Tuesday, March 3, 2009

Nagpapasta ng Ngipin si Byuti

Matagal nang nananakit ang ngipin ng Byuti. Last Sunday ay pinuntahan namin ang dentistang pinsan ng pinsan ni Byuti. Sinuri ang mga ngipin nina Byuti at Charm. Si Byuti ay kailangan na niyang magpapasta at magpa-root canal. Kaya gumawa ng resista si doktora Tanny para ma-x-ray ang ngipin ni Byuti na maro-root canal.

Noong Saturday sana ng umaga gawin ito ngunit may pasok sa school si Byuti. Kaya the following Monday kung saan ay walang pasok si Byuti ay pumunta na sa dentista. Sinamahan siya ni Tito Dan, at nakisabay sila kina Bayoyoy at Tita Beth na sumakay sa APV at nagpahatid sa may klinika ng dentista sa Quezon City.

Pero 11:00 ang sinabi ng dentista na dating niya. Namasyal muna sina tito at Byuti habang hinihintay ito. Pagsapit ng 10:30 ay nagpasya na ang mag-ama na tumuloy sa dentista. Tamang-tama nandoon na si doktora Tanny.

Pagkatapos niyang suriin ang X-ray ay inumpisahan nang barinahin ang ngipin ni Byuti para pastahan. Natapos ang unang schedule na gamutan at pastahan ng ngipin. May mga susunod pa at irereschedule daw uli ang mga susunod depende sa availability ni Byuti.

Pagkatapos ng dental treatment ay kumain naman ang mag-ama sa Gateway sa Cubao at namili ng mga gamit. Tuwang-tuwa naman si tita Beth at naumpisahan na ang treatment para sa ngipin ni Byuti.

No comments:

Post a Comment