(Tita Beth, Gillian, Boyet, and Py sa Imelda Park, Baguio City)
December 29, 2007 ng madaling araw nang nagtungo kami sa Baguio upang doon ay i-celebrate ang bagon taon. Exactly 12:30 in the morning nang lisanin namin ang Antipolo City. Si Tita Beth muna ang nagmaneho. Kumain muna kami sa isang convenient store at bumili ng tubig na maiinom sa daan. Pagkatapos tumulak na kami papuntnag Cainta upang magkarga ng gas. Mura kasi doon ang super unleaded kaya nagfull-tank na kami. Sa hindi inaasahan, sobrang mahina ang aming ilaw kaya hirap makita ang dinadaanan. Sa EDSA na kami dumaan para sumabay sa mga sasakyang malalakas ang ilaw. Sobrang pagod si Boyet kaya hindi siya puweding magmaneho. Anyway kami muna ni Tita Beth ang naghalinhinan. Nang nasa North Luzon Express Way na kami, pinahinto ko muna ang sasakyan para magkarga ng hangin at mabalanse ang laman ng bawat gulong. Pagkatapos ay nag-CR muna para tuloy-tuloy na ang biahe. Mukhang inaantok na si Tita Beth kaya sa isang gas station naman ng Tarlac kami huminto. Dito umoder kami ng kape at nagmeryenda at bahagyang nagpahinga. Nagkarga muli kami ng gas, high octane, para sa pag-akyat ng Baguio. Ako na ang nagmaneho, dahan-dahan lang at bumubuntot lang sa mga sasakyan na malalakas ang ilaw. Nasa Sison Pangasinan na kami ng ako ay medyo inaantok na. Dinala ko na lang sa pakanta-kanta upang di maidlip. Mag-a-alas siyete ng umaga nang marating namin ng Rosario La Union. Gutom na ang mga bata kaya naghanap kami ng makakainan. Isang karinderya sa daang papuntang Marcos Highway na kami huminto at kumain. Hindi maganda ang breakfast dahil hindi pa ganap na luto ang inorder naming pinapaitan. Si Boyet na ang nagmaneho ng kami ay paakyat. Medyo nahi-hirapang umakyat ang kotse dahil sa bigat namin kasama na ang mga bagahe at baon. Mabilis at magaling lumusot si Boyet kahit sa akyatan kaya nakarating kami ng maaga-aga. Kahit pala sa Baguio ma-traffic din kaya ganon na lang ang aking pag-aalala baka mag-overheat ang sasakyan. Eksangtong alas nuwebe na nang marating namin ang teachers camp. Nang mag-check in kami puno pa kaya pinayuhan kaming babalik na lang ng ala una ng hapon. Tumambay muna kami sa may Pages Hall, kumuha ng ilang shots at nagtungo na sa Imelda Park para doon na mananghalian. Pagkatapos ng pananghalian, kumuha ng ilang shots sa aking digital camera. Nakipag-pose pa nga si Boyet kay Douglas, iyong malaking aso. Masakit ang ulo ni Gillian kaya tumuloy na kami muli ng Teachers Camp para mag-check in. Mabibigat at napakarami ang aming mga bagaheng inakyat sa second floor ng Claro M. Recto Hall. Napakaraming tao pa at mga bakasyonistang katulad namin. Dahil sa sobrang pagod, kami ay nakatulog hanggang gabi. Masakit naman ang ulo ni Gillian na nilalagnat dahil sa namamaga niyang tonsil. As usual ginamot ko siya ng aking mga dalang gamo pang-emergency. Dahil tumaas ang lagnat niya, pinunasan namin siya ng tubig at alcohol. Ang aming mga baong pagkain naman ang aming kinain para sa hapunan. May dala kaming rice cooker at aming ginamit sa pagluluto at pagpapainit na tubig. Sa dalawang araw na kainan, naubos din ang baon naming hotdog, keso de bola, noodles, at imbutido. Nakakatuwa, mga plastic container ng noodles ang ginamit naming sa pagkain at pag-inom ng tubig, juice at kape. Para kaming refugees kung kumain dahil sa kakulangan ng gamit. Sabi nga ni Boyet ng kami ay nakauwi na at kumain sa bahay, hindi na raw siya sanay kumain sa plato.
