Thursday, December 4, 2008

Maagang Pamaskong Regalo para kay Tito Dan

Bagong cellphone na hi-tech ang regalo ni Tita Beth para kay Tito Dan. Ito ay nabili nila noong nakaraang Sabado ng hapon. Pero hindi lang si Tito Dan ang excited dito, pati sina Charming at Beauty ay nag-eenjoy dito. Kahit si Bayoyoy ay natutuwa din sa bagong cellphone ni Tito Dan. 

Unang kinunan ng picture ni Tito Dan sa kanyang cellphone ang babaeng nagtinda nito para matunton niya kaagad kung sasasakaling magloko ang item at mapalitan o maipagawa. At least alam niya kung sino ang mananagot dito. Nagamit din nina Tita Beth ang cellphone ni Tito Dan para kunan ang display na sala set sa bagong bukas na Ever Supermart sa kanilang lugar. Balak na kasi ng Tita na palitan ang lumang-luma na nilang sala set.

Noong Lunes ay nagpunta sa isang auto shop ang Tito Dan at Tita Beth para ipagawa ang kanilang sasakyan. May deperensiya ito sa clutch. Dahil pudpod na ang clutch at saka pressure plate nito kaya pinalitan na nila kaagad. Nakahinga ang Tita Beth ng maluwag nang apat na libong piso lang ang inabot na gastos hindi sa 7,000 pesos na unang sinabi ng dispatcher.

Pero nasobrahan yata ng lambot ang adjustment ng clutch kaya parang laging tumatalon ang sasakyan kapag umaandar ito. Ibabalik muli nila sa Sabado ito upang ipa-adjust.

Unang napawashing naman noong hapon ng Martes ang APV pagkatapos dalhin ni Bayoyoy ito sa Tagaytay. Nakakatuwa at makinis na makinis ang bagong sasakyan. Iyon nga lamang dinala ngayon ni Bayoyoy ito sa kanyang opisina na matindi ang pag-ulan sa kanilang lugar. Kaya aasahan na naman ng gastos sa pagpapawashing nito.

Mabuti na lang at nakabili sina Bayoyoy at Tito Dan ng floor mat para sa APV nang maligtas ang carpet naman nito sa dumi. Inaasahan nina Tita Beth ang pagbabakasyon sa Baguio sakay sa APV. Sana maibigay na rin ang suweldo nina Tito Dan mula sa kanilang project sa DOH nang matupad ang kanilang bakasyon na pangarap sa Baguio sa darating na Pasko o New Year. 

Thursday, November 27, 2008

Ang Bagong APV Nina Tita Beth

Isang linggo din na nagpapagamot sa derma clinic itong si Bayoyoy dahil sa mga tagiyawat na tumubo sa kanyang mukha. Dumami ito kaya napilitang nagpa-derma. Tatlong araw din siyang hindi pumasok sa trabaho. Nang pumasok siya ng Biyernes ay umuwi siyang may dalang computation para sa pagbili ng isang sasakyan. Ito ay iyong Zuzuki APV GLX na may tatlong LCD TV at saka backing sensor. Para sa financing pala iyong listahan. Tinanong niya si tita Beth kung magkaano ang isasali niya dito. Kaya sa sabado ng umaga ay nagpunta sila sa Manila Bay Motors para makipagkasundo sa pagbili ng APV. Tatlong araw din ang lumipas bago nakakuha ng approval sina tita Beth at Bayoyoy para makabili ng bagong sasakyan. To cut the story short, itong nakaraang Sabado ay naiuwi na nila ang APV. Twenty Percent din ang kanilang down payment at payable in six years. Nagulo ng ang arrangement sa garahe dahil tinanggal ang mga kagamitan na nandito para maipasok lang ang bagong sasakyan.

Paguwi, dumaan muna sina tita Beth kina ate Lily niya para kumustahin ngunit wala siya sa bahay nila. Tanging si P-boy ang nandoon at lumabas. Tinignan din niya ang bagong sasakyan ni Bayoyoy at tita Beth. Saglit lang sila doon at nagtungo na sa SM hypermart. Dumalo kasi si beauty sa isang cosplay gathering. Actually dalawang sasakyan ng ang dala nila, iyong KIA at saka iyong bagon APV nila. Sina tito Dan at tita Beth sa KIA, sina Bayoyoy at Charming naman sa bagong APV. Ipinarada sa Hypermart ang mga sasakyan at kumain muna ang mga tita sa foodcourt kung nasaang naghihintay naman si Beauty. Kay Tita Beth na sumakay si Beauty at  mga kasama niya. Ipinakita din ni Beauty ang bagong sasakyan nila sa mga friends niya.

Pag-uwi ay sumakay na si Tito Dan sa APV kasama si  Charming. Naging maingat sa pagpapatakbo nga sasakyan naman si Bayoyoy. Nanood din ang tito Dan at si Charming ng movie habang tumatakbo ang sasakyan. Enjoy na enjoy din si Charming sa sounds at  sa ganda ng picture na lumalabas sa LCD screen nito.

Sunday at pina-bless naman ng mga tito at tita kasama sa Bayoyoy kay Pastor Rolex sa church ang sasakyan. Monday dinala ni Bayoyoy ang sasakyan sa kanyang opisina dahil gusto ding makita ito ng kanyang mga kaibigan. Last Thursday naman ay sabay na pumasok sa trabaho sina tita Beth, tito Dan, at Bayoyoy sakay sa APV. Ihinatid muna nila sa DAP si tito Dan bago hinatid din ni Bayoyoy ang tita sa kanyang opisina. Dinala ni Bayoyoy ang sasakyan sa opisina at umuwi na itong mag-isa na sakay nito kinahaponan dahil may meeting ang tito sa DOH at ang tita naman ay pinasyalan ang nanganak niyang inaanak sa kasal. Bukas ay pawa-washing daw ni Bayoyoy ang bago nilang APV sa isang espesyal na carwash.

Sunday, November 9, 2008

Ang Joint Account nina Tito Dan at Tita Beth

Nagmature na ang policy ng pension plan nina tito Dan at tita Beth kaya kinuha na nila ang kabuan nito. Magmula nang magbago ang nagmamay-ari na ng pension plan company ay nangamba na sila baka malugi pa ito. Idagdag na rin natin dito iyong pagkalugi ng mga malalaking kompanya pinansiyal ng Amerika. Ang kompanyang nagmamay-ari ng pension plan ay kaanib sa naluging mga kompanya ng Amerika. At least nakuha nila ito ng nakaraang linggo at idiniposito sa bangko noong nagdaang Lunes. Dahil hinigan nila ng ID si tito Dan, napilitan itong kumuha ng Postal ID para may kasama naman ang kanyang driver's license.

Una nagpakuha sila ng larawan sa isang Photo Shop. Hindi nagpatina ng buhok si tito Dan kaya nagmukha siyang matanda. May mga papeles pang pinilapan at pinirmahan nina tito Dan at tita Beth sa post office bago sila nagtungo ng Barangay Hall nila upang kumuha ng clearance for postal ID. At natapos naman ito kaagad. Pagkabayad nila sa postal office ay kumain muna sila sa isang fast food habang hinihintay ang pagre-release nito at 2:00 PM. Hindi na umabot pa ng oras na iyon at nakuha nila kaagad ito. Pero bago niyan ay nagpunta muna sila sa SSS para alamin kung makakuha si tita Beth ng kanyang retirement benefits kapag binayaran niya lahat ng kanyang mga hindi pa nabayaran na hulog buwan-buwan. Pero sobrang malaki ang kanilang babayaran kaya pag-aaralan pa nila kung ipagpapatuloy pa ang balak o hindi.

