Walang pasok noong Friday, June 12 kaya napagkayarian ni Tita Beth at Tito Dan na ipagawa ang kanilang sasakyan. Mabigat kasi ang steering o manibila nito kaya gustong palambutin. So far gumastos na ng apat na libo sa piyesa si Tito Dan ay wala pa ring nangyayari. Mabigat pa rin. In fact umorder nga sila ng pampalit na piyesa para sa suspension at saka shock absorber. Mabuti na lang nakapagisip-isip si Tito Dan na huwag munang bilhin at ikabit. Obserbahan muna ng isang buwan baka sakaling lumambot ito kapag madalas na ginagamit.
Anyway napagkasundoan ni tita at tito na sa 24 na lang ng buwan na ito sila bibili ng surplus sa Banawe. Medyo malungkot pa nga ang Tito dahil sa wala pa ring pinagbago ng pinagawa niyan sasakyan ng ginastosan niya ng mahigit nang walong libong piso. Masakit sa bulsa, masakit pa sa damdamin.
Para makahinga naman ng maluwag ay pumunta na lang sila sa isang mall para mamili ng mga gamit. Gamit sa bahay ang pinamili ni Tito Dan habang ang mga bata naman ay gamit sa eskuwela. Mahilig sa painting itong si Byuti kaya bumili siya ng arts materials. Bumili din ang tito para sa kanyang pagpi-painting.
Pagkatapos mamili ang pamily ay kumain naman ng inihaw na manok si Tita Beth. Naupo din siya sa isang kainan para magpahinga habang nanonood si Charming ng show sa mall. Inabangan niya ang kanyang paboritong artista pero hindi ito sumipot. Bigong umuwi si Charming. Pagod man si Tita Beth ay nakarelax din siya sa mall kahit papaano. Sunday ay nagsimba naman ang Tita kasama si lola Jane. Hindi na rin natuloy ang pagpunta nila sa GCF East sa hapon upang dumalo ng pagpupulong dahil medyo napagod na rin ang Tita Beth at gusto nang magpahinga.
No comments:
Post a Comment