(Tita and Tito at the view deck of SM Baguio City)
Second Day, December 30, 2007 ay nag-jogging kami nina Py at Boyet sa oval ng Philippine Sports Commission. Dito ay nagpicture-taking kami. Gamit ko noon sumbrerong regalo sa akin ni Vanny para hindi ginawin. Iyong nga lamang nakaka-intimidate ang aking itsura. Para akong kontra-bida ng pelikula. Natakot pa nga sa aking itsura ang isang guwardiya nang siya ay aking lapitan at paki-usapang pumasok sa oval. Si Gillian ay hindi nakasabay sa amin dahil hindi pa maganda ang kanyang pakiramdam noon. Mabuti naman at nakapagpainit ako ng tubig kaya nakapaligo siya at bumuti na tuloy ang kayang pakiramdam. Panay na ang harutan nila ni Py kaya alam ko na magaling na siya. Plano naming pumunta ng SM Baguio upang bumili ng tubig, gamot, at iba pang gamit. As usual isinuot din niya ang kanyang "tigidig" booths (ang kantiyaw sa kanya ng dinaanan niyang sikyu sa isang gas station ng Tarlac). Sa SM City Baguio kami nananghalian (Chow King) na punong-puno ng mga tao. Pagkatapos mananghalian ay nagshopping naman sina Tita Beth at ang mga bata. Bumili din kami ng extension wire sa isang hardware. Nagyayang pumunta ng view deck si Tita Beth (third floor 'ata) ng mall at dito namin nakita ang Skyline ng Baguio City. Malamig, may kaunting ulan, at foggy ang paligid ngunit paminsan-minsan ay sumisikat din ang araw. Dito ako kumuha ng maraming pictures at video footages. Nagkape din kami sa isang shop na malapit sa view deck. Panay naman ang biroan ng mga magkapatid. Si Tita Beth at nakakuha ng isang brochure ng subdivision. Curious kaya nakipagkasundo upang mag-tripping. Pagkatapos sumaglit sa view deck, nagtungo naman kami sa grocery upang mamili ng tubig at iba pang mga kailangan. Kung sa pagbili ng gamot ay pila na, lalo pang pila ang bayaran. Sa senior citizens' lane na nga lang kami pumila ni Tita Beth. Kahit doon ay pila din. Nakantiyawan pa nga kami nina Boyet sa sobrang bagal ng bayaran. Palibhasa raw sa senior citizen din ang cahera. Anyway talagang nakakahilo ang grocery section ng SM. Nabalik pa nga kami the following day dahil sa pangangailangan din ng tubig at sabonng panghugas ng kinainan. Para may kabuluhan naman ang aming paglabas, namasyal din kami sa Mines View Park para kumain ng one-day-old chick, inihaw na pusit, at saka mais. Magaling-galing na si Gillian kaya dinig na ang kanyang ingay, biro, at nakakaakyat na nga ng mataas na bato para magpapicture sila ni Boyet. Si Py hind nakasama dahil takot at di niya kayang umakyat. Halata namang inaantok si Tita Beth. Gabi na ng umuwi ang pamilya. Sa Teachers Camp naghapunan kami ng gulay, itlog, sardinas, at sobrang imbutido. Kaya lang sumakit naman ang tiyan ni Boyet dahil sa kinain niyang pusit. Nagbibiruan pa rin sina Py at Gillian. Nanuod naman kami ni Tita Beth sa maliit naming TV. Mahimbing ang tulog ng pamilya. Before matulog makasunod din kami ni Py na maligo nang malamig na tubig. Hindi makasabay si Boyet dahil mahina siya sa lamig.