Bumalik muli sila sa bangkong pinuntahan ng umaga at inayos na ang kanilang joint accounts. Para sa pagtanda nila ang kaunting perang naipon. Lalo na ngayon at parehong may karamdaman sila lalo na si tito na nagpapagamot ng kanyang kaunting karamdaman sa puso. At natapos naman ito kaagad kaya naisipan naman nila ang pumunta sa isa na namang fastfood para kumain. Naging prodaktibo naman ang araw na iyon, Lunes, kahit umabsent tuloy si tita Beth. Nagpunta pa nga sila sa isang grocery para bumili ng kanilang isang linggong supply na pagkain.

Lumayas na ang kanilang katulong na si Weng kaya tinawagan naman ni tita ang kanilang kamag-anak sa Baesa, Caloocan City. Sa awa ng Diyos ay may naibigay na katulong, ang asawa ng kapatid ng asawa ng kanyang pamangkin na si Joseph. Masaya naman sina tito at tita dahil masipag siya. At least mababawasan na ang trabaho ni tito ngayon sa bahay. Nagpunta pa nga sila sa Karnabal kinagabihan ng Sabado. Kaya masayang masaya silang lahat sa linggong ito kung saan ay nakapagpahinga ng husto si tita Beth.

Tuesday, October 14, 2008

Wedding Anniversary Date nina Tita Beth

Linggo ng umaga nang magtungo sina Tita Beth sa MegaMall. Sasali sina Byuti at Charming sa Cosplay. Pero tanghali na nang umabot sila doon. Kumain muna sila sa isang Chinese restawrant bago nagtungo ang mga bata sa convention hall.
Napakakapal ang dami ng mga cosplayers. Ibat-ibang kasuutan, ibat-ibang anyo, nakakatuwang tignan sila. May robots, may anime characters, may mga action characters sa mga games, may mga mukhang multo, prinsesa, at mga diwata. Sina Charming at Byuti as usual ay mga mukhang prinsesa.
Hindi makatiis si Tita Beth sa init ng kapaligiran kaya nagtungo naman sila ni Tito Dan sa Mega Trade Hall para tuminging sa mga products and ibinibenta doon. Si Tito Dan ay nakabili ng Ukelele na gawang Pampanga. Si Tita Beth naman ay mga maliit na bags para sa mga gamit pambabae. Pero nawili sila sa kainan kung saan bumili sila ng ilang kilo ng organic rice, kasoy, candies, puting keso, at nagkape pa ng rice coffee.
Pagkatapos niyan ay nagtungo naman sila sa Food Court para umupo at magpahinga. Habang hinihintay sina Byuti at Charming ay bumili naman si Tito Dan ng Filipino dictionary sa National Book Store. Tamang-tama na nakarating na sina Byuti at Charm nang dumating siya.
Nagpunta naman sila sa Bubble Tea shop kung saan sila ay tumigil doon ng kulang-kulang sa isang oras para magpahinga. Dito may mga nakilala sila Byuti at Charm na mga Cosplayers din. Pagkatapos nilang kumain dito ay namili naman ng kanyang pantalon si Tito Dan. Wala na siyang natitira pa kasing pantalon dahil mga luma at may sira na ang mga iba.
Muling binalikan din nina Tita Beth iyong gusto nilang bilhin na oven toaster. Mabuti na lang at nakabili sila nito dahil magiisa na lang ang stock na oven toaster na may pritohan sa ibabaw. Masayang umuwi ang mga magaanak at sa date ng Tita at Tito. Lunes pa sana sila lalabas ngunit masyadong maraming gagawin sa opisina si Tita Beth.

Wednesday, October 1, 2008

Gumagamit na ng Insulin si Tita Beth

Gumagamit na ngayon ng insulin si Tita Beth para sa kanyang Diabetes. Maganda ang epekto at bumaba na ngayon ang kanyang blood sugar sa 224 from 280. Dati ay iminungkahi ng kanyang diabetologist na gumamit na siya nito para maiwasan ang mga komplikasyon ng sakit na diabetes. Binale-wala niya ito noong una, ngunit dahil sa hindi na nagbabago ang kanyang blood sugar count ay napilitan na siyang umayon sa payo ng kanyang doktor.

Mahal kasi ang insulin, umabot ng  2,400 pesos ang isang vial. Bibili pa siya ng karayom para dito, at every  three days ay magsasample siya ng kanyan dugo para malaman ang level ng kanyang blood sugar. Mga tatlong buwan siyang gagamit nito. Kaya every morning siya bago pumasok sa trabaho na magturok ng insulin sa kanyang tiyan. Hindi naman ito masakit dahil napaka-pino ang karayom.

Napansin nga siya ng Ate Lily na medyo sumisigla na raw ang pangangatawan ni Tita Beth. Nagbago ang kulay ng kanyang mukha, palatandaan ng magandang epekto ng kanyang paggamit ng insulin. Ang targel na level ay dapat umabot sa 100 ang kanyang blood sugar count. Magastos nga ngunit maliit lang itong sakripisyo para sa kanyang kalusugan at kaligtasan.     

Wednesday, September 17, 2008

Nanalo sa Anime Cosplay si Byuti


Artist talaga itong si Byuti. Pinaghandaan niya ang cosplay na ito na naganap pa sa Robinsons Galleria nitong nakaraang Sabado. Maraming participants ang nagpaligsahan doon. Dumalo naman sina Tito Dan at Tita Beth kasama nila si Charming. Natatangi talaga ang ganda ni Byuti nang siya ay rumampa na sa entablado. Kinunan lahat ni Tito Dan ng video ang mga rumampang anime cosplayers.

Hindi makapaniwala si Tita Beth sa kanyang nakita nang rumampa na ang anak sa entablado. I am awed, ito ang sabi niya. Mabibigat ang mga kalabang cosplayers sa contest na iyon. Si Aludia ang sikat na Pinay cosplayer ang isa sa mga judges. Napakaganda niya at talagang may pagka-chinese mestiza siya. Nakipagpose pa nga si Byuti sa kanya.

Pero hindi sa cosplay nananalo si Byuti. Nanalo siya sa anime arts competation. Sa katunayan nga ay saglit lang niya ginawa ang kanyang artwork at ipinasa na niya para makita ng mga hurado. Second nga lang siya dahil violence ang tema ng kanyang art.  Anyway may 1,000 pesos siyang premyo dito.

Nagyaya naman siyang kumain ng Shabo-shab0 pagkatapos ng anime contest. Dala ni Tito Dan ang mga gamit nito at umakyat na sila sa may pinakamataas na palapag ng Robinsons Galleria. Parang artista ang dating ni Byuti. Maraming napapalingon. Kaso dahil naka shorts lang naman si Tito Dan, nagmukhang boy tuloy siya ni Byuti. 

Masayang nagsalu-salu ang pamilya sa pagkain ng shabo-shabo kasama ang dating classmate ni Byuti noon sa High School.

Noong hapon ng Linggo nagpunta naman ang magaanak sa Union Church of Manila at dito sila nanood ng kakaibang concert. Mga 300 singers ang nagtip0n-tipon upang umawi ng mga traditonal Christian hymns. Pati ang Kongregasyon ay kasama rin sa pag-awit. Napaganda ang feeling at napakaiksi ang dalawang oras na concert kung tutuusin. Pagkatapos nito ay bumaba na sa guest Hall ang mga magaanak para mag-refreshment. Ngunit bago umuwi ang mag-aanak ay kumain muna sila ng yellow cab pizza sa Greenbelt dahil gutom na si Byuti.

