Niregalohan naman ni Tito Dan si Tita Beth ng isang mamahaling bag. At least may naibigay sa kanyang mahal na asawa bilang pagkilala sa mga sakripisyo ni Tita Beth sa kanyang pamilya. Masaya si Tita sa kanyang magarang bag ma regalo.
Pero hindi dito nagtatapos ang celebration, kinabukasa (Sunday) ay naghanda uli sina Bayoyoy at Tito Dan ng masasarap na pagkain upang pagsaluhan sa pagdiriwang ng mother's day. Siya nga pala kabilang sa celebration bilang isang ina si lola Jane na nanay ni Tito Dan.
Masayang pinagsaluhan ng pamilya ang red ribbon cake, ice cream, Mongolian pansit, at Igado (modified dish na ito with chicken liver at ground beef). Sa sobrang kabusogan nahirapan namang huminga ang mga nagsikain.
Ito na yata ang isa sa pinakamasayang pag-celebrate na pamily ng mother's day. Why not, isang butihing ina kasi si Tita Beth at gayon din si lola Jane.
No comments:
Post a Comment