ANG SURPRISE TREAT NI TITA BETH
Last Sunday, November 4, 2007, naghanda si Tita Beth para sa isang birthday party. Hindi siya ang may birthday, si Vanny. Ang kanyang order, walang babati ng happy birthday kay Vanny, sa table na lang kapag kakain na. By the way si Vanny or "Baning sa Tagalog" ay dating teacher nina Gillian at Py na ngayon ay nagta-trabaho na sa call center. Naging malapit na siyang kaibigan ng pamilya. Anak na nga ang turing sa kanya. Anyway, ang pananahimik ni Tita Beth sa pagbati kay Vanny ay umipekto naman sa birthday celebrant. Lahat nang malalapit na tao sa kanya ay bumati na maliban kay Tita Beth and family.
Tinawagan sa pamamagitan ng text messaging si Vanny kung makakasama siya sa fellowship sa GCF East. Ang tugon naman ay hindi at kagigising lang. Um-attend nga ng fellowship sa GCF East sina Tita Beth and family. Pagkatapos ng service, bumalik kaagad sila sa bahay for lunch with Vanny, actually ito ang surprise treat ni Tita Beth. Nang tinawagan si Vanny uli, sumagot naman ito na papunta muna siya sa market to buy some food. Hindi pa rin bumabati si Tita Beth; nagbigay lang ng kaunting hint, just buy ice cream may cake na dito. Hindi nakuha ni Vanny ang hint kaya bumili nga nang ice cream and chocolate cake (red ribbon). Dahil late na para sa pananghalian, kumain kaunti ang pamilya.
Dumating si Baning, o Vanny, bitbit ang isang cake at ice cream. Pag pasok sa bahay, binati siya kaagad ng happy birthday at muling lumiwanag ang kanyang mukha. A little bit frustrated siya dahil sa pag-aakalang nakalimutan ng siyang batiin sa kanyang birthday. Ang sabi nga niya kapag nakalimutan daw ay magpapaalala siya. Anyway muling pinagsaluhan ang pancit canton, puto, dinugoan, pritong manok, cake, at ice cream. Ang drinks ay ice tea. Masaya ang kainan at may photo session pa.
Habang kumakain nabanggit din ni Vanny ang kanyang problema sa bago niyang supervisor na nagbigay ng poor rating sa kanya due to low performance. Anyway she confronted the supervisor and explained her side to the manager. Ang problema basta na lang nagbigay ng rating ang supervisor based on her two days performance without looking at her past records kung saan siya ay laging topnotcher sa sales. In-advised na lang siya ni Tita Beth na maghanda ng mga records ng kanyang performance para hindi na muling maulit pa ang maling pagbibigay sa kanya ng performance rating.
She stayed from 2:00 to 6:00 p.m. Tinawagan ang kanyang mga kaibigan at pagkatapos muli silang nagkuwentohan ni Tita Beth. Pag dako nang ala sais ng hapon, hinatid na lang siya ni Tita Beth at ang kanyang mga dalagitang anak na sina Gi at Py. Pumasok sila sa kanyang inuupahang studio type na bahay. Mukhang maliit pero tamang-tama lang sa nagiisang katulad niya. Kung may asawa ito, tiyak na ma-bo-bored ang kanyang mister ang kuwento ni Tita Beth. Well, umepekto ang plano, ang surpresa ay naka-cause pa ng kaunting tampo sa matimtimang dalaga.
(go to the page and look at the pictures)
No comments:
Post a Comment