Ang Family Outing ni Tita Beth- Ballet sa CC
(Tita Beth eating Japanese food)
Nagkasama-sama na naman ang pamilya ni Tita Beth sa isang lakaran. Originally, ang kanilang destination ay doon sana sa Sta. Cruz Manila (Avenida Rizal) at sa Tutuban Mall and Divisoria Market. Dahil sa sobrang traffic, nagbago ang isip ng pamilya. At first nagtungo sila sa Santolan LRT station para iparada ang kanilang kotse. Sasakay na lang sana sila ng LRT patungong Recto at deretso ng Divisoria. Hindi natuloy ang plano, sa inaakalang paradahan ng mga sasakyan ay hindi pala puwede. Balik uli ang pamilya sa Marcos Highway patungo ng Cubao Quezon City (Araneta Center). Ano ba talaga ang balak ng pamilya? Una ang outing na iyon ay upang pumunta ng Divisoria at Avenida para bumili ng booth shoes ni Gillian. Dahil sapatos ang pangunahing pakay, sinubokan muna ng pamilya na puntahan ang Marikina Shoe Expo ng Araneta Center sa Cuabao. Hindi nga sila nagkamali, nandoon lang pala ang klase ng sapatos na gustong bilhin ni Gillian. Nabili nila ito sa isang store doon na nagbebenta ng mga class na sapatos na galing sa Marikina. Maganda at magarang tignan ang nabiling sapatos ni Gillian. Sulit ang trip, ang sabi ni Tito Dan na inis-na-inis noon sa mga taong pasaway na naglalakad sa mismong kalsada (hindi sa sidewalk) at mga drivers ng sasakyan na pasaway at barumbado sa pagmamaneho. Ginutom si Gillian kaya naisipan ng pamilya na kumain muna sa Tropical Hut na malamit sa Puregold grocery (ang dating COD) ng Cubao.
Pagkatapos maglunch dumaan muna ang pamilya sa Puregold Mart and Grocery; may nagustohan si Tito Dan na belt dito (99 pesos only) pero ayaw naman patulan ni Tita Beth. Dahil gusto ni Tita Beth na bumili ng sapatos katerno ng kanyang baro, pinuntahan nila ang Shoemart Cubao. Dito nakabili ng sapatos at sunglasses ang Tita. As usual si Tito Dan ay namili ng kanyang mga kakailanganing materials para sa kanyang project sa ACE hardware. By the way wala akong balak mag-komersiyal para sa mga nabanggit na establishments. Factual lang ang pagbanggit sa mga ito. Dahil inaantok si Tita Beth nagtungo ang pamilya sa foodcourt at doon siya natulog habang nag-memeryenda sina Py at Gillian. Later nag-kape sila ni Tito Dan.
Pagkatapos maglunch dumaan muna ang pamilya sa Puregold Mart and Grocery; may nagustohan si Tito Dan na belt dito (99 pesos only) pero ayaw naman patulan ni Tita Beth. Dahil gusto ni Tita Beth na bumili ng sapatos katerno ng kanyang baro, pinuntahan nila ang Shoemart Cubao. Dito nakabili ng sapatos at sunglasses ang Tita. As usual si Tito Dan ay namili ng kanyang mga kakailanganing materials para sa kanyang project sa ACE hardware. By the way wala akong balak mag-komersiyal para sa mga nabanggit na establishments. Factual lang ang pagbanggit sa mga ito. Dahil inaantok si Tita Beth nagtungo ang pamilya sa foodcourt at doon siya natulog habang nag-memeryenda sina Py at Gillian. Later nag-kape sila ni Tito Dan.
Bago lisanin ang Cubao, nagtungo muna ang pamilya sa Baron Knowledge Power upang bumili ng langis na Dose Pares ang pangalan. Ang tuloy sana after Cubao ay kina Tita Lily. However, while they were in Meralco Avenue, nala-ala ni Tito Dan na wala pala siyang sapatos. Plano ni Tito Dan ang bumili ng mumurahin na sapatos para magamit sa kanilang panunood ng Ballet sa Cultural Center of the Philippines sa araw ding iyon. The solution, stop muna sa Hypermart ng Pasig para bumil ng pair of MUMURAHING shoes. Nakabili nga si Tito Dan; courtesy of 50% discount? He-he, in-assist pa nga siya ng salesboy ng nakasapatos din ng mumurahing China shoes na naka-tape sa dulo dahil bumuka na ito na para bagang ibon na naghahanap ng pagkain.
Dahil gahol na sila sa oras, nagpalit na sina Tita Beth doon mismo sa vehicle park area at the basement of Hypermart ng Pasig City. Doon na rin nagpalit si Tito Dan ng kanyang pair of pants bago nag-dinner ang family. Pagkatapos ng dinner, it was 6:30 P.M. tumuloy na ang family sa CCP complex along Manila Bay. Traffic the usual problem, medyo kinabahan ang Tita who was driving then dahil baka ma-late sila sa show. Ang Ballet show (The Nutcraker) ay mag-uumpisa ng 8:00. Pero grabe talaga ang traffic, masyadong pasaway ang mga jeepney drivers. Pagsapit ng Roxas boulevard, agad kumanan ang Tita to the direction of Luneta, pagsapit ng Philippine Navy Headquarters, nag-lefturn siya to the direction of Cultural Center of the Philippines. Umabot sila sa oras. May panahon pa para sagutin ang product survey ng Nestle Philippines tungko sa kape. Dahil apa sila, apat ding pakete ng special ng kape ang ibinigay bilang reward.
Napakaganda ang palabas. Magagaling sumayaw talaga ang mga dancers. Lalo mong hahangaan sina Faye Abigail Tan, Jared Jehowil Tan, Joel Matias, Peter Lloyed San Juan, Mark Joseph Pineda, Pearl Angeli Diamante, Stephen Canete, Tracey Castillo, at Ashley Santillan. Lahat ang mga ito ay members (artists) ng Philippine Ballet Theatre. Naku si Tito Dan talagang avid fan din siya ng Ballet, may pa-barvo bravo pa siya kapag pumapalakpak.
Sulit ang lakad ang general comments ng family habang kumakain ng hamburgers on the way to Antipolo.
No comments:
Post a Comment