Monday, April 14, 2008

BIRTHDAY NI BAYOYOY


(Sina Tita Beth sa Oki Oki Resto)

Sa unang pagkakataon kami ay nagawi sa Landmark Trinoma ng Quezon City. Napakalaki ang lugar at nakakapagod maglibot. Pero ito ang napiling lugar kung saan ay nagdiwang ng kanyang birthday si Bayoyoy. Ito ang kahilingan ni Byuti matapos siyang nag-alboroto at nagkulong sa banyo dahil sa pagkakasunog niya ng pinipritong chicken hotdog. Napahiya si Byuti kaya napagalitan, habang nagpiprito ay nagkocomputer pa siya kaya tuloy nasunogan ng niluluto.

Japanese food ang tipo ni Babayoyoy kaya ito ang una naming hinanap pagkarating namin doon. Wala iyong hinihanap naming Japanese resto kaya tumigil muna kami sa foodcourt kung saan malapit sa Yellow Cab Pizza. Dahil gutom na rin ang Tita Beth at gusto rin ni Py na kumain ng pizza (at takam na takam na siya) kaya napaorder tuloy kami ng pizza. Matagal-tagal din bago ito naluto at nakain namin. Dahil maliit lang ito kaya nabitin tuloy si Py. Pinagbigyan na lang namin sila ni Tita Beth na kumain ng mas malaking portion nito.

 

Pagkatapos naming kumain sa Yellow Cab Pizza ay tumuloy na kami sa Japanese resto (Oki Oki) at dito naman kami omorder ng mga paboritong Japanese food. Umorder ang Tita ng maki, tempura, yakisoba, at teriyake. Masarap ang mga inorder namin, masarap din ang rice at ang soup. May bigay pa silang libreng green tea kaya very healthy talaga ang pagkain. Nagkuhaan pa kami ng mga pictures na ang tanging background ay ang tarpolin na may larawang ng Hapon na kumakain.

Pagkatapos naming  kumain ay namasyal muna kami at namili sa Landmark Department Store. Nakabili ako ng water filter, sa Bayoyoy naman ay tsinelas, ang Tita Beth ay isang blouse at mga damit naman kina Gillian at Py. Halos magsara na ang Landmark nang matapos kaming mamili. Late na kasi kaming pumasok doon. Bahagya din kaming naligaw papuntang parking area. Marami kaming dinaanan na mga kainan at talaga namang nakakainganyong mamasyal at mamili sa Trinoma kahit magkaligaw-ligaw ka pa.

No comments:

Post a Comment