Sunday, April 27, 2008

Gusto ni Beauty Yellow Cab Pizza.

Gusto ni Byuti ay Yellow Cab Pizza. Hindi ito isang commercial call, naikukuwento lang nangyari kina Tita Beth at Tito Dan noon Sabado. Balak ni Tito Dan at Tita Beth na papalitan ang dalawang gulong (unahan) ng kanilang kotse kaya nagpasya silang lalabas kinahapunan. Naisipan namang isama ang mga bata (Charm and Byuti) ni Tita Beth para makapasyal naman sila at nakakulong lang sa bahay na nagku-computer. Pumayag si  Charm kung kakain ng pizza, ayos lang kay Byuti kung ang kakaining pizza ay Yellow Cab. Pumayag ang Tita at nangakong pakakainin nga sila ng Yellow Cab pizza.

Dahil hapon na nang matapos ang pinagagawa ng mga Tito at Tita, nagtext na lang si Tita Beth na magkita-kita na lang sila sa Shopwise. Ang sabi kasi ng Tita ay babalikan sila. Tamang-tama nandoon na sa Shopwise sina Charm and Byuti. Dahil ang pakay ng Tito sa pagpunta ng Shopwise ay upang bumili ng wall fan, kaya tumuloy sila ng Tita sa appliance section. Dito nakabili nga ng wall fan ang Tito Dan. Pagkatapos namili pa sila ng ilang gamit at pagkain. Sina Charm and Byuti naman ay tumingin ng palda para kay  Charm.

May mga ibang items pang gustong bilhin ang Tito ngunit tila nagmamadali ang Tita kaya hindi na niya nabili ang mga ito. Nagtataka ang Tito at gusto na kaagad lumabas ang Tita kaya pinahanap pa ang dalawa. Nang nasa parkingan gusto na ni Byuti na umalis na at papunta na ng pagkain ng pizza. Ang akala naman nang Tito ay sa Pizza Hut long sila. Kaya sinabi niya na maglalakad na lang.

Ayaw gumalaw at kumilos si Byuti. Pumasok na sa loob ng kotse at ayaw nang bumamaba. Iyon pala ay nangako ang Tita na kakain sila ng Yellow Cab pizza. Walang nagawa ang Tita kundi pumayag. Kaso sa Marikina ang pinakamalapit na lugar kung saan may Yellow Cab Pizza. Nayayamot man ang Tito, tumuloy na lang sila. Una bumili ang Tita ng pansit malabon. Pagkatapos ay tumuloy na sila sa Yellow Cab Pizza. Dito umorder sila ng malaking pizza at drinks. Masarap kasi naman ang pizza ng Yellow Cab. Sulit din ang pagpunta dito. Mabilis kumain ang mga dalaga ni Tita Beth. Si Tito Dan naman ay dahan-dahan at ninanamnam ang pagnguya ng pizza. Habang kumakain si Byuti at Charm, natatawa na lang ang Tito at Tita. Umiral na naman ang pagkasumpongin ni Byuti. Anyway nabusog naman ang Tito at nag-enjoy pa siya sa kalilibut ng Mall kung nasaan ang Yellow Cab Pizza. Ang mga Tita at mga bata naman ay namili ng mga sapatos na gawa ng Marikina.

Sabi nga ng Tita, paanong hindi magtatampo si Byuti ay nakaporma siya ng husto tapos sa local lang na pizzahan siya pakakainin. Ay buhay nga naman, basta may naipangako ka kay Byuti kailangang tuparin. Kaya ang saya saya nitong si Byuti nang matapos silang kumain, fulfilled na fulfilled siya. Mataas kasi ang taste nitong Miss Philippines ni Tita Beth na laging pinagtitinginan ng mga binata na laging na-a-attract sa kanyang yumi at ganda.  

Saturday, April 19, 2008

Nagkaligaw-ligaw, Naghahanapan sa Mall of Asia


(Ang cosplay ni Byuti bilang bloodied being)

Pagod at puyat ang inabot ni Tita Beth at Tito Dan sa linggong ito. Pagkatapos ihatid si Byuti sa UP College of Fine Arts para mainterview, the following day siya naman ang ihinatid at hinintay sa Mall of Asia. May photo session kasi dito ang mga nagko-cosplay at sumali dito si Byuti. Ano ba ang pakinabang, iyan ang tanong ni Tito Dan. This will be the last, ito naman ang binitiwang salita ni Tita Beth.


