakan ni Kristo. Sa ganang akin ang pasko ay dapat gawing araw-araw dahil araw-araw ding nagbibigay sa atin ng biyaya ang ating Poong Maykapal. Ang diwa ng Pasko ay dapat nasa puso ng isang nilalang, hindi ito nakikita sa mga dekorasyong pamasko, mga regalo, ang pangangaroling, ang labis-labis na inuman at kainan para magdiwang, ang pagpapaputok ng mga paputok. Ang tawag sa ganito sa english ay corrupted meaning of Christmas. Ako ay naniniwala sa kahalagahan ng pag-ala-ala ng kapanganakan ng Mesyas ngunit hindi dapat gawin itong negosyo, pagsasamantala sa ibang tao, at paghahangad ng mga material na bagay. Ito ang paganong pananaw sa pagdiriwang ng Pasko. Ang mga iba nga riyan ay nagnanakaw, pumapatay, at nambibiktima ng ibang tao para magkapera lamang at magkaroon ng panggastos ng Pasko. Ang tunay na diwa ng pasko ay ang araw-araw na paggunita at pagpapasalamat sa sakripisyo at pagkapako sa krus ng ating mahal na si Hesu-Kristo. Sabi nga sa english, man should not put the essence of Christmas on heavy spending, partying, display of wealth, human holidays and celebrations. Christ is the center of Christmas, a recognition of His birth which dramatically changed the fate of man, from the curse of sin to salvation. Certainly, Christ was born to redeem mankind (but not on December 25) and that we have to keep in our heart everyday not just one season of the year. Huwag lagyan ng mga gawaing pagano ang paggunita sa kapanganakan ni Kristo; ang Christmas tree, Santa Claus, sina Rodolf, Christmas lights na galing pa sa China, ang pangangaroling, at pangungutong ng mga pulis at iba pa para magkapera. Ang Christmas ay panalangin, pasasalamat, at pag-aaral ng salita ng Diyos. Hindi ito panahon para magtampo sa mga (kuripot o manlalamang) nagbigay ng regalong walang kakuwenta-kuwenta.

Siya nga pala habang sinusulat ko ito nagaganap ang isang malawakang transport strike ng samahang PISTON at malawak na ang naparalesang pagyaot ng mga sasakyang pampubliko. Siguradong mahihirapan na naman ang mga mananakay na umaasa lamang sa public transportation. Ang dahilan ng malawakang pag-aklas ng ng tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa ay ang di makatuwirang pagtaas ng presyo ng langis at gasolina. Sobra na ang itinaas ng presyo ng oil products at LPG na siya namang ginagamit na panluto ng mga mamayan. Tumataas ang halaga ng piso kontra dolyar pero parang hindi nararamdaman. Dahil ba sa kagustohan ng mga iba na magkamal ng limpak-limpak na salapi. Noong isang buwan ay nagsagawa ng pag-aklas si senador Trillianes, nalagay na naman ang bansa sa malawakang pandaigdigang balita. Hanggang ngayon may nangyayari pang Senate hearing tungkol sa kaganapang ito sa Manila Pen kung saan ay pinaghuhuli at pinusasan pa ng mga pulis ang mga taga Media. Bad publicity sa rehimeng Arroyo ngunit tila di natitinag ang Malacanang sa opinyon ng ibat-ibang sektor ng buong daigdig. Dahil ba sa kapit tuko sila sa kapangyarihan, o kayang-kaya nila ang oposisyon na halata namang watak-watak? Ano ang kabuluhan ang pagdiriwang pa sa Pasko kung hindi na maampat pa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at nakakasukang gawaing immoral ng mga iba diyan sa gobyerno. Sa halip na mangutang para may pang-noche-buena siguro magkasya na lang sa samporado at tuyo at magdamagang panalangin. Oo, ipanalangin po natin ang ating bayan at mamamayan. Sana magkaroon ng pagbabago sa puso at isipan ng mga tao. Nawa'y madama ang pag-ibig ni Kristo at sumunod sa kanyang mga kagustuhan. Nawa'y mabuhay tayo sa kabanalan at pagiging matuwid (RIGHTEOUSNESS) ni Kristo. Sabi nga ni kapatid Eddie Villanueva, sana ay magkaisa tayo at manalangin na magkaroon ng tinatawag na righteous government ang ating bansa. Bilang mga Kristiano dapat itaguyod nating ang katinuan, kabanalan, at matuwid na pamamaraan sa pamamahala ng ating bansa. Dapat umaksiyon na, sabi ni Liza Masa ng Gabriela. Kung hindi ngayon kailan pa.

