Wednesday, July 22, 2009

Outside Home Ngayon si Tita Beth

Dalawang linggo nang nasa fieldwork si tita Beth. Si tito Dan muna ang taong bahay at tumitinging sa mga anak.

Linggo noon nang ihinatid nila si tita Beth sa Clark kung saan ay may training siyang ginagawa doon. Sa isang hotel malapit sa Clark siya naka-check in kasama ang dalaga niyang co-trainor na si Cris. Bago nila iniwan si tita Beth ay kumain muna ang buong pamily sa Cabalen doon sa may SM Angeles City. Naglibut pa nga sila sa mga kalye ng Angeles City kung saan ay namangha sina Beauty at Charming sa dami ng mga night clubs at mga hospitality girls na palakad-lakad. Imagine 3:00 PM pa lang ay may mga babaeng naghihintay na ng customers.

Noong nakaraang linggo naman ay nagshopping si tita Beth at Cris sa SM. Niyaya pa siya ni Cris na kumain sila sa isang restawrant kung saan ay omorder sila ng turkey at iba pang masasarap ng pagkain. Nabusog ng husto si tita Beth.

Mabait din si Cris. Nagluto pa nga siya ng ampalaya dish para kay tita Beth dahil may diabetes siya. Tinutukso nga nina Beauty at Charming si Bayoyoy na ligawan niya si Cris. Maganda na sexy pa. Kaso may boyfriend na si Cris.

Sa Friday ay uuwi si tita Beth dahil magiging ninang siya sa kasalan ng mga kasamahan niya sa church. Ikakasal kasi ang isang babaeng member nila sa isang amerikanong language teacher at misyonero.

Excited din sa paghihintay si tito Dan na miss na miss na niya ang kaniyang mahal na asawa.

No comments:

Post a Comment