Monday, May 26, 2008

May College Girl na si Tita Beth

(Sina Tita Beth at mga kamag-anak from the States sa isang salu-salu)

Oo, enrolled na si Beauty sa de la Salle College, bahagi pa rin ng DLSU system. Sinamahan siya ni Tito Dan ngunit si Beauty na ang bahalang naglakad ng kanyang enrolment. Madaling naka-pag adjust. Palibhasa'y attractive kaya naging friendly kaagad sa kanya ang mga students assistants na siyang umalalay sa mga opisinang pinagkunan ng mga clearances to register and enroll.

Actually noong Thursday pa sana the other week siya na-enroll at sinamahan pa ni Tita Beth ngunit naiwan ang kangyang mga credentials na siya namang kailangan sa registration at enrolment. Bukod diyan patungo pa sila sa Boso-boso para magcamping ni Charming lady. Nagtungo rin sa Pasig pagkahatid sa kanila upang umattend ng meeting si Tito Dan at si Tita Beth naman ay nagbayad ng amortization para sa kanilang bahay sa isang bangko. Sa kasamaang palad ay aksidente namang nakipagkiskisan ang kanilang kotse sa isang van. Na-high blood tuloy ang Tito Dan. Mabuti na lang at pinuntahan siya ng magasawang doktor na kaibigan at kapit-bahay nila.

Ngayon ay excited si Beauty na pumasok. Uniform kaagad ang kanyang hinanap. Nakakatuwa at hindi magastos ang presyo ng uniform sa de la Salle College. Napakaganda rin ang lugar kung saan ito matatagpuan, maraming puno ng kahoy at medyo hilly ang terrain. Parang nasa Baguio ang feeling mo kapag kalamigan ng panahon. Madalang nga lang na ginagamit dito ang electric fan at aircon dahil napakalamig ang simoy ng hangin doon.

Mabuti naman at may kumpare sina Tito Dan at Tita Beth doon na siyang ninong ni Beauty. Dahil sa feel ni sir ang temperament ng mga estudyante ngayon kaya pinagpayuhan niya si Tito Dan din na huwag masyadong istrikto sa pagbabantay kay Beauty. Iba na raw ang panahon at ipagdasal na lang daw na maging maayos ang pag-aaral ng mga bata. Huwag silang puwersahin at istriktohan katulad nang sina-unang panahon. Bagamat may reservation si Tito Dan sa mga advice ng kumpare um-okey na lang. 

Sabagay malaking bagay din ang observation ni prof. dahil matagal na siyang teacher dito. Baka magtuturo din dito si Tito Dan bilang part-time instructor dahil tumatanggap ang eskuwelahan ng mga part-time teachers. Harinawa nang mabantayan niya si Beauty kahit papaano.

Saturday, May 10, 2008

HAPPY MOTHER'S DAY TITA BETH



Siya ay dakilang ina. Wala ka nang hahanapin pa. Tanging ang kanyang pamilya lamang ang priority niya sa buhay. Hirap man sa araw-araw na pagtatrabaho ay hindi niya inaalintana nang matugunan man lamang ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Likas na mapagmahal at mapagbigay si Tita Beth sa kanyang mga anak. Sunod sa luho, at lahat nang  suporta ay ibinibigay niya sa kanilang pag-aaral. Maalalahanin siya sa kalagayan at kapakanan ng kaniyang mga anak kaya wala siyang inaaksayang oras sa pag-alam ng mga kaganapan at kalagayan ng kanyang mga supling. Napakadakilang ina, isang biyaya mula sa Diyos.

Of course may spiritual extension din ang pamilya ni Tita Beth, may mga sinusuportahan siyang mga churches at manggawa upang palaganapin ang gawain ng Panginoon. Nanay din siya sa mga kasamahan niya sa trabaho. Si Tita Beth ay isang prayerful and faithful practising Christian. Madalas siya sa mga Bible study sessions at laging akay-akay niya ang kanyang pamilya sa pagsamba at paglilingkud sa Panginoon. Kaya tunay din namang nakikita sa kanyang buhay ang likas na kabaitan, generousity, at pagiging caring niya. 

Oo, tunay na napakaraming mga nanay at ina sa daigdig pero may mga nububukod at natatangi dahil ito ang mga ina na kung tawagin ay tunay na biyaya ng langit. Isa sa na sa kanila sa Tita Beth, isang dakilang ina na biyaya ng Diyos.