(Ang Cathedral ng Vigan City, kuha ni Gillian noon nag-field trip sila doon)
Talagang inihanda ni Tita Beth itong outing na ito para sa dispedida ni Chiquit. Pauwi na kasi sa Linggo ng gabi si Chiquit papunta ng kanyang pinapasukan sa Singapore. Isa siyang manunulat at editor ng isang magazine doon. Silang mag-aanak ang pangunahing bisita. Kaya pusposan ang paghahanda ng mga baon sina Tita Beth para sa araw ng outing.
Sabado ng umaga ay umalis nanang bahay ang mga magaanak papuntang resort. Pero dumaan muna sila sa Shopwise upang bumili ng tubig at iba pang maiinom. Overloaded ang kotse kaya nababahala si Tito Dan baka hindi ito makaakyat kapag aalis na sa resort. May kalaliman kasi ang kinaruroonan nito. Ayos lang ang papunta roon, ang paahong pabalik lang ang problema. Kaya kinargahan ang kotse ng high octane fuel.
Dahil medyo late na ng dumating sina Tita Beth, laking gulat na lang nang dumating sila sa resort dahil napakarami nang tao at ang inireserba nilang nipa hut ay nakuha ng iba. Mabuti na lang at bakante ang pavillion kaya dito pinatuloy sina Tita Beth at presyong nipa hut lang ang singil. Sa tutuosin dalawang libong piso ang bayad nito ngunit naibigay ang lugar sa murang bayad lamang. Sabi nga ni Tito Dan blessing in disguise dahil hindi lang mura at maganda ang ipinalit, ang inireserbang kubo ay pangit at malapit pa sa maingay na video-karaoke. May malalaking kasilyas at banyo ang pavillion.
Naghanda kaagad si Rosie ng pagiihawan para sa dala naming marinated chiken at pork. Pananghalian na nang dumating sina ate Lily at Chiquit. Agad silang sinalubong nina Tita Beth par tulungan na magbaba ng kanilang mga gamit at baon. Laking panghinayang din ni Lolito at wala sina Perry at Gel. Wala siyang kainuman kaya si Tito Dan ang kanyang nakainuman. Serbesa negra naman ang brand ng Tito Dan dahil wala itong alcohol.
Pinagsaluan ng mga magaanak ang inihaw na manok at baboy, relyenong bangus na dala pa nina ate Lily, at saka pansit. May relyenong bangus din na ginawa ni Rose pero hindi na ito nakain pa, inuwi na lang nina Chiquit. Sina Gillian at Py ay panay naman ang bidahan nila nina Chiquit. Ito na ang huling araw niya sa Pilipinas kaya nagbonding na ng husto ang mga magpipinsan.
Later nagswimming din sina Tito Dan, Tita Beth, Gillian at Py. Naasiwa si Lolito sa dami ng mga nagsiswimming sa pool kaya hindi na itong nagbalak pang maligo. Nakining na lang siya sa mga kumakanta sa video-karaoke habang umiinom ng beer. Dahil gininaw ng husto si Tita Beth at nakitang madumi ang pool kaya umahon na siya. Umahon na rin si Tito Dan at nagshower. Mayamaya nagpaalam na ang mga ate.
Nanatili ng mga ilang oras din ang sina Tita Beth sa resort, nagkakuwentohan at kumain pa ng natitira nilang baon. Pagkatapos ay nagshower na sila ni Py at nagpalit ng damit. Sumunod na nagshower din si Gillian at nagpalit ng damit sa pavillion. Kausap naman noon ni Lolito si Dyi, akala namin darating pa siya ngunit nagpasya na lang itong pupunta ng bahay. Nang mailagay na lahat ng mga gamit sa kotse, sinubukan ni Lolito na iyakyat nito at kaya naman; kaya hindi na naglakad sina Tito Dan paahon sa resort papuntang labasan sa highway. Bagamat punong-puno sila sa loob hindi nangyari ang kanilang kinatatakutan.
Pauwi ng bahay, dumaan muli sina Tita Beth sa Shopwise at namili ng groceries paghahanda naman sa birthday ni Gillian. Nakadalawang libo din. Kaya broke na broke ang Tita sa bakasyon na ito. Sa Shopwise na sila inabutan ni Dyi sakay ng kanyang mini-truck. Kaya ng umalis sila sa Shopwise ay sumama na sa truck ni Dyi si Lolito para magkasya at komportable naman sina Tita Beth sa pagsakay ng kotseng pabalik.
Ang Easter Sunday ni Tita Beth
Dahil sa kapaguran nakatulog ng husto si Tita Beth. Tanghali na nang siya ay magising. Nanlalata pa rin. Binati na lang niya si Chiquit ng happy trip dahil hindi nito mapapaunlakan pa ang pamangkin na makipagkita pa sa kanya sa Union Church. Kasa si Tito Dan at mga bata, nanood na lang sila ng sine sa video. Magaganda naman ang mga pelikulang pinanood, may religious significance at social relevance. Ngayon araw ng Lunes papasok na ng trabaho si Tita Beth.
No comments:
Post a Comment