Tuesday, September 9, 2008

Si Charming Gumanap na Sisa


Nasa school ngayon si Charming at kasali siya sa play, ang role niya ay si Sisa ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Maaga pa lang ay naligo na siya at kumain ng alimasag na dala ni Tita Beth kagabi. May mama kasing nagbenta kay Tita Beth ng murang alimango. Kukuha sana ng marami ngunit natakot baka hindi siya papayagan na magdala nito sa LRT2 kung saan siya ay laging sumasakay.Dala ni Charming ngayon ang dalawang camera, isang video at isang still para makunan siya ng kanyang ate Byuti. Dadalo kasi si Byuti sa play nina Charming. Besides gusto nilang magpakita sa school kung saan ay namimiss na siya ng kanyang mga dating teacher. College na ngayon si Byuti at sa DLSU nag-aaral. Malaking kawalan din si Byuti sa school na siyang nangunguna noon sa mga co-curricular activities. In fact tumanggap pa nga siya ng presidential award for the culture and arts.Nang nawala sa school si Byuti, nagumpisa na ring makilala si Charming. Marunong na itong makihalabilo at nailalabas na rin niya ang kanyang leadership abilities. Nadevelop din ang kanyang sense of humor at madalas siyang magpatawa sa school. Sabi nga ng kanilang adviser, kapag nalulungkot daw ito ay lalapitan daw niya si Charming, at kahit anong kilos na nakakatawa, ay napapatawa na rin at nari-relieve daw ang teacher.Madalas na ring lumabas ng bahay si Charming. Siya ngayon ang kinikilalang leader ng kanyang mga kabarkada. Iyon nga lamang napagsabihan siya na mag-aral ng husto dahil masyado siyang malaro at panay-panay ang kanyang computer games. Pero dahil nagpapa-tutor na siya sa isang subject niya, medyo binawas-bawasan na rin niya ang paglalaro.Hindi na nabubuhay si Charming on the shadow of her sister, may sarili na ating mundo. Dito nabibigla si Tito Dan dahil nagdadalaga na pala si Charming. Dati istrikto si Tito Dan sa kanya, pero ngayon naiintindihan na niya na kailangan talaga ni Charming ang magkaroon ng mga ekspusyor para matuto siya sa buhay. Ang tanging magagawa na nga lang nina Tito Dan at Tita Beth ay subaybayan sila sa kanilang pagdadalaga. 
Labels: 

Saturday, August 23, 2008

Kumusta na si Tita Beth?

Dalawang weekends din kami ni Tita Beth na lumalabas upang maggrocery at mamili ng mga gamit. Sa dalawang pagkakataon na ito, nakasama namin lagi si Byuti dahil may sariling mundo ngayon si Charming. Mahilig siyang magsasama ngayon sa kanyang mga high school friends. Panapanahon lang iyan ayon kay Tita Beth.

Ngayon naman si Byuti ang laging sumasabay sa amin ng kanyang mama para maggrocery. Pero kahapon ng Sabado ay nasa school siya for her PE at computer course. Pagod nga siyang umuwi dahil tinuruan daw sila ng martial arts. Labis ko namang ikinatuwa dahil may nalalaman siya kahit papaano para ipagtanggol ang kanyang sarili. Iyon nga lang kagagaling niya pa sa sakit noong nakaraang linggo.

The other weekend namili kami nina Tita Beth ng mga gamit sa computer sa isang Mall. Kumain kaming tatlo sa isang burger house at enjoy na enjoy si beauty. Lagi naman kaming nagtitinginan ni Tita Beth dahil naala-ala namin nang siya'y bata pa na laging nakabuntot sa amin. Maganda rin ito para hindi mawawalay ang damdamin ng anak sa kanyang mga magulang.

Kahapon naman ay hinatid namin si Byuti sa DLSU para sa kanyang klase at PE. Gabi na nang siya ay umuwi at pagod na pagod. Ito iyong time na sinabi niyang nagaaral sila ngayon ng martial arts. Malaking babae si Byuti kaya nakakatakot ang haba ng kanyang paa kapag sumisipa siya sa practice. Pagkahatid namin sa kanya ay nagdate kami naman ni Tita Beth sa isang convenience store, kumain ng siopao at saka donuts. Lipat uli kami sa isang burger house pagkatapos para namang uminom ng pineapple juice at kumain ng burger. Pagkatapos niyan ay nagshopping na kami ni Tita Beth sa shopwise. Nakatatlong libo din kami, tsk tsk.

Ngayong araw ng linggo ay nagpapahinga si Tita Beth. Pinaghahandaan ang kanyang training sa darating na September. Ako din tila magiging busy na naman ako sa aking bagong project sa buwan na ito. Mabuti na lang at mayroon na kaming kasambahay na kahit marami pang dapat pag-aralan sa gawaing bahay ay may kaunting naitutulong din.

Hanggang dito na lang at abangan ang susunod naming posting. Wala ngayon si Remy kaya ako ang biographer pansamantala, hahahaha. Mabuhay kayong lahat. lots of love, and Godbless.

Monday, July 28, 2008

Nagkasakit si Charming-- by tito Dan


(Si Charming upon recovery)

Maaga kong hinatid si Tita Beth sa highway, wala ngayon ang kanyang service kaya sa tricycle na lang siya sumakay patungong bayan kung saan ay sasakay naman siya ng FX papuntang Santolan para makasakay ng LRT papunta naman pinapasokan niya. Mahaba-haba itong kuwento ng sakayan he-he-he. In short nang naisakay ko na siya ng tricycle nagmamadali naman akong umuwi na ng bahay.

Sa bahay naman hindi ko na dinatnan si Charming dahil kinuha na siya ng kanilang service. Kaya wala na akong alalahanin pa at ang mga dating ginagawa ko sa bahay naman ang binalingan upang tapusin. Nang matapos ko ang mga ito, naisipan ko naman na magposte sa aking mga blogs nang ma-update naman sila.

Binabalak ko pa lang gawin ng kumiriring ang PLDT line na hindi gaanong ginagamit. Babae ang tumawag. Siya pala ay teacher ni Charming at pinakukuha siya dahil may karamdaman daw ito. That was around 9:30 in the morning. Kaya naman nagmamadali na akong nagpunta ng kanilang school sakay ng kotse para kunin si Charming. Naiwanan pa nga niya ang kanyang baon earlier kaya binigyan ko na ng pamasahe si Beauty nang madala niya ito. Iyon pala ay hindi na kailangan dahil nga pauwi naman si Charming.

Nahihilo at masakit ang ulo ni Charming ng dumating ako sa kanilang school. Nakaupo siya sa faculty corner at tila pinainum na siya ng bonamine. Saglit na lumabas ang teacher niya para magpaliwanag. Sinabi niyan kailangan ni Charming ang pahinga. Kaya nang makapagpaalam na kami, tuluy-tuloy na sa kotse.

Uuwi na sana kami nang magcomplain naman siya na hindi makahinga. Nataranta ako at dinala ko na siya sa hospital. Mabuti na lang at malapit-lapit ang munting hospital na iyon sa school. Agad siyang dinala sa emergency para suriin ng mga doktor. At dahil hindi makahinga binigyan siya kaagad ng oxygen. Sinuri din ang kanyang dugo at wala namang ibang nakitang palatandaan ng sakit. Kaya ang payo ng doktor magpahinga lang siya at inumin ang kanyang Bcomplex na bitamina.

Napagud sa kaaral at kalalaro itong munting prinsesa ng bahay kaya nagkaganon. Binigyan pa nga ng doktor ng medical certificate para makapapahinga. Pagkatpos ng another 15 minutes of oxygen on brown bag, pinauwi na kami. Natulog siya at nagpahinga ng maghapon, kaso kinabukasan ng Biyernes ay tumuloy pa rin siya sa school bagamat hindi pa maayos ang kanyang paghinga. Sabi din kasi ng doktor kung okay na siya makakapasok pa rin kinaumaghan. E, para saan pa ang medical certificate na may bayad namang 100 pesos?

Ang mahalaga inalagaan siya ng Panginoon at pinagaling siya kaagad. Nalaman na lang ni Tita Beth ang nangyari kinagabihan nang nakauwi na siya sa bahay. Hindi ko na nga siya tinawagan sa kanyang opisina dahil ayaw ko siyang magalala.

Another updates:

Noong nakaraang Linggo ay dumalo naman kami ni Tita Beth sa binyag ng anak ng kanyang office mate na si Gladdy. Nagkaligaw-ligaw pa nga kami papunta sa Parang. Masaya naman ang pagtagpo-tagpo ng mga magkakaopisina. Hindi naman nila ako nakilala dahil nagpakulay ako ng buhok at bumata raw ang aking itsura.

