Thursday, August 9, 2007

At Your Service


Basta sa pagtulong,maasahan itong si Betchay. Araw-araw sa paglalakad niya sa Recto para sumakay ng LRT patungong Santolan, Pasig, kung sino-sino ang mga taong lumalapit sa kanya upang humingi ng tulong na kanya na kadalasan ay kanyang napagbibigyan. May alaga siyang matanda na namamalimos, Lydia ang kanyang pangalan. Araw-araw pagpunta nito sa kanyang trabaho sa Bureau of Customs bilang Change Management Consultant, ay lagi may dala itong sandwich para kay aling Lydia. Noong Pasko nga ng 2006 ay niregalohan niya ito ng isang duster. Bukod kay aling Lydia, may mga batang lansangan din na pinapakain niya. Bukod sa pandesal at juice na ibinibigay niya,ibinabahagi din niya sa kanila ang salita ng Diyos.Pero sa likuran ng lahat ng maganda niyang hangarin sa mga nangangailangan, mayroon din namang mga abusado. Kagaya ng lasenggong asawa ni aling Lydia na nagpapanggap na mahirap para makapanglimos lang. Biro mo humihingi rin kay Betchay ng pera para pambili niya ng alak. Mayroon din ang mga mandurokot na nais siyang pagnakawan. Mabuti na lang ay natunogan niya ito. Sa araw-araw ng pagdaraan niya sa kalye upang magtrabaho, ibat-ibang tao ang lumalapit sa kanya upang humingi na tulong. At araw-araw din na lumalago ang kanyang puso sa pagmamahal sa kapwa.Keep it on Betchay. At your service--Betchay. Mabuhay ka.

No comments:

Post a Comment