Crying Lady
Ay, kung sa kuwento, maraming maikukuwento itong si Tita Beth lalo na sa kanyang pagsakay-sakay sa LRT2 patungo sa kanyang trabaho. Mga ilang buwan nang nakalilipas nang sumakay si Tita Beth ng LRT patungong Recto (from Santolan Station). Nakasabay po nito ang medyo tabaing lady na papunta rin sa trabaho. Mukhang malungkot si malusog at hindi niya napupuna kung may nasasandalan siyang iba. Mayroon nga, si Tita Beth iyon. At that time medyo tensionado rin ang ating bida. Dahil nabibigatan na siya sa lady na nakasampay sa kanya (biro mo naman ang bigat nito) medyo sinuwag ito ng ating Tita sa pamamagitan ng kanyang siko (hindi sungay...). Hindi sa gusto nitong saktan ang babai, gusto lang ng ating Tita na pa-sit-erect lang ang biyuting malusog dahil nabibigatan na ito. Medyo napalakas 'ata ang pag-ja-jack sa kanya kaya umiyak ang lady. With sorrowful heart, naawa si Tita Beth at kanyang sinuyo si lady mataba sa pamamagitan ng kanyang magic haplos. Pahikbi-hikbi pa ang lady, at parang natutunaw naman ang puso ng butihing nanay sa kanyang action. After a while, nakatulog na ang lady hanggang dumating sila sa Recto kung saan ito iniwan ni Tita Beth.
Lady Lydia-the Pulubi
May inaalagaan itong si Tita Beth na pulubi. The name of the lady is Lydia. Kapangalan ng yumao niyang mother kaya ganon na lang ang pagmamalasakit sa kanya ng ating lady of charity. Minsan huminghingi ito ng kaunting tulong (I don't know maybe money) sa ating tita, instead of money she gave her sandwich. That's the first encounter. Naulit pa iyon at parating may dala itong lady of charity natin na pasalubong kay lady pulubi everytime na dadaan siya sa lugar na pinamamalimusan ni lady pulubi. After sometime nadiskubre ng ating Tita na may asawa pala itong si lady Lydia na pulubi rin. Take note, pulubi rin. That eksena ay nakakadismaya to our Tita Beth. The pulubi man was scolding aling Lydia because the lady pulubi could not give him some money for his alak. Pwe, namumulubi na nga umiinom pa ng alak ang anak ng tatay niyang mister. Sorry for my high blood, an g tutuo ginagawa nila ang pamumulubi as a source of income. Pero ika nga sa Biblia, blessed are the merciful for they shall receive mercy. E, merciful itong si Tita Beth. One time nadaanan naman nitong butihing maybahay ni Tito Dan (si Tita Beth) itong si Mr. Pulubi. Aba mantakin ninyo na humihingi pa ito ng pera (five pesos to be exact) for a shot of gin. Because Tita Beth cares for aling Lydia, she ignored the man. Gusgusin at parang taong grasa ang dating ng pulubi master nang i-approach niya ang ating Tita. Pero on another ocassion nabuking naman ng ating Tita na may magarang pantalon (maong and shirt) at baro itong si magaling na lalaki. Style pala ng kuwago na magpanggap na taong grasa para kaawaan siya ng taong madla. Kawawang public, napupunta lang ang tulong nila dito kay kumag sa paginon ng alak. The moral of story give only to the deserving, and when you give give something that goes to their body (for sustenance) not vices. Last Christmas, binigyan nitong si Tita Beth ang lady pulubi ng isang duster. Sa sobrang tuwa ng lady of kawawa, nagwish itong si Lady Lydia para kay Tita Beth. Ang sabi, "ining may maganda kang kalooban, sana pagpalain ka ng Diyos." At ito rin ang wish ko para kay Tita Beth, sana pagpalain ka ng ating butihing Diyos. Tita Beth, may your tribe increase! (With permission from Tita Beth, I am posting her anecdotes in her blog-RB)
No comments:
Post a Comment