The following day, December 31 ay nagtripping naman kami sa Bakakeng. Nagustuhan ni Tita Beth at Boyet ang lugar. Kontra naman si Gillian na ang kanyang preference for a place ay ang South Drive ang Baguio. Pagkatapos ng Tripping ay muli kaming bumalik sa SM kung saan nandoon ang opisina ng Realty Corporation. Dito binigyan ng briefing si Tita Beth tungkol sa presyo ng bawat unit and mode of payment. Pagkatapos noon ay nananghalian naman kami sa Food Court ng SM kung saan kami ay kumain ng (tunay na) pinapaitan. From SM muli kaming bumalik ng Teacher's Camp para magpahinga. Kinahaponan nagtungo naman kami sa kumbento ng mga Madre upang bumili ng kanilang mga produkto para pampasalubong. Pinuntahan din namin ang kaibigan ni Tita Beth na si Rowena upang ibigay ang kanilang regalo. Pagkatapos ay namili kami ng mga kakaning pampasalubong ni Boyet. Habang hinihintay namin sina Tita Beth sa Burnham Park kung saan kami pumarada, uminom naman kami ng kaunting beer kami ni Boyet panlaban sa lamig. Pagbalik sa Teacher's Camp ay ihinanda naman namin ang aming hapunan at ang pang-media-noche na pagkain. Dahil walang table, sa sahig na lang inilapag ang pagkain. Dahil walang mantle, tanging garbage bag na plastic na lang ang ginawang table cloth. Habang nagpuputokan, sina Gillian, Py, at Boyet ay nag-costplay naman. Nagulat pa nga ang mga guwardiya (sa costume at itsura ni Boyet) habang nagpi-picture taking sila. Para kasi Multong Bakla si Boyet. Tawanan at napakaingay ng tatlo sa kanilang pagku-costplay. At 12 midnight nagising si Tita Beth at sinaluhan kami sa media-noche. Pinagsaluhan namin ang bread, keso de bola, softdrinks, lechong manok (binili nila after six P.M.), cookies, canned foods, etc. Nang mapagod kami sa panunood ng mga fireworks at pagpi-picture taking, at biruan at tawanan, nakatulog din lahat ng mahimbing. Sadyang napakaginaw naman. Pero hindi iyan sagabal para di maligo ng malamig na tubig sina Py at Tita Beth (natuto din).
Nagcheck-out ang pamilya, January 1, 2007, bago mag-alas dose ng tanghali. Halos di na ako makahinga sa pagod sa paghahanda at pagbubuhat ng aming mga bagahe. Marami nang garbage ang itinapon pero marami-rami din ang naidagdag sa aming mga kargamento. Sumaglit muna kami kina Rowena bago lisanin ang Baguio City. Namili pa ng gulay at mga pagkaing pampasalubong sina Tita Beth at ang mga Bata. Dito na napagod ang ating Tita. Kahit magaan lang ang kanyang dala, sa layo ng market sa aming pinaradahan sa Burnham Park ay talagang manlalata ka. Sa Burnham naman ay punong-puno ng mga tao. Nagkakainan at nagpapahinga. Tila ini-enjoy nila ang unang araw ng taon. Tuwang-tuwa naman kami ni Tita Beth at muli na namang buo ang aming pamilya sa pagsalubong ng bagong taon dito sa Baguio. Nagpasalamat din si Tita Beth sa mga bata sa kanilang saya, tuwa, at pagkakaisa sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Para sa amin ni Tita Beth, napakabait at sobrang mapagmahal ang ating Panginoong Diyos sa ligaya at pagkakataong ibinigay sa bawat isa sa aming pamilya. Kaya sa panalanging din ni Tita Beth nang kami ay pauwi na ay ganon na lang ang kanyang pagpapasalamat sa biyaya na ibinigay ng Diyos at paggabay sa amin sa trip na ito.
At tutoo namang hindi kami pinabayaan ng ating Dakilang Panginoon dahil kahit zero visibility (dahil sa ulap) ang isang portion ng Marcos Highway na aming dinaanan, ligtas din kaming nakababa ng Baguio at nakauwi ng Antipolo. Nakakain din kami ng genuine na kilaweng kambing sa Sison Pangasinan to complete our experience. Mabuti naman at physically prepared si Boyet na solong nagmaneho from Baguio to Antipolo. Mahina man ang ilaw namin, binigyan naman kami ni Lord ng makakasamang sasakyang upang mailawan at makita ang aming dinadaanan.
Yesterday January 2, 2008 ay di muna pumasok sa kanilang trabaho sina Tita Beth at Boyet. Ngayon lang sila pumasok, January 3, 2008 dala ang ilang pasalubong nila. Sabi nga ni Boyet parang bitin daw ang kanyang bakasyon at gustong bumalik sa Baguio. Sino nga ang hindi kung gayong nagmamahalan, nagkakaisa, at nagkakasundo ang buong pamilya. To God be the Glory.
No comments:
Post a Comment