Itong hapon ng nakaraang Sabado ay nagpunta naman kami sa Macro at mag-grocery, at tumuloy din kami sa Shopwise para hintayin doon si Beauty na katatapos pa lang ng klase niya sa hapon sa La Salle.

Itong Monday ng gabi naman ay bumalik na ang aming kasambahay na nakawala ng isang libong pisong pamalengke. Nadukotan daw siya. Sa takot na mapagalitan nagpunta sa mga kamag-anak para mangutang ng pampalit. Kaso Lunes na siyang bumalik. Biyernes iyong nangyari kaya itong Tito ninyo ang naging all-around-house person.






Thursday, July 17, 2008

NagLBM si Tita Beth


(Si Charming sa Fort Ilocandia)

Kawawang Tita Beth, hindi siya pumasok sa kanyang trabaho last week dahil NagLBM siya. That was Friday kaya umabsent siya. Pinainom siya ni Tito Dan ng gamot pangLBM kaya nahinto ang pagtatae. Maghapon siyang nagpahinga at tila nanakit pa ang tiyan at masuka-suka siya. Nanghihina pa siya, kaya hinayaan na lang na matulog siyang maghapon. Awa ng Diyos ay unti-unti naman siyang nakarecover.

Ang dahilan ng pagtatae ay ang pagkain nito ng santol at maraming nainum daw na iced tea. Bakit nga ba hindi, kung saan saan lang kasi nanggaling ang santol na kinain. Ang totoo nito mahilig talagang kumain ng santol si Tita Beth.

The following day, Saturday, medyo magaling-galing na si Tita Beth pero hindi pa rin siya makakain. Kumain man siya kukunti lang. Naggrocery sila nina tito Dan sa Shopwise. Dahil sale nga sa Shopwise, kaya nakabili naman ang Tito ng pang-home theatre na amplifier. Panay ang patugtog naman ng mga bata, dahil ito ang ginagamit nila para sa kanilang MP4 at saka IPod.

Sunday medyo okay na ang Tita Beth at nakakakain na, kaya lang may mga gusto siyang kaining ngunit hindi daw niya alam kung ano... Anyway palatandaan na normal na ang Tita dahil naghahangad na siya ng pagkain.

Tuesday, July 1, 2008

Update kay Tita Beth

Goodnews:

Dumating na si mareng Es ni Tita Beth kaya hindi na siya nagko-commute pa papuntang opisina. Nakapagmeeting na rin sila para sa mga gagawing church projects. A follow-up meeting on Saturday this month.

Dumating na rin iyong helper ni Tita Beth na si Weng. Masipag ngunit marami pang dapat i-develop sa kanyang paninilbihan. This spares Tita Beth from going to the store to but something, mayroon na siyang mauutusan.

Not so good news:

Minulta, kotong, si Tita Beth dahil lamang sa traffic violation. Pumunta sila sa Mall of Asia para bumili ng sapatos ni Byuti nang biglang lumiko si Tita Beth sa hindi puwedi, nakita ng traffic enforcer kaya kinotongan. Nakiusap pa man din ang pobre pero matindi talaga ang pangangailangan nitong mga traffic enforcers.

Nawala ni Tita Beth ang lumang cellphone niya. Ang mahirap nandoon lahat ng mga contact numbers niya. Kaya nangangapa na naman siya ngayon. Cellphone ni Tito Dan ang kanyang gamit ngayon. Binigyan nga siya ni Tita Lily ng dalawang cellphones na pansamantalang magagamit niya.

Blessings:

May bago nangn monitor ang computer ni Tito Dan. Binili ni Bayoyoy at the time na nahuli si Tita Beth ng minor traffic violation.

May isang kaban na bigas mula sa Laguna naman ang bigay sa kanya ni Ate Baby niya sa Santa Cruz.

Talagang pinagpapala itong mabait at maalalahanin na ina.

Thursday, June 12, 2008

Baguio Vacation 2008, the Summer Place Hotel Experience

Walang kaplano-plano nakapagbakasyon sina Tita Beth sa Baguio. Sa Summer Place Hotel sila nag-check in. Malaki ngunit napakamahal ang bayad ng kuwarto na kinuha nila. Pero okay lang dahil bayad na ito good for 4 days. Kaya masaya sila.

Hindi kondisyon ang kanilang kotse ngunit nagawa pang umakyat ng Baguio. About 6:30 a.m. sila nang tumulak patungong Baguio. Ang target ni Tita Beth ay 4:00 a.m. pero hindi ito nangyari. Mahirap gisingin ang kanyang mga dalaga. Another cause of the delay ay iyong pagkumpuni ni Tito Dan sa nasirang bumper guard na binangga ng dina nakilala pang sasakyan. Mabuti na lang at available ang lahat nang gamit kaya narimedyohan kaagad.

Nakaabot sila ng 9:30 sa Hacienda Lusita ng Tarlac City kung saan ay kumain muna sila sa may Jollibee. Si Tito Dan naman ang nagmaneho hanggang Naguilian kung saan ay nagkarga sila ng gasolina. Mula doon ay si Tita Beth na ang nagmaneho paakyat naman ng Baguio. Mga 3:30 na nag hapon ng dumating sila sa Hotel. Sinalubong sila ni Ate Lily at dinala sa kanyang kuwarto. Malaki rin ito at siya lang mag-isa doon. Sa kanya naman ay pleasure and business.

Wala pa ring ipinagbago ang Baguio, lumala ng lang ang traffic at lalo pang dumami ang mga bakasyonista. Nakakainis din ang magmaneho ng sasakyan dahil pasaway na rin ang mga drivers sa Baguio at mga dayo. Halos magbanggaan ang mga sasakyan sa style ng traffic. Bukod diyan ay akyat panaog pa ang terrain at makikipot ang daan.

Puro kain naman ang inatupag nina Tita Beth. Pumunta pa sila nang dalawang beses sa may Slaughter House upang kumain. Masarap ang pagkain sa pangalawang pinuntahan nila hindi kagaya nang una na bulalo lang ang masarap. Dito kumain sila ng pinapaitan, kilawin na kambing, inihaw na tilapia, bulalo, at talbos ng sayote. Doon naman sa Summer Place Hotel, medyo may kamahalan ang pagkain bagamat masarap. Twice lang sila kumain doon. 

Maraming Koreanong guests din ang hotel dahil may English Academy dito kung saan nag-aaral ang mga Koreano na magsalita at sumulat ng English. Si Charming ng ay napagkamalan pa nilang Koreana dahil singkitin ito at maputi.

Sunday ang pinaka-espesyal naman na araw dahil pagktapos ng pakipag-fellowship nila sa Green Hills Christian Fellowship ay tumuloy na sila sa Camp John Hay for lunch. Dito kumain sila sa Shakeys Pizza. Pagkatapos namasyal na sa lahat na puweding puntahan doon at kumuha ng larawan na ibat-iba ang background sa digital camera at video nila. Namili rin sila ng maiuuwing pagkain at kakanin sa may Good Sheperd Convent. Napakatraffic nga lang ang pagpunta doon. Namili din sila ng mga kagamitan sa SM Baguio, at mga gamot na kailangan.

Dahil nasira ang headlight nang kotse nina Tita Beth, pinagawa na rin nila ito sa mga mekaniko na nakatambay lang sa may Rizal Park malapit sa Baliwag Chicken. Inayos din ng mekaniko na si Sakyo ang sensor ng cooling fan ng kotse at saka nilinis ang headlight. Marumi sa loob at malabo ang ilaw. Dahil mura ang headlight housing para sa kotse nina Tita Beth, bumili na ng isang reserba si Tito Dan. 