Sa Mcdo ng Marcos Highway ang unang pinuntahan nina Byuti upang kunin ang kanyang costume props na ipapahiram ni Healthy. Wala na si Healthy nang makarating sila doon, kaya kumain muna ng hamburger. Pagkaraan ng isang oras ay dumating na si Healthy dala ang kanyang mga props. Umalis kaagad sila pagkakuha ng props. Di man lang nagawang ipakilala ni Byuti si Healthy kay Tita Beth kaya pinagsabihan niya ito.


Pagkarating sa Mall of Asia at pagkaparada sa southwing, tumuloy na sina Tita Beth sa Mcdo rin ng Mall kung saan magkita-kita ang mga modelo ng cosplay. Sa buong akala nina Tito Dan at Tita Beth, may affair na nagaganap doon sa SMX. Wala pala. Sa labas lang pala ang mga magkakatropa na nagkuhaan ng mga larawan sa pamamagitan ng dalawang bagitong propesyonal na photographers.


Sigi habang naghihintay, kumain muna sina Tita Beth at Tito Dan sa Foodcourt. Dito sila naghintay at humigop ng sabaw ng pinapaitan at sinanglaw na baka. Dahil dala nila ang laptop ni Bayoyoy kaya inumpisahan na rin ng Tita ang pag-aaral sa kanyang trabaho. Nagsulat din ang Tito Dan ng kanyang mga kuwento para sa blog. Dahil alas sinko ang usapan na magkita-kita sila sa Mcdo, kaya naghintay na sila sa labas malapit sa fastfood.


Dito nagumpisa ang nakakabagot na paghihintay, ang pag-aalala, ang pagkayamot, at ang walang kuwentang pagtetext dahil sira ang serbisyo ng SMART. Ang resulta dahil hindi mahintay at tila nawawala si Byuti kaya nagpasya nang maglibut ang mag-asawa. Umabot na rin sa sukdolan na gusto nang umalis ang Tita Beth dahil sa pag-aakalang umuwi nang mag-isa si Byuti. Mabuti na lang at hindi pumayag ang Tito Dan na siyang nagpasya na babalikan muli nila si Byuti doon sa tagpuan nila.


Mabuti na lang at hindi nila iniwanan si Byuti dahil panganim na beses na ring naglibut na napakalaking mall ang cosplayer. Si Tito Dan ay pagod na pagod na rin at galit na. Nasabon tuloy si Byuti. Pagod na rin si Tita Beth pero malaking relief sa kanya na nagkita-kita na sila. Kung nakailang ulit na bumalik sina Tita at Tito sa paradahan na kanilang sasakyan, ganon din si Byuti na tila galit pa. Nang makapagpahinga ng bahagya, umalis na sila at si Tita na ang nagmaneho ng sasakyan.


Kina ate Lily ang tungo upang kumain gaya ng napagkasunduan. Pabalik na kasi si Marikit sa Singapore pagkatapos ng isang linggong pagtatrabaho sa Pilipinas. May lechon at piniritong tilapia. Pinainom naman ng paboritong Pamangkin ng beer ang Tito Dan. Dito bahagyang narelieved ng tension at pagod ang Tito. Umuwi sila ng bahay na tila inaantok na sa daan. Hilong-hilo naman ang Tito Dan sa dalawang bote ng beer na ininom.

Monday, April 14, 2008

BIRTHDAY NI BAYOYOY


(Sina Tita Beth sa Oki Oki Resto)

Sa unang pagkakataon kami ay nagawi sa Landmark Trinoma ng Quezon City. Napakalaki ang lugar at nakakapagod maglibot. Pero ito ang napiling lugar kung saan ay nagdiwang ng kanyang birthday si Bayoyoy. Ito ang kahilingan ni Byuti matapos siyang nag-alboroto at nagkulong sa banyo dahil sa pagkakasunog niya ng pinipritong chicken hotdog. Napahiya si Byuti kaya napagalitan, habang nagpiprito ay nagkocomputer pa siya kaya tuloy nasunogan ng niluluto.