Pasko na naman, sa isang taon pasko na naman uli, at sa mga susunod pang mga taon ay a-asahan natin na darating at darating ang pasko. Ngunit dumating man ito ay walang saysay kung sa ating mga puso ay wala si Kristo. May pagdiriwang ngunit wala sa ating mga puso ang dahilan ng pagdiriwang na ito. Huwag pukawin ang pananampalataya at pagmamahal ng Diyos sa ating mga puso. Maligayang paggunita sa kapanganakan ni Kristo- ang tanging daan sa ating kaligtasan.

Thursday, December 6, 2007

Christmas Series 1 (Pamaskong Handog)


(Shopping or Just passing by? My Tito and Tita--RemyB)


ANG PAMASKONG HANDOG, PAG-IBIG NG DIYOS - ni Tito Dan

Kahapon ay umuulan kaya hindi ko naihatid si Tita Beth sa sakayan ng tricycle sa highway. Sina mareng Ester naman na sinasabayan niya ay masyado naming maaga ang labas at hindi pa handa ang Tita Beth. Sinabi kasi ni Randy, ‘yong driver, na hindi raw sila lalabas that day. Pero, before six in the morning tumawag si Mareng Es na tuloy pala sila. Hindi pa noon bihis si Tita Beth kaya sinabi na lang niya na mauuna na lang ang mga ito. Dahil sa umuulan hindi ko rin siya naihatid ng motorcycle. Sira kasi ang preno n gaming kotse. Nag-text nga sila ng tricycle driver para sunduin na lang siya sa bahay, wala ring dumarating dahil sira pala ang cellphone ng tricycle association. Later sinabi ng Tita ay ninakaw pala ang baterya nito kaya galit nag alit ang mga drivers. Mabuti na lang a personal nang sumundo si Princess ng tricycle para kay Tita.

Well ako naman ay pansamantalang nanood ng morning talk and variety show ng isang Network. Casual lang ang mga napapanood except doon sa parting “Swap Tayo” ng ABS-CBN. Na-feature kasi doon ang isang lola (hindi pa katandaan) na nagtataguyod ng dalawa niyang mga apo. Mahirap ang kanilang buhay, bagamat di ito nakikita sa malusog na pangangatawan ng bata pang (about on her late 40’s) lola. Dahil siya na lang ang nagtataguyod sa dalawa niyang apo, worried siya kung sino ang magtataguyod sa kanyang mga apo kapag bigla na lang itong nawala sa mundo. Mahirap ang kanilang buhay, tanging pamumulot lang ng basurang mapapakinabangan ang hanap buhay ng magaapo. Sa nakita ko mula sa video footage ng programa, hindi inaalintana ng lola ang hirap ng buhay. Pilit niyan nilalabanan ang kahirapan sa pagsusumikap upang mabuhay. Dala ang isang kariton (kung saan nakasakay ang dalawa niyang mga apo) ay binaybay nila ang mga kabahayan, kalye, at maging ang mga malalaking kalsada. Nagmistula nang basurahan ang munti nilang barong-barong. Pero bale wala ito sa lola, ang mahalaga may pinagkakakitaan siya.

Dahil layunin ng programa ang makatulong, isang celebrity (si Dawn Zulueta) ang nag-alok ng kanyang “signature” at mamahaling bag (galing pa ng abroad) sa sino mang makapagbibigay na tulong sa hirap nang magtaguyod ng dalawa niyang mga apo na lola. Maraming nagalok na tulong pero tatlo lang ang napili (as in tatlong hari). Ang isa ay isang dalaga (about 30-40 years old) na nakadama ng pangangailangan na maglolola. Isang bicycle-tricyle na punong-puno ng grocery ang pamaskong handog at tulong ng butihing dalaga. Ayon sa kanya naantig ang kangyang puso sa mga pangangailang ng dalawang bata. Dahil inilagay niya ang kanyang sarili sa nararanasan ng mga bata, naramdaman niya ang kahirapan, ang kalungkotan, at ang walang katiyakan sa buhay ng mga batang walang nag-aarugang magulang. Mabuti sa mga batang ito at may lola pa silang tumitingin sa kanilang mga pangangailangan. Ang isa pang nag-handog ng tulong ay isang Filipino Chinese na may tindahan ng mga bisekleta. Ganon din ang ibiniagy, isang bike-tricycle na punong-puno ng mga sari-saring groceries. Dalawang bagay ang tinugonan ng mga naghandog, ang pang-arawaraw na pagkain at pangangailang ng mga maglolola, at ang pangkabuhayang pangangailangan. Ang pangatlong nagbigay ng handog ay nagpadala sa programa ng isang lutoang de gas. Ano pa at ganon na lang ang pasasalamat ng lola. Kitang-kita din ang tuwa ng mga bata na noon ay inumpisahan nang maglaro ng mga handog na laruan. Ang isa pa nga sa mga bata ay sinubukan patakbuhin ang bike-tricycle. Sa interview luhaan ang lola na nagpasalamat sa mga tumulong sa kanila. Dati pala siyang tagahanga ni Dawn Zulueta ng kabataan at kasikatan pa nila ni Richard Gomez. Sabi ng ng lola parang panaginip lang, na kung saan siya noon ay nakakapanood lang sa TV ng mga natutulongan, siya ngayon ay mismong recipient ng handog at tulong mula sa mga taong may magagandang kalooban. Damang-dama ko rin bilang isang manunood ang kagalakan at tuwa ng mga natulungan. In my part, it is not so much on the material things given them that made me happy, it is the heart and the spirit of the one who made this things possible, our Lord and Savior Jesus. Sa akin nasaksihan labis na tuwa at kagalakan sa aking pusong ang nadarama; di ko man lang namalay na ako man din ay nagpapahid na ng aking mga luha sa magkabilang pisngi.