Nagkaligaw-ligaw din ang Tito at Tita pabalik ng hotel pagkatapos bumili ng headlight sa kaiiwas ng traffic at maling basa sa signage ng Tita.

Pagkatapos mag-lunch ang mga bata (nauna nang kumain ang Tito at Tita) bumaba na sila ng Baguio, 12:30 p.m. Sa Marcos Highway na sila bumaba. Nagiinit naman ang preno at clutch ng sasakyan kay huminto sila ng dalawang bises para buhusan ng Tito ito ng tubig. Mabilis ang pagbaba nila at nakararing kaaga ng Rosario La Union mga 1:30. Huminto muna sila sa Caltex upang magpuno ng gasolina at kumain na naman. 

Maga-alas 2:00 na ng hapon nang iwan nila ang Rosario. Si Tito Dan naman ang nagmaneho, una mabilis ngunit inabutan ng traffic sa Tarlac at Dau. Huminto uli sila sa Shell station ng NLEX upang magpakarga ng gasolina at dagdagan ang motor oil ng kotse. Mga 7:00 na nang umabot sila sa Balintawak. Matrapik na at mukhang barumbadong magmaneho ang mga motorista. 

Dumaan muna ang mga Tita kina Ate Lily upang ihatid ng mga padala nito. Pinakain tuloy nina Gel at Perry ang buong pamilya. Mga 10:30 na nang gabi nang dumating ang mga Tita sa kanilang tahanan. Tamang-tama naman na gising pa sa Bayoyoy. Kaya lang gumawa na naman ng milagro ang mga pusa at asong alaga nila kaya nangangamoy ang buong kabahayan. Nag-general cleaning tuloy ang Tito Dan nang di oras.

Kinaumagahan, pumasok na sa trabaho ang Tita; ang Tito naman at mga bata ay naglabang maghapon. Papasok na kasi sa Huwebes si Maganda, unang araw nang pasukan nila sa La Salle.


Thursday, June 5, 2008

La Salista na si Beauty

Finally enrolled na si Maganda sa La Salle at kasalukuyang nagpapatuloy pa ang kanilang orientation program. 
Maganda ang slogan ng kanilang orientation program; outsetting, outlasting, the voyager. Voyager ang ginamit na salita hango sa Our Lady of Voyage ng Antipolo City. Ito'y isang paraan ng pagkilala na ang pag-aaral ay isa ring uri ng voyage o paglalakbay. At habang naglalakbay ang mga mag-aaral nakikipaglakbay din sa kanila ang mga magulang na siyang gumagabay sa pag-aaral. Ang paaralan din ay naglalakbay kaalinsabay ng paglalakbay ng mga magaaral. Ang idinidiin ng orientation program sa mga mag-aaral ay ang magsikap na matuto at magtagumpay. Ang pagaaral ay gawin kaaliw-aliw hindi bilang isang parusa. 
May naganap din na open-forum para sa mga parents kung saan ay nabanggit ang mga katanungan tungkol sa administration, facilities, access to the school, at grading system ng institusyon. Kasali sa mga nagtanong si Tito Dan. 
For documentation, kinunan din ni Tito Dan ng larawan ang College President na si Brother Dante gamit ang kanyang bagong cellphone na Nokia. 
Maagang natapos ang morning session with parents. Kumain muna sina Tito Dan at Maganda kasama ang kaklase at barkada nito nang high school na si Sophie for lunch bago siya umalis. Sumaglit din sila sa book store upang kunin ang order ni Maganda na school uniform.
As of this writing ay patuloy ang orientation program nina Maganda. Puro mga estudyante na lang ang naiwan at may mga games na inihanda ng paaralan. Marami pang tatalakayin tungkol sa mga pamamaraan ng eskuwela na dapat malaman ng mga bagong saltang mag-aaral ng de La Salle. 
Okay ang pagkapili ni Maganda sa de La Salle dahil maganda ang quality of education dito at may Christian values pa na sinusunod. Tuwang-tuwa naman si Tito Dan sa one La Salle policy ng lahat ng mga branches ng DLSU sa buong Pilipinas.
Wish ko lang kay Maganda, at kina Tito Dan at Tita Beth na rin, good luck! May God bless you in your studies Maganda! 

Monday, May 26, 2008

May College Girl na si Tita Beth

(Sina Tita Beth at mga kamag-anak from the States sa isang salu-salu)

Oo, enrolled na si Beauty sa de la Salle College, bahagi pa rin ng DLSU system. Sinamahan siya ni Tito Dan ngunit si Beauty na ang bahalang naglakad ng kanyang enrolment. Madaling naka-pag adjust. Palibhasa'y attractive kaya naging friendly kaagad sa kanya ang mga students assistants na siyang umalalay sa mga opisinang pinagkunan ng mga clearances to register and enroll.

Actually noong Thursday pa sana the other week siya na-enroll at sinamahan pa ni Tita Beth ngunit naiwan ang kangyang mga credentials na siya namang kailangan sa registration at enrolment. Bukod diyan patungo pa sila sa Boso-boso para magcamping ni Charming lady. Nagtungo rin sa Pasig pagkahatid sa kanila upang umattend ng meeting si Tito Dan at si Tita Beth naman ay nagbayad ng amortization para sa kanilang bahay sa isang bangko. Sa kasamaang palad ay aksidente namang nakipagkiskisan ang kanilang kotse sa isang van. Na-high blood tuloy ang Tito Dan. Mabuti na lang at pinuntahan siya ng magasawang doktor na kaibigan at kapit-bahay nila.

Ngayon ay excited si Beauty na pumasok. Uniform kaagad ang kanyang hinanap. Nakakatuwa at hindi magastos ang presyo ng uniform sa de la Salle College. Napakaganda rin ang lugar kung saan ito matatagpuan, maraming puno ng kahoy at medyo hilly ang terrain. Parang nasa Baguio ang feeling mo kapag kalamigan ng panahon. Madalang nga lang na ginagamit dito ang electric fan at aircon dahil napakalamig ang simoy ng hangin doon.

Mabuti naman at may kumpare sina Tito Dan at Tita Beth doon na siyang ninong ni Beauty. Dahil sa feel ni sir ang temperament ng mga estudyante ngayon kaya pinagpayuhan niya si Tito Dan din na huwag masyadong istrikto sa pagbabantay kay Beauty. Iba na raw ang panahon at ipagdasal na lang daw na maging maayos ang pag-aaral ng mga bata. Huwag silang puwersahin at istriktohan katulad nang sina-unang panahon. Bagamat may reservation si Tito Dan sa mga advice ng kumpare um-okey na lang. 

Sabagay malaking bagay din ang observation ni prof. dahil matagal na siyang teacher dito. Baka magtuturo din dito si Tito Dan bilang part-time instructor dahil tumatanggap ang eskuwelahan ng mga part-time teachers. Harinawa nang mabantayan niya si Beauty kahit papaano.

Saturday, May 10, 2008

HAPPY MOTHER'S DAY TITA BETH



Siya ay dakilang ina. Wala ka nang hahanapin pa. Tanging ang kanyang pamilya lamang ang priority niya sa buhay. Hirap man sa araw-araw na pagtatrabaho ay hindi niya inaalintana nang matugunan man lamang ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Likas na mapagmahal at mapagbigay si Tita Beth sa kanyang mga anak. Sunod sa luho, at lahat nang  suporta ay ibinibigay niya sa kanilang pag-aaral. Maalalahanin siya sa kalagayan at kapakanan ng kaniyang mga anak kaya wala siyang inaaksayang oras sa pag-alam ng mga kaganapan at kalagayan ng kanyang mga supling. Napakadakilang ina, isang biyaya mula sa Diyos.

Of course may spiritual extension din ang pamilya ni Tita Beth, may mga sinusuportahan siyang mga churches at manggawa upang palaganapin ang gawain ng Panginoon. Nanay din siya sa mga kasamahan niya sa trabaho. Si Tita Beth ay isang prayerful and faithful practising Christian. Madalas siya sa mga Bible study sessions at laging akay-akay niya ang kanyang pamilya sa pagsamba at paglilingkud sa Panginoon. Kaya tunay din namang nakikita sa kanyang buhay ang likas na kabaitan, generousity, at pagiging caring niya. 