Japanese food ang tipo ni Babayoyoy kaya ito ang una naming hinanap pagkarating namin doon. Wala iyong hinihanap naming Japanese resto kaya tumigil muna kami sa foodcourt kung saan malapit sa Yellow Cab Pizza. Dahil gutom na rin ang Tita Beth at gusto rin ni Py na kumain ng pizza (at takam na takam na siya) kaya napaorder tuloy kami ng pizza. Matagal-tagal din bago ito naluto at nakain namin. Dahil maliit lang ito kaya nabitin tuloy si Py. Pinagbigyan na lang namin sila ni Tita Beth na kumain ng mas malaking portion nito.

 

Pagkatapos naming kumain sa Yellow Cab Pizza ay tumuloy na kami sa Japanese resto (Oki Oki) at dito naman kami omorder ng mga paboritong Japanese food. Umorder ang Tita ng maki, tempura, yakisoba, at teriyake. Masarap ang mga inorder namin, masarap din ang rice at ang soup. May bigay pa silang libreng green tea kaya very healthy talaga ang pagkain. Nagkuhaan pa kami ng mga pictures na ang tanging background ay ang tarpolin na may larawang ng Hapon na kumakain.

Pagkatapos naming  kumain ay namasyal muna kami at namili sa Landmark Department Store. Nakabili ako ng water filter, sa Bayoyoy naman ay tsinelas, ang Tita Beth ay isang blouse at mga damit naman kina Gillian at Py. Halos magsara na ang Landmark nang matapos kaming mamili. Late na kasi kaming pumasok doon. Bahagya din kaming naligaw papuntang parking area. Marami kaming dinaanan na mga kainan at talaga namang nakakainganyong mamasyal at mamili sa Trinoma kahit magkaligaw-ligaw ka pa.

Wednesday, April 9, 2008

SUMALI SA COSTPLAY SI GILLIAN-by Remy


(Gillian posing with other Costplayers)

Mahaba-haba din ang tatlong araw na bakasyon ni Tita Beth. Pero noong Sabado, araw sana upang mamahinga ang dakilang Tita Beth ngunit napilitan pa ring lumabas upang ihatid sa SM Mega Mall ang kanyang magandang anak para sa sinalihang costplay. Mabuti na lang tumawag ang kanyang ate Lily para samahan siyang maglunch sa opisina nito para mabigyan bigat ang kanyang paglabas. Hindi lang pala si Gillian ang kasama palabas, pati si Py at ang barkada ni Gillian na si Mara at ang kapatid na bunso nito.

(Natatangi talaga sa ganda itong dalaga ni Tita Beth)

Nakarating nga ang Tita sa MEGA; tuloy kaagad sila ng kanyang mga kasama sa Megatrade Center. Nasa labas pa lang si Gillian ng dumugin ng kanyang mga fans para magpapicture. Handa na si beauty sa ganitong sitwasyun kaya pinagbigyan lahat ang mga gustong makipagpicture sa kanya. Nakikiramdam naman si Tita Beth sa mga tao na nasa paligid niya. Panay naman ang puri nila kay Gillian.

Ang tutoo ay natatangi si Gillian sa mga nakipagcostplay. Napakaganda ang kanyang costume na mga tatlong linggo ring pinaghandaan. Sabi nga ni Tita Beth napakaganda talaga ang kanyang beautiful child. Mas maganda pa sa personal kay sa mga kuhang larawan nito na naka costume siya. Dahil sa mga narinig niya at nasaksihan, natuwa ng husto ang Tita at tila bagang nawala bigla ang kanyang pagod. Pati si Py din ay natuwa sa napakaraming tao na gustong makipagpicture sa kanyang ate. Sabi nga ni Py ay sasali na rin ito sa susunod na may magko-costplay. Bakit nga hindi sadyang may personalidad din itong baby ni Tita, maputi, matalino, at charming. Hindi rin siya pahuhuli sa taas. Ika nga, she is oozing with self-confidence.

Saglit na iniwan ng Tita ang kanyang mga anak sa Mega at nagpunta ito sa DAP para samahan ang kanyan ate Lily. Masaya namang nag-lunch together ang mag-ate. Gabi na nang umuwi ang Tita kasama ang mga magagandang anak. May dala pa siyang pagkain mula sa Laguna. Halatang pagod din si Gillian na nakipagpost sa marami niyang tagahanga. Sabi nga ni Tita Beth, sana naman ay makuha siyang artista itong si Gillian dahil magastos itong kanyang hilig. Ito ang buhay ni Gillian at dito rin siya sisikat at magtatagumpay balang araw bilang isang alagad ng sining.