This Christmas is all about the birth of a loving Savior, the Messiah who died at the cross for the atonement of our sins. In his earthly ministry, he fed the hungry, he healed the sick and broken heated, He showed the love and glory of the Father to mankind, and urged everyone to be of service to others as he himself was made a living sacrifice.

Ang kalagakan at pagdiriwang sa kapaskuhan ay hindi para ipagbunyi ang ating mga katangiaan, kakayahan, at mga tagumpay. Hindi ito ang panahon para magpasikat, ang magpahayag ng katanyagan at kapangyarihan, everything is for the glory of God this Christmas. Ito ang panahon ng pagpaparaya, ang pagpapatawad, ang pagkakaisa, at pagmamahalan. After all Christmas is all about God’s love.

Isaiah 63:7-9 Praise and Prayer

7 I will tell of the kindnesses of the LORD, the deeds for which he is to be praised, according to all the LORD has done for us—yes, the many good things he has done for the house of Israel, according to his compassion and many kindnesses.
8 He said, "Surely they are my people, sons who will not be false to me"; and so he became their Savior.
9 In all their distress he too was distressed, and the angel of his presence saved them. In his love and mercy he redeemed them; he lifted them up and carried them all the days of old.

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGON TAON
!

Sunday, December 2, 2007

MAKASAYSAYANG WEEKEND-ni Tito Dan


(Our animated, este anime fan, baby na si Py)

Ay, nakalipas na naman ang isang buwan, nasa buwan na tayo ng Disyembre 2007!Makulay at makasaysayan ang mga huling araw ng nakaraang buwan. Bakasyon ni Tita Beth at ang mga bata noong November 30, 2007 dahil i-dineklara na Bonifacio Day (National Heroes Day). Ngunit bago pa man ma-celebrate ang natatanging araw na ito, nagkaroon naman ng isang Standoff sa Makati. Ito'y tinawag na KUDETA kung saan involved dito sina Senador Trillianes at General Lim, kapuwa nakakulong dahil sa paratang na rebellion. Nagmartsa sina Senador Trillianes at General Lim na kapuwa akusado mula sa Makati Regional Trial Court hanggang sa Manila Peninsula kung saan sila ay nag-press conference at dito inihawag ang kanilang pagkundena sa rehimeng Arroyo; at may panawagan pa ng pagbaba sa puwesto ng presidente. Nasira tuloy ang schedule ko upang tapusin na ang aking project na rocking chair. Napaka-exciting kasi ang kaganapan. Sa maghapon na non-stop TV coverage walang eksena na di ko nasaksihan. Pati nga ang pagteargas ng mga pulis at pagpasok ng tanke sa loob ng Makati Penensula Hotel ay napanood ko. Pati ang pagtale sa mga kamay ng mga journalists ay akin ding nasaksihan. Kaya lang, talo na naman si Ka Toning Trillianes. Sabi nga ni Erap, next time pagbutihin mo bata. Sabi naman nina Jerry Baja at Anthony Taverna may balat ata sa puwet itong si Trillianes at laging nabibigo. Well ang KUDETA (daw?) ay nagbunga naman ng isang gabing curfew (the first of its kind after Martial law).

Nasira nga ang schedule namin, Sana papunta kami sa gabi ng Friday sa Star City para mamasyal ngunit dahil sa KUDETA postponed. Well ang Friday namin ay ginugol naman sa pagpaparepair ng preno ng KIA na pumalpak naman. Mabuti na lang at sinamahan namin sina Gillian, Py, at Boyet sa pagpunta sa Mall of Asia upang um-attend sa Anime Convention. Kung hindi baka ne-nerbiyos sila sa pagkasira ng preno ng KIA. Anyway natapos din ang bleeding (para kumagat ang preno) sa Shell Station ng Pasig malapit sa Rizal General Hospital. Gas at gastos na naman, care of Tita Beth. Ang reward, dalawang Ferrari cars. Masaya no, may Ferrari na si Tita Beth. Hindi naman sa pagyayabang, apat na ang Ferrari ni Tita Beth. Mayaman ba siya? Tanongin ninyo ang Shell, baka magka-ferrari din kayo.