Oo, tunay na napakaraming mga nanay at ina sa daigdig pero may mga nububukod at natatangi dahil ito ang mga ina na kung tawagin ay tunay na biyaya ng langit. Isa sa na sa kanila sa Tita Beth, isang dakilang ina na biyaya ng Diyos. 

Sunday, April 27, 2008

Gusto ni Beauty Yellow Cab Pizza.

Gusto ni Byuti ay Yellow Cab Pizza. Hindi ito isang commercial call, naikukuwento lang nangyari kina Tita Beth at Tito Dan noon Sabado. Balak ni Tito Dan at Tita Beth na papalitan ang dalawang gulong (unahan) ng kanilang kotse kaya nagpasya silang lalabas kinahapunan. Naisipan namang isama ang mga bata (Charm and Byuti) ni Tita Beth para makapasyal naman sila at nakakulong lang sa bahay na nagku-computer. Pumayag si  Charm kung kakain ng pizza, ayos lang kay Byuti kung ang kakaining pizza ay Yellow Cab. Pumayag ang Tita at nangakong pakakainin nga sila ng Yellow Cab pizza.

Dahil hapon na nang matapos ang pinagagawa ng mga Tito at Tita, nagtext na lang si Tita Beth na magkita-kita na lang sila sa Shopwise. Ang sabi kasi ng Tita ay babalikan sila. Tamang-tama nandoon na sa Shopwise sina Charm and Byuti. Dahil ang pakay ng Tito sa pagpunta ng Shopwise ay upang bumili ng wall fan, kaya tumuloy sila ng Tita sa appliance section. Dito nakabili nga ng wall fan ang Tito Dan. Pagkatapos namili pa sila ng ilang gamit at pagkain. Sina Charm and Byuti naman ay tumingin ng palda para kay  Charm.

May mga ibang items pang gustong bilhin ang Tito ngunit tila nagmamadali ang Tita kaya hindi na niya nabili ang mga ito. Nagtataka ang Tito at gusto na kaagad lumabas ang Tita kaya pinahanap pa ang dalawa. Nang nasa parkingan gusto na ni Byuti na umalis na at papunta na ng pagkain ng pizza. Ang akala naman nang Tito ay sa Pizza Hut long sila. Kaya sinabi niya na maglalakad na lang.

Ayaw gumalaw at kumilos si Byuti. Pumasok na sa loob ng kotse at ayaw nang bumamaba. Iyon pala ay nangako ang Tita na kakain sila ng Yellow Cab pizza. Walang nagawa ang Tita kundi pumayag. Kaso sa Marikina ang pinakamalapit na lugar kung saan may Yellow Cab Pizza. Nayayamot man ang Tito, tumuloy na lang sila. Una bumili ang Tita ng pansit malabon. Pagkatapos ay tumuloy na sila sa Yellow Cab Pizza. Dito umorder sila ng malaking pizza at drinks. Masarap kasi naman ang pizza ng Yellow Cab. Sulit din ang pagpunta dito. Mabilis kumain ang mga dalaga ni Tita Beth. Si Tito Dan naman ay dahan-dahan at ninanamnam ang pagnguya ng pizza. Habang kumakain si Byuti at Charm, natatawa na lang ang Tito at Tita. Umiral na naman ang pagkasumpongin ni Byuti. Anyway nabusog naman ang Tito at nag-enjoy pa siya sa kalilibut ng Mall kung nasaan ang Yellow Cab Pizza. Ang mga Tita at mga bata naman ay namili ng mga sapatos na gawa ng Marikina.

Sabi nga ng Tita, paanong hindi magtatampo si Byuti ay nakaporma siya ng husto tapos sa local lang na pizzahan siya pakakainin. Ay buhay nga naman, basta may naipangako ka kay Byuti kailangang tuparin. Kaya ang saya saya nitong si Byuti nang matapos silang kumain, fulfilled na fulfilled siya. Mataas kasi ang taste nitong Miss Philippines ni Tita Beth na laging pinagtitinginan ng mga binata na laging na-a-attract sa kanyang yumi at ganda.  

Saturday, April 19, 2008

Nagkaligaw-ligaw, Naghahanapan sa Mall of Asia


(Ang cosplay ni Byuti bilang bloodied being)

Pagod at puyat ang inabot ni Tita Beth at Tito Dan sa linggong ito. Pagkatapos ihatid si Byuti sa UP College of Fine Arts para mainterview, the following day siya naman ang ihinatid at hinintay sa Mall of Asia. May photo session kasi dito ang mga nagko-cosplay at sumali dito si Byuti. Ano ba ang pakinabang, iyan ang tanong ni Tito Dan. This will be the last, ito naman ang binitiwang salita ni Tita Beth.


Sa Mcdo ng Marcos Highway ang unang pinuntahan nina Byuti upang kunin ang kanyang costume props na ipapahiram ni Healthy. Wala na si Healthy nang makarating sila doon, kaya kumain muna ng hamburger. Pagkaraan ng isang oras ay dumating na si Healthy dala ang kanyang mga props. Umalis kaagad sila pagkakuha ng props. Di man lang nagawang ipakilala ni Byuti si Healthy kay Tita Beth kaya pinagsabihan niya ito.


Pagkarating sa Mall of Asia at pagkaparada sa southwing, tumuloy na sina Tita Beth sa Mcdo rin ng Mall kung saan magkita-kita ang mga modelo ng cosplay. Sa buong akala nina Tito Dan at Tita Beth, may affair na nagaganap doon sa SMX. Wala pala. Sa labas lang pala ang mga magkakatropa na nagkuhaan ng mga larawan sa pamamagitan ng dalawang bagitong propesyonal na photographers.


Sigi habang naghihintay, kumain muna sina Tita Beth at Tito Dan sa Foodcourt. Dito sila naghintay at humigop ng sabaw ng pinapaitan at sinanglaw na baka. Dahil dala nila ang laptop ni Bayoyoy kaya inumpisahan na rin ng Tita ang pag-aaral sa kanyang trabaho. Nagsulat din ang Tito Dan ng kanyang mga kuwento para sa blog. Dahil alas sinko ang usapan na magkita-kita sila sa Mcdo, kaya naghintay na sila sa labas malapit sa fastfood.


Dito nagumpisa ang nakakabagot na paghihintay, ang pag-aalala, ang pagkayamot, at ang walang kuwentang pagtetext dahil sira ang serbisyo ng SMART. Ang resulta dahil hindi mahintay at tila nawawala si Byuti kaya nagpasya nang maglibut ang mag-asawa. Umabot na rin sa sukdolan na gusto nang umalis ang Tita Beth dahil sa pag-aakalang umuwi nang mag-isa si Byuti. Mabuti na lang at hindi pumayag ang Tito Dan na siyang nagpasya na babalikan muli nila si Byuti doon sa tagpuan nila.


Mabuti na lang at hindi nila iniwanan si Byuti dahil panganim na beses na ring naglibut na napakalaking mall ang cosplayer. Si Tito Dan ay pagod na pagod na rin at galit na. Nasabon tuloy si Byuti. Pagod na rin si Tita Beth pero malaking relief sa kanya na nagkita-kita na sila. Kung nakailang ulit na bumalik sina Tita at Tito sa paradahan na kanilang sasakyan, ganon din si Byuti na tila galit pa. Nang makapagpahinga ng bahagya, umalis na sila at si Tita na ang nagmaneho ng sasakyan.


