(Tito Dan Playing with his cats)
That was Monday November 19, 2007, nagpunta ng Makati ang magjowa upang alamin kung mag-kaano ang ibibigay ng CAP Educational Plan para sa pag-aaral ni Gillian sa College. To their surprise, less than four thousand pesos lang ang makukuha nila tuwing semester. Napangiti na lang ang mag-asawa. At this time nasa Baguio si Gillian on retreat, at si Py nanam ay nasa school kaya malaya silang nakapaglakbay. Napag-usapan pa nga nila ang tungkol sa Club Panoly kung saan ay may naki-sawsaw naman sa usapan nila na holder din ng Club Panoly Plan. Inihatid pa nga nila ito sa main office ng Club Panoly sa Makati. Anyway naisipan di ni Tita Beth na puntahan ang Phillippine Health Insurance sa Pasig para maghulog ng bayad. Habang nagbabayad si Tita Beth umorder naman ng Pagkain sa Chow King (factual no intention for commercial) si Tito Dan para majustify ang kanilang pagparada ng sasakyan doon.
Maagang natapos si Tita Beth, bumalik sa Chow King at umorder si Tito Dan para sa kanyang pagkain. Haban kumakain, naala-ala ni Tita Beth na may tatapusin pala siyang trabaho sa UNISYS kaya si decided to go. Sa Cubao sila nagtungo ni Tito Dan, to park the car and for Tito Dan to buy something sa mga Malls sa Araneta Center. They parted for a while at nagkanya-kanyang lakad ang magjowa. Nakakatuwa nga dahil mag-kaholding hands pa sila at tila bagang p senior citizens makaporma habang naglalakad. Ni hindi nga sila kinakapkapan ng mga guwardiya thinking harmless na ang dalawa na sa paglalakad at pag-akyat-akyat sa mga hagdanan ay hinihingal pa.
Nagkita muli sila sa hapon doon sa Tacos King ng Gateway. Kumain ng tacos at pauwi na. They took C5 Libis at dahil hindi nakapag-lefturn going to Marikina, dumeretso na lang sila sa Ortigas Extension. Traffic din kaya after the bridge, kumanan sila patungong floodway. Dito na nagsimula ang walang katapusan na pagbaybay ng matao at punong-puno ng batang kalsada. Nerbiyos na nerbiyos si Tito Dan na nag-aalala baka makabundol ng batang pasaway sa lansangan ang Tita na siya noon ang driver. Sa tutoo lang, ginawa nang playground ang kalsada ng mga bata na di ini-intindi ang mga sasakyang dumaraan. May mga tricyle, nagbi-bisekleta, at motoristan ding pasaway. Adding more problem, ang makipot na kalsada ay ginawa ding palengke ng mga magagaling nating kababayan. Sa tingin ni Tito Dan ay tila bagang naglalakbay sila sa napakalawak na dagat. Para bang wala nang katapusan ang haba ng kalye na punong-puno ng mga batang (at times mukhang yagit) na naglalaro. Every five meters may kumpol-kumpol ng mga bata. May diggings pa ang Manila Water which added more problem to the motorists. Parusa talaga, kaya ganon na lang ka-stress si Tito Dan. We shall not pass this way again, ang kanyang sinabi. Anyway nakarating din sila sa Taytay patungong bagong SM (Shoe Mart). Dito kumain sila si Bacolod Chicken Inihaw pagkatapos bumili ng belt ni Tito Dan. Ni wala ngang magkasya sa katabaan naman ngayon ng Tito. Pagod-na pagod din si Tita Beth sa pagmamaneho ng KIA mula sa napakahabang kalye ng floodway. Kaya panay higop ng sabaw ng pansit molo ang beautiful Tita. Sa pag-uwi si tito Dan na lang ang nagmaneho. Pagod man ang magjowa, nagawa pa nilang manood ng Pinoy Big Brother sa Channel 2.
No comments:
Post a Comment