(Family picture with Gillian winning a beauty contest as the first runner-up)
Last Sunday nakabonding namin sa Py at naglambing kami sa kanya telling her ang bait, cute, at mapagmahal naman itong bonso namin. Sabi nga ni Tita Beth sa kanya, "kapag tumanda na kami, kami ba ay iyong aalagaan?" Siyempre naman, ang kanyang sagot. Nahalikan tuloy namin siya ni Tita Beth. Sa isang iglap naiba naman ang usapan, kinumosta namin kung okey lang ba sila ng kanyang ate kapag nasa school. Dito medyo naglabas na kaunting hinanakit si
Py. Kaya daw kung minsan ay ayaw niyang sumama sa lakad ng kanyang ate dahil nakakaligtaan daw siyang pansinin. Naluha pa nga si Py nang nagkukuwento siya. Tinatamad na raw siyang tagabitbit ng mga gamit ng kanyang ate sa pag-uwi kapag hindi siya nakakasabay sa kanilang service. Madalas kasi itong si Gillian sa mga co-curricular activities with her friends. Feeling lang namin mabuti na rin at nakapaglabas ng kanyang niloloob itong si Py para matulongan siya. At habang naluluha sa kanyang pagkukuwento, naluha din si Tita Beth.
Alam ko ang pagluha na iyan ni Tita Beth, luha ng pagmamahal sa kaniyang mga anak. Kung maari sana ay ayaw niyang nagkakasamaan ng loob ng dalawa; manatili silang magkaramay sa buhay, sa hirap man o ginhawa. Ngunit bilang patas na ina, ang kanyang pagmamahal sa mga anak ay pantay-pantay lamang. Isa siyang mapagpakasakit at maunawain na ina. Kung kaya nga lang niya, ibibigay niya lahat nang kanilang kahilingan maging masaya lang ang mga ito. No wonder why madalas niyang napagbibigyan si Gillian at si Py.
Likas kay Tita Beth ang pagiging mapagbigay sa kanyang mga minamahal upang sila'y lumigaya. Madalas ngang walang natitira sa kanya para sa sarili. Wala kang masasabi sa lawak ng kanyang pang-unawa at pagpapakasakit. Isa siyang dakilang ina at nagmamahal. Kagaya rin ni Py na may mababaw ang kaligayahan, (makapiling lang niya sa pagtulog ang kanyang mama ay masaya na siya), ganito rin si Tita Beth. Kung maligaya ang kanyang mga minamahal, maligaya na rin siya.
Kakaiba itong si Tita Beth. Bilang isang mananampalataya at nagmamahal kay Kristo, nagnanais din siyang mabuhay nang na-aayon sa pag-ibig at kabanalan ng Diyos. As a prayerful person, maraming buhay na rin ang kanyang natulungan na lumagay sa tama dahil sa magandang halimbawa ng kanyag pamumuhay. Kung naluha man si Tita Beth, kagaya din ng ating Poong Hesu-Kristo, naluha siya dahil sa tindi ng kanyang pagmamahal sa iba...
No comments:
Post a Comment