Kina ate Lily ang tungo upang kumain gaya ng napagkasunduan. Pabalik na kasi si Marikit sa Singapore pagkatapos ng isang linggong pagtatrabaho sa Pilipinas. May lechon at piniritong tilapia. Pinainom naman ng paboritong Pamangkin ng beer ang Tito Dan. Dito bahagyang narelieved ng tension at pagod ang Tito. Umuwi sila ng bahay na tila inaantok na sa daan. Hilong-hilo naman ang Tito Dan sa dalawang bote ng beer na ininom.

Monday, April 14, 2008

BIRTHDAY NI BAYOYOY


(Sina Tita Beth sa Oki Oki Resto)

Sa unang pagkakataon kami ay nagawi sa Landmark Trinoma ng Quezon City. Napakalaki ang lugar at nakakapagod maglibot. Pero ito ang napiling lugar kung saan ay nagdiwang ng kanyang birthday si Bayoyoy. Ito ang kahilingan ni Byuti matapos siyang nag-alboroto at nagkulong sa banyo dahil sa pagkakasunog niya ng pinipritong chicken hotdog. Napahiya si Byuti kaya napagalitan, habang nagpiprito ay nagkocomputer pa siya kaya tuloy nasunogan ng niluluto.

Japanese food ang tipo ni Babayoyoy kaya ito ang una naming hinanap pagkarating namin doon. Wala iyong hinihanap naming Japanese resto kaya tumigil muna kami sa foodcourt kung saan malapit sa Yellow Cab Pizza. Dahil gutom na rin ang Tita Beth at gusto rin ni Py na kumain ng pizza (at takam na takam na siya) kaya napaorder tuloy kami ng pizza. Matagal-tagal din bago ito naluto at nakain namin. Dahil maliit lang ito kaya nabitin tuloy si Py. Pinagbigyan na lang namin sila ni Tita Beth na kumain ng mas malaking portion nito.

 

Pagkatapos naming kumain sa Yellow Cab Pizza ay tumuloy na kami sa Japanese resto (Oki Oki) at dito naman kami omorder ng mga paboritong Japanese food. Umorder ang Tita ng maki, tempura, yakisoba, at teriyake. Masarap ang mga inorder namin, masarap din ang rice at ang soup. May bigay pa silang libreng green tea kaya very healthy talaga ang pagkain. Nagkuhaan pa kami ng mga pictures na ang tanging background ay ang tarpolin na may larawang ng Hapon na kumakain.

Pagkatapos naming  kumain ay namasyal muna kami at namili sa Landmark Department Store. Nakabili ako ng water filter, sa Bayoyoy naman ay tsinelas, ang Tita Beth ay isang blouse at mga damit naman kina Gillian at Py. Halos magsara na ang Landmark nang matapos kaming mamili. Late na kasi kaming pumasok doon. Bahagya din kaming naligaw papuntang parking area. Marami kaming dinaanan na mga kainan at talaga namang nakakainganyong mamasyal at mamili sa Trinoma kahit magkaligaw-ligaw ka pa.

Wednesday, April 9, 2008

SUMALI SA COSTPLAY SI GILLIAN-by Remy


(Gillian posing with other Costplayers)

Mahaba-haba din ang tatlong araw na bakasyon ni Tita Beth. Pero noong Sabado, araw sana upang mamahinga ang dakilang Tita Beth ngunit napilitan pa ring lumabas upang ihatid sa SM Mega Mall ang kanyang magandang anak para sa sinalihang costplay. Mabuti na lang tumawag ang kanyang ate Lily para samahan siyang maglunch sa opisina nito para mabigyan bigat ang kanyang paglabas. Hindi lang pala si Gillian ang kasama palabas, pati si Py at ang barkada ni Gillian na si Mara at ang kapatid na bunso nito.

(Natatangi talaga sa ganda itong dalaga ni Tita Beth)

Nakarating nga ang Tita sa MEGA; tuloy kaagad sila ng kanyang mga kasama sa Megatrade Center. Nasa labas pa lang si Gillian ng dumugin ng kanyang mga fans para magpapicture. Handa na si beauty sa ganitong sitwasyun kaya pinagbigyan lahat ang mga gustong makipagpicture sa kanya. Nakikiramdam naman si Tita Beth sa mga tao na nasa paligid niya. Panay naman ang puri nila kay Gillian.

Ang tutoo ay natatangi si Gillian sa mga nakipagcostplay. Napakaganda ang kanyang costume na mga tatlong linggo ring pinaghandaan. Sabi nga ni Tita Beth napakaganda talaga ang kanyang beautiful child. Mas maganda pa sa personal kay sa mga kuhang larawan nito na naka costume siya. Dahil sa mga narinig niya at nasaksihan, natuwa ng husto ang Tita at tila bagang nawala bigla ang kanyang pagod. Pati si Py din ay natuwa sa napakaraming tao na gustong makipagpicture sa kanyang ate. Sabi nga ni Py ay sasali na rin ito sa susunod na may magko-costplay. Bakit nga hindi sadyang may personalidad din itong baby ni Tita, maputi, matalino, at charming. Hindi rin siya pahuhuli sa taas. Ika nga, she is oozing with self-confidence.

Saglit na iniwan ng Tita ang kanyang mga anak sa Mega at nagpunta ito sa DAP para samahan ang kanyan ate Lily. Masaya namang nag-lunch together ang mag-ate. Gabi na nang umuwi ang Tita kasama ang mga magagandang anak. May dala pa siyang pagkain mula sa Laguna. Halatang pagod din si Gillian na nakipagpost sa marami niyang tagahanga. Sabi nga ni Tita Beth, sana naman ay makuha siyang artista itong si Gillian dahil magastos itong kanyang hilig. Ito ang buhay ni Gillian at dito rin siya sisikat at magtatagumpay balang araw bilang isang alagad ng sining.   

Sunday, March 30, 2008

HIGH SCHOOL GRADUATE NA SI GILLIAN-by Tito Dan

 


Gillian and Tita Beth)

Yes, finally nagtapos na rin ng High School si Gillian. That was Saturday, March 29, 2008. It is the same day na tinawag din ang Tita Beth for a job interview in Canlubang. Gillian was a little bit worried when we left at 4:00 A.M. for the job interview. Luckily Tita Beth's interview lasted only for a few minutes so we were able to go home earlier. Gillian was already preparing herself, the commencement exercises would start at 2:00 P.M. Kaya 12:30 pa lang ay nasa commencement venue na kami.

Mabuti na lang napaaga ang punta namin at nakakuha kaagad ng parking area. Sa loob ng isang napakalaking teatro (theatre) doon ginanap ang programang pagtatapos ng mga magtatapos ng elementary at high school. Lahat ay nakatoga ng puti. Mga magtatapos ay binigyan ng ribbon gayon din ang mga magulan. Si Tita Beth ang sinabitan nila ng ribbon. Isa lang kasi sa mga magulang ng mga magtatapos ang mabibigyan lang ng ribbon.
Sa loob ng teatro, pansamantalang pinatuloy muna ang magulang at magtatapos sa may balcony. Sa isang hilira ng gawing kaliwa (kaharap ang telon) pinaupo ang mga magtatapos, sa ginang hilira at kananag hilira ng mga upuan naman pinaupo ang mga magulang. Magkakatabi kami nina Py at Rose sa hilara ng mga upuan na kinuha namin.

Binuklat naming kaagad ang program at binasa ang mga pangalan ng mga magtatapos. Sa listahan ng mga awards at awardees ay nakita namin na may limang extra curricular awards ang iginawad namin. Namangha rin kami ni Tita Beth sa damin ng awards na iginawad sa kanilang class valedictorian. Pinakyaw na niya lahat ang sabi namin ni Tita Beth.

Maya maya lang ay isa isa nang ipinakikilala ang mga magtatapos. Sa itaas ng entablado kami sinalubong ni Gillian sa pagpapakilala sa kanya. May dala siyang rosas na inalay sa mga magulang. Si Tita Beth ang tumanggap nito, kasama ang mga guest speaker at presidente ng paaralan ay kinunan kami ng larawa ng official photographer. Panay din ang pakikipagkamay sa amin ng kanilang prinsipal at guidance counselor. Bulong pa nga ni teacher Bryan, malaking kawalan daw si Gillian sa paaralan dahil sa pagiging aktibo nito sa lahat ng mga programa ng paaralan. Hanggang tainga naman ang ngiti ni Tita Beth sa nadaramang ligaya. Nagbunga rin ang mga paghihirap ng mga magulang.

