Wednesday, February 4, 2009

Trip to Subic

(Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx )

A couple of weeks ago ay nagtungong Subic Free Port Zone, dating US military base, ang magaanak ni tita Beth. Katuwaan lang ito na nuuwi sa pagliliwaliw. Si Tito Dan ang nagmungkahi nito at umayon naman lahat. Early Sunday morning sila umalis at mga 10:30 na ng umabot sila doon. Sakay sila ng bagong APV at si Bayoyoy ang driver. 
\
(Si Byuti sa daongan ng mga barko. US Naval ship on the background)

Laking gulat ang ni tito Dan at tita Beth sa mga nasaksihan na pagbabago ng Subic. Iba na ito kay sa dati. Isa pa may mga establishments na rin na nagsara marahil ay naapektohan ng worldwide economic recession. Namasyal sila ng kaunti, nagpicture taking at saka namili ng kaunti sa duty free. Pauwi ay bumili din sila ng alimango sa daan sa may Dinalupihan Bataan. 

(Si Tita Beth at si Charming)


(Isang establisyemontong Koreano)

Masaya naman ang pamilya, at least nakapag-bonding naman sila sa isat-isa. Sabi nga ni Tito Dan, mabuti na ito dahil darating ang araw hindi mo na laging nakakasama ang mga anak mo sa lakaran kapag may sarili na silang pamilya.

(Nagkakatuwaan ang mga mag-iina)


(Byuti and the Bay)


(Daddy and Byuti)


(The able APV)