Saturday, April 18, 2009

Bakasyon sa Semana Santa

Tamang-tama itong dating nina Tita Glo at ang kanyang mister, nakapagbakasyon tuloy sina Tita Beth at Tito Dan sa Santa Maria, Ilocos Sur. Halos magsiksikan sila sa APV sa dami ng karga at bilang nilang nagbakasyon kasama ang mga kasambahay.

Sa Suso Beach sila nag-enjoy sa pagswimming . Maraming taong nagpuntahan sa mga beaches galing sa mga interior towns of Ilocos Sur. Ito ngang Suso Beach ay napuno ng tao noong Sabado Gloria.

Maliban sa pagbabakasyon, inayos pa nina Tito Dan at Tita Glo ang kanilang family house sa Suso. Naglagay sila ng electric water pump sa kanilang balon para dito kukuha ng tubig na magagamit pampaligo. Inayos din nila ang mga pintuan ng bahay dahil nabulok na ito sa katagalan. Bumili din ng mga appliances si Tita Glo dahil balak na nila ng kanyang mister ang pabalik-balik na lang sa Pinas (at least twice a year) para magbakasyon.

Sumama din sina Bayoyoy at Gee sakay ng kanilang Pajero. Nagkatuwaan din sila na mamingwit ng isda sa may ilog ngunit walang silang suwerte. Mailap ang mga isda. Kaya sa Vigan na lang nagpunta ang dalawa at nag-enjoy sa pamamasyal.

Balik din sina Tita Glo at ang kanyang mister sa Maynila upang kunin ang kanilang Balikbayan Box na kararating lang noong April 9. 

Masaya ang bakasyon ngunit nakakapagod. Sa Paguwi ay pakanta-kanta pa si Tito Dan sa pagmamaneho ng sasakyan para hindi makatulog. Bukod sa pagbabakasyon, nag house repair pa kasi si Tito kasama ang kanyang karpentero.

Sa May 1 ay muling magbabalik ang pamilya sa Suso at sa Vigan para ituloy ang kanilang bakasyon. May balak pa silang pumunta sa Pagudpud Ilocos Norte at sa Hundreed Islands ng Pangasinan.

No comments:

Post a Comment