Pagbalik namin sa upuan ay muli naming tinignan ang programa, at ganon na lang ang pagkabigla ni Tita Beth ng mapansin niya ang pangalan ni Gillian a siyang tumanggap ng isang prestigious award from the President of the Philippines--Gloria Macapagal Arroyo Presidential Award of Exellence on Culture and Arts. Lima lang ang nabigyan nito sa ibat-ibang categories. Tanging si gillian lang ang non-valedictorian graduate na nabigyan nito. Halos maluha ako, nagbunga na ang lahat ng mga sakripisyo at talento in Gillian. Painting, drawing, stage performance, multimedia, writing, modeling, dancing, etc. dito ibinuhos ang galing at talento ni Gillian. Ngayon lang nabigyan ito ng pansin. After all those years na pagsusumikap niya, ngayon lang siya nabigyan ng ganyang award.

Kaya nang tawagin na si Gillian upang tanggapin ang kanyang awards, tuwang tuwa si Tita Beth sa pagsasabit ng mga ribbons at medalya ni Gillian. Pati balikat nito ay sinabitan na rin ng mga ribbons. Sa akin naman inabot ng guest speaker ang bronze at gold medals ni Gillian upang isabit sa kanya. Pero inabot ko na rin ito kay Tita Beth para siya na ang magsabit. Sa isip ko, mula sa pagbubuntis at pagpapalaki kay Gillian siya na ang naghirap, karangalan para sa kanya ang magsabit ng mga parangal na iginawad sa aming anak. Halos maluha-luha rin ako sa tuwa. Si Tita Beth din uli ang nag-abot kay Gillian ng Presidential Citation para sa kanyang Award of Excellence on Culture and Arts. May isa pang ribbon ang hindi naisasabit, wala akong mapaglalagyan, sinabit ko na lang sa balikat ni Gillian. Kaliwat-kanan naman ang nakipagkamay sa amin sa mga karangalang tinamo ni Gillian.

Sa tutoo lang, vendication ito para kay Tita Beth. Nang magtapos si Gillian ng elementary, ni isang award ay wala siyang tinanggap. Kahit nagkamit siya ng ibat-ibang medalya sa larangan ng sports ay di ito napansin ng magtapos si Gillian sa elementary. Nasa probinsiya ako noon at kasalukuyang ginagawa ang isang research na pinapagawa sa amin ng World Bank. Ngayon kapwa kaming umakayat ng entablado ni Tita Beth upang samahan ang aming anak sa pagtanggap ng parangal na iginawad sa kanya.

Ang Blowout ni Gillian.


(Dinner at the House of Mimi)

Dahil natuwa ang kanyang ninang, si ate Lily, nagpropose ito ng isang salo-alo. Gabi ito ng Linggo (8:00 P.M.); kumain kami sa House of Mimi ng Ugong Pasig City bilang pagdiriwang sa pagtatapos at mga parangal na tinanggap ni Gillian. May mga regalong ibinigay pa sa kanya ng ate Lily. Kaagad namanb binuksan ito ni Gillian. Sa isang maliit na function room kami namalagi at kumain ng steak at ibat-ibang pagkain.

Kasama ng kanilang pinsang si Perry at ang kabiyak nitong si Gell, nagkuhanan ng mga pitures at mga magpipinsan kasama na rin ang ate Lily. Nagkaroon din kami ng grupo nina Py ang kanyag mama, at ate Gillian. Si Tita Beth nagpose pa sa isang singnage na may nakasulat na Betty. Mapalad din kami at nagkataon naman na may tumutugtog noon ng organ para mag-entertain sa mga guests.

Gabi na maghiwahiwalay kami. May pasok pa ng kinaumgahan ang Tita Beth kaya napagpasyahang maghiwahiwalay na pagkatapos ng isang masayang kainan.








Wednesday, March 26, 2008

Happy Birthday Gillian

(Mga kaklase at naging bisita ni Gillian sa kanyang birthday party)

Kahapon (March 25, 2008) ay birthday ni Gillian. Ito ang 16th birthday anniversary niya. Dahil magtatapos na rin siya ng High School kaya nagpasya siyang pagsamahin na lang ang kanyang birthday party at graduation blowout. Natupad nga kahapon kung saang sankatirbang mga kakalse ang dumalo. Maiingay sila at talagang enjoy sa pagkukuwentohan. Marami-rami rin ang ihinandamg pagkain at inumin ngunit sa dami ng kanyang mga bisita ay halos maubos lahat.
Earlier unang dumating ang kanyang mga teachers, dahil nagmamadali ang mga ito upang umattend sa kanilang meeting kaya nauna na silang kumain. Sinaluhan sila nina Tita Beth at Tito Dan. Si Tito Dan ay nagbukas naman ng grape wine para sa kanila. Saglit lang silang nasa bahay pero masaya ang naging kuwentohan nila. Tanging si teacher Irma lang ang nagpaiwan at hinintay ang mga iba pang kaklase ni Gillian na dumating.
Si teacher Irma din ay nagdiriwang din ng kanyang birthday sa araw na iyon kaya nakisaya na lang siya kina Gillian. May cake na ihinanda Gillian at sabay pa sila ni teacher Irma sa pag-ihip ng sinindihang kandila. Nakipagbiruan din si teacher Irma sa kanyang mga estudyante. Sabi niya naiiba talaga ang grupo nina Gillian. Speaking of Gillian nabanggit di ng mga teachers na may leadership quality si Gillian, hindi sa nagdadalawang isip kapag may ipinapagawa ng mga teachers sa kanya. Laking pasalamat din ni teacher Irma kina Tita Beth at Tito Dan na may nakilala siyang katulad nila na mapagbigay at matulungin. Likewise, ang tugon naman ni Tita Beth sa kanya.
Gabi na nang magsiuwian ang mga bisita ni Gillian. Kung hindi nga lang may pasok pa sila kinaumagahan, baka umagahin sila sa pagsasaya. May mga pumasok sa computer room upang maglaro, may nanood lang ng TV, at may mga nasa labas ng bahay na nagkukuwentohan lang kasama na doon si Gillian.
May huling bisita ring humabol sa birthday ni Gillian, si Makata Boy. Una nakipagchat siya kay Py sa pagaakalang si Gillian ang kausap. Tanong siya kung invited si pogi. Pilya naman itong si Py na kumunsolta pa sa ate Gillian niya ng isasagot; at ang tugon ay "next year na lang." Pero laking gulat ni Gillian na natutulog na noon nang dumating si Makata. May pagkaasar nga lang si Gillian na bumangon upang harapin ang huling bisita. Habang pinakakain ito, sinabihan siya ni Gillian na may pasok pa ito kinabukasan. Kaya maaga ring nagpaalam ang bisita. Si Tita Beth na nga lang ang humarap dahil tulog na si Tito Dan. Mabuti kay Tita Beth nagkulong at nakatulog siya sa airconditioned room ng bahay habang nagiingay at nagkakasiyahan sina Gillian. Pagod din si Rosie sa kagagalaw kasama si Tito Dan upang pagsilbihan ang mga bisita.
Kaya sa huli nakatulog din ang Tito.
Maaga kasing lumuwas sina Tita Beth at  Tito Dan kasama si Py patungong Canlubang. Tinawag kasi si Tita Beth ng SunPower corporation para sa isang job interview. Kung makakalusot dito si Tita Beth ipapadala siya sa America for training at maipopost for managerial job sa ano mang bansa sa daigdig. Kung sa Pilipinas naman mabibigyan siya ng car service with driver