Sunday, December 2, 2007

MAKASAYSAYANG WEEKEND-ni Tito Dan


(Our animated, este anime fan, baby na si Py)

Ay, nakalipas na naman ang isang buwan, nasa buwan na tayo ng Disyembre 2007!Makulay at makasaysayan ang mga huling araw ng nakaraang buwan. Bakasyon ni Tita Beth at ang mga bata noong November 30, 2007 dahil i-dineklara na Bonifacio Day (National Heroes Day). Ngunit bago pa man ma-celebrate ang natatanging araw na ito, nagkaroon naman ng isang Standoff sa Makati. Ito'y tinawag na KUDETA kung saan involved dito sina Senador Trillianes at General Lim, kapuwa nakakulong dahil sa paratang na rebellion. Nagmartsa sina Senador Trillianes at General Lim na kapuwa akusado mula sa Makati Regional Trial Court hanggang sa Manila Peninsula kung saan sila ay nag-press conference at dito inihawag ang kanilang pagkundena sa rehimeng Arroyo; at may panawagan pa ng pagbaba sa puwesto ng presidente. Nasira tuloy ang schedule ko upang tapusin na ang aking project na rocking chair. Napaka-exciting kasi ang kaganapan. Sa maghapon na non-stop TV coverage walang eksena na di ko nasaksihan. Pati nga ang pagteargas ng mga pulis at pagpasok ng tanke sa loob ng Makati Penensula Hotel ay napanood ko. Pati ang pagtale sa mga kamay ng mga journalists ay akin ding nasaksihan. Kaya lang, talo na naman si Ka Toning Trillianes. Sabi nga ni Erap, next time pagbutihin mo bata. Sabi naman nina Jerry Baja at Anthony Taverna may balat ata sa puwet itong si Trillianes at laging nabibigo. Well ang KUDETA (daw?) ay nagbunga naman ng isang gabing curfew (the first of its kind after Martial law).

Nasira nga ang schedule namin, Sana papunta kami sa gabi ng Friday sa Star City para mamasyal ngunit dahil sa KUDETA postponed. Well ang Friday namin ay ginugol naman sa pagpaparepair ng preno ng KIA na pumalpak naman. Mabuti na lang at sinamahan namin sina Gillian, Py, at Boyet sa pagpunta sa Mall of Asia upang um-attend sa Anime Convention. Kung hindi baka ne-nerbiyos sila sa pagkasira ng preno ng KIA. Anyway natapos din ang bleeding (para kumagat ang preno) sa Shell Station ng Pasig malapit sa Rizal General Hospital. Gas at gastos na naman, care of Tita Beth. Ang reward, dalawang Ferrari cars. Masaya no, may Ferrari na si Tita Beth. Hindi naman sa pagyayabang, apat na ang Ferrari ni Tita Beth. Mayaman ba siya? Tanongin ninyo ang Shell, baka magka-ferrari din kayo.

Lunch time na ng makarating ang family sa Mall of Asia. Kumain sila sa French Baker at tipong nag-lasang Pranses ang family. Pagkatapos ng lunch nagkanya-kanya na ang mga bata, kami ni Tita Beth ay naglibot ng napakalawak na Asia Mall. Ang mga bata naman na kinabibilangan ng isang computer programmer na tumutogon sa pangalan na Boyet ay nagtungo na sa Anime Convention Center. That's why para kaming mga bagong kasal na naman ni Tita Beth na magkaholding hands pa sa paglilibot ng Mall. Sa bay side ng mall ay may isang malaking largabista at sa five pesos coin na inabot sa akin ni Tita Beth nakita ko ang isang dako ng Roxas Blvd. Nakita rin namin ang isang Hotel na kung saan ay ini-refer si Tita Beth para sa isang training managerial position. Narating din namin ang pinagdadaosan na Mix Martial Arts competation. Boring kaya iniwan namin ang show dahil sa kawalan ng excitement ang labanan ng Brazilian Jujitso. Sa foodcourt kami napadpad ni Tita Beth. Dito natulog siya. Ako naman ay sumaglit din sa Ace Hardware as usual. May munting konsierto din akong nakita, naki-usyoso at nakining bahagya. Magtatagal sana ako pero naala-ala ko si Tita Beth na noon ay tulog na tulog sa food court. Nakapagkape rin kami sa Misis Fields at naupo sa pulang upuan na malambot. Gusto sanang matulog doon si Tita Beth pero nahiya siya. Thats why balik na naman kami sa foodcourt at dito na namin hinintay ang mga bata.

Gabi na ng dumating ang mga children, may dalang mga paper bags na may larawan ng mga ibat-ibang anime characters. Umorder ang Tita ng sinanglao (beef stew ng mga Ilocanos) at nasarapan siya sa sabaw. Pagkatapos kumain ay umalis na ang family, next objective Star City, goal is to see snow. Pero sadyang malupit ang pagkakataon, sa parkingan pa lang ay nawala ang family, they proceeded to the North parking instead of the South. Na naman, yes ito na ang pangalawang pagkakataon na nawala ang family sa parkingan. Napakalawak kasi ang Mall of Asia.

Star City, crowded. Maraming nakaparadang Buses. Muntik na kaming di nakakuha ng parkingan. Nang makakuha, mahaba na rin ang pila para sa mga rides at snow show. The result tinamad ang mga bata. They decided then to leave without asking me. Atat na atat pa mandin akong magride at magtour around. Bad cholesterol (ang aking expression), sumawsaw lang pagkatapos i-iwanan ninyo ako. Bad mood ang inyong lingkud. Feeling ko hindi na ako babalik pa doon. Napakasakit at nakakawalang gana, nakakalagas pa ng buhok sa konsumisyon. Buti na lang at bumabalik ang aking buhok sa shampoo ni Marissa na asawa ng isang dakila at mabait na ASEC. (Assistant Secretary).

Pag-uwi naiisip ko pa rin ang Star City, naiisip ko rin ang pumalpak na repair sa brake master ng KIA Pride. Nawalan tuloy ako ng ka-pride pride. Ni fried chicken wala nga. Sa shell uli ang tuloy dahil nawalan din ng (konsumisyon talaga) motor oil. Nakadalawang litro din kami. Gumastos na naman ng four hundreed pesos. Nakakadala (kaya parang gusto ko na noon ang sumigaw ala Tarzan) basta gas station- gastos. Basta anime convention, gastos. Kahit KUDETA gastos.

Mabuti na lang at pag-uwi namin sa aming mabangong bahay (courtesy of Dampa and Salem) nalinis na ni Princess Sarah (may reklamo?) ang aming kuwarto. Nawala bahagya ang amoy ng jingle ni Salem at Dampa. Nakatulog kami. Kinaumagahan nagusap kaming mag-jowa. Sana di na tayo sumama pa, ika ko. Oo, at sumama pa ang loob mo ang sagot naman ni Tita Beth. Pero mabuti na lang sinamahan natin sila, baka ne-nerbiyosin pa sila ng husto sa nangyari at mag-te-te-text ang mga iyon sa atin, dagdag niya. Oo nga ano, mabuti na lang at di na tayo tumuloy pa sa Star City, at buti na lang may bukas pang gas station sa pag-uwi dahil kung hindi baka natuyoan ng husto ang makina ng walang ka- pride pride na kotse. Blessing in this guy talaga (blessing in disguise) ang pa-cute naman na sagot tita ninyo sabay higop ng kape na tinempla ni Princess Sarah.

No comments:

Post a Comment