(Gillian having fun with her friends)
Itong si beautiful girl (Gillian) ay nahirang na emcee ng kanilang JS Prom. Panay ang kanyang practice sa mga gagawin suot ang kanyang gown bilang paghahanda. Noong Wednesday binigyan siya ni Tita Beth ng pera para sa pagpapaayos niya at pagpapaganda. Half day lang sila kahapon in preparation for the event. Pero bago iyan, napagkasunduan pala nilang magbabarkada na matulog sa bahay pagkatapos ng JS Prom. Umokey naman kami ng kanyang mama. Kaya after lunch nagdatingan na sa bahay ang mga baggages ng magbabarkada.
Pagdating ng alas kuwatro ng hapon kahapon ay tumuloy na sila ng kanyang Tita Rosie upang magpaayos sa isang parlor sa bayan. Pagkatapos ng pagpapaayos tumuloy na si Beauty sa pagdarausan ng kanilang affair. Umuwi na rin itong si Rosie. Nang magising si Bayoyoy (Boyet) nagtaka siya sa maraming baggages na nakita niyang nakapatong lang sa sofa. Dito kasi natutulog si B dahil ayaw niya sa kanyang kuwarto kung saan ay may naiwang dumi ang mga alaga naming "persian cats." Tanong nga niya kung saan siya matutulog. Nang sabihin namin sa kuwarto niya, parang ayaw niya. Pero wala rin siyang magawa kung hindi umayon.
Later pumunta kami ni B sa Shopwise upang mamili ng mga pagkain at green tea. Nahihilig kasi ngayon si B. sa pag-inom ng green tea. Kagagaling lang niyang magpa-dental dahil parte ito ng kanyang health examination sa pagpasok ng trabaho. Nakuha kasi siya ng Philippine National Bank bilang isang IT specialist with the rank of assistant manager. Sa PNB main office siya nakaassign. Dito sa Shopwise ay nakita ko si Marissa, nanay ni Mara na barkada rin ni Gillian. Nagbiroan pa nga kami kung sino ang susundo sa mga bata. Siya nga ang naturang susundo dahil mas malaki ang kayang sasakyan ke sa amin.
Maga-ala una ng ng umaga nang dumating sina Gillian from the JS Prom with her friends. Maiingay sila. Nanood pa ng TV dahil hindi pa sila inaantok. Nagtimpla naman si Gillian ng kape para hindi siya kaagad antokin. Masakit ang kanyang mga dahil hindi sanay gumamit ng sapatos na may mataas na takong. Sa tangkad nga na lang niya, lalo pa siyang tataas kapag naka-high heels na ito. Kuwento pa nga niyang dalawang beses siyang natapilok habang sumasayaw. Inabot na rin kami ng antok kaya natulog na kami ni Tita Beth.
Kinaumagahan isang parent ang sumundo sa isa sa mga bisita namin. Pagkatapos maghanda ng agahan si Rosie, pinakain na namin ang mga natitira pang bisita. Tumuloy na rin sa trabaho si Tita Beth at Boyet. Si Py naman ay hindi sumabay sa kanilang service vehicle, sumakay na lang sa tricycle. Si Tita Beth nga ay hindi rin nakasabay kina Mareng Es dahil late na siyang nagising.
Pagkatapos kumain ng breakfast ang mga magbabarkada, nanood na sila ng sari-saring movies habang nagpapahinga sa kanilang pagkapuyat kagabi. As of this writing nasa bahay pa sila at nanunood ng video movies. Tapos na silang kumain ng lunch. Enjoy si Beautiful at ang kanyang mga kabarkada. Nagbibiroan at tila natatawa sa mga kaganapan kagabi sa kanilang JS Prom.
No comments:
Post a Comment