Lunch time na ng makarating ang family sa Mall of Asia. Kumain sila sa French Baker at tipong nag-lasang Pranses ang family. Pagkatapos ng lunch nagkanya-kanya na ang mga bata, kami ni Tita Beth ay naglibot ng napakalawak na Asia Mall. Ang mga bata naman na kinabibilangan ng isang computer programmer na tumutogon sa pangalan na Boyet ay nagtungo na sa Anime Convention Center. That's why para kaming mga bagong kasal na naman ni Tita Beth na magkaholding hands pa sa paglilibot ng Mall. Sa bay side ng mall ay may isang malaking largabista at sa five pesos coin na inabot sa akin ni Tita Beth nakita ko ang isang dako ng Roxas Blvd. Nakita rin namin ang isang Hotel na kung saan ay ini-refer si Tita Beth para sa isang training managerial position. Narating din namin ang pinagdadaosan na Mix Martial Arts competation. Boring kaya iniwan namin ang show dahil sa kawalan ng excitement ang labanan ng Brazilian Jujitso. Sa foodcourt kami napadpad ni Tita Beth. Dito natulog siya. Ako naman ay sumaglit din sa Ace Hardware as usual. May munting konsierto din akong nakita, naki-usyoso at nakining bahagya. Magtatagal sana ako pero naala-ala ko si Tita Beth na noon ay tulog na tulog sa food court. Nakapagkape rin kami sa Misis Fields at naupo sa pulang upuan na malambot. Gusto sanang matulog doon si Tita Beth pero nahiya siya. Thats why balik na naman kami sa foodcourt at dito na namin hinintay ang mga bata.

Gabi na ng dumating ang mga children, may dalang mga paper bags na may larawan ng mga ibat-ibang anime characters. Umorder ang Tita ng sinanglao (beef stew ng mga Ilocanos) at nasarapan siya sa sabaw. Pagkatapos kumain ay umalis na ang family, next objective Star City, goal is to see snow. Pero sadyang malupit ang pagkakataon, sa parkingan pa lang ay nawala ang family, they proceeded to the North parking instead of the South. Na naman, yes ito na ang pangalawang pagkakataon na nawala ang family sa parkingan. Napakalawak kasi ang Mall of Asia.

Star City, crowded. Maraming nakaparadang Buses. Muntik na kaming di nakakuha ng parkingan. Nang makakuha, mahaba na rin ang pila para sa mga rides at snow show. The result tinamad ang mga bata. They decided then to leave without asking me. Atat na atat pa mandin akong magride at magtour around. Bad cholesterol (ang aking expression), sumawsaw lang pagkatapos i-iwanan ninyo ako. Bad mood ang inyong lingkud. Feeling ko hindi na ako babalik pa doon. Napakasakit at nakakawalang gana, nakakalagas pa ng buhok sa konsumisyon. Buti na lang at bumabalik ang aking buhok sa shampoo ni Marissa na asawa ng isang dakila at mabait na ASEC. (Assistant Secretary).

Pag-uwi naiisip ko pa rin ang Star City, naiisip ko rin ang pumalpak na repair sa brake master ng KIA Pride. Nawalan tuloy ako ng ka-pride pride. Ni fried chicken wala nga. Sa shell uli ang tuloy dahil nawalan din ng (konsumisyon talaga) motor oil. Nakadalawang litro din kami. Gumastos na naman ng four hundreed pesos. Nakakadala (kaya parang gusto ko na noon ang sumigaw ala Tarzan) basta gas station- gastos. Basta anime convention, gastos. Kahit KUDETA gastos.

Mabuti na lang at pag-uwi namin sa aming mabangong bahay (courtesy of Dampa and Salem) nalinis na ni Princess Sarah (may reklamo?) ang aming kuwarto. Nawala bahagya ang amoy ng jingle ni Salem at Dampa. Nakatulog kami. Kinaumagahan nagusap kaming mag-jowa. Sana di na tayo sumama pa, ika ko. Oo, at sumama pa ang loob mo ang sagot naman ni Tita Beth. Pero mabuti na lang sinamahan natin sila, baka ne-nerbiyosin pa sila ng husto sa nangyari at mag-te-te-text ang mga iyon sa atin, dagdag niya. Oo nga ano, mabuti na lang at di na tayo tumuloy pa sa Star City, at buti na lang may bukas pang gas station sa pag-uwi dahil kung hindi baka natuyoan ng husto ang makina ng walang ka- pride pride na kotse. Blessing in this guy talaga (blessing in disguise) ang pa-cute naman na sagot tita ninyo sabay higop ng kape na tinempla ni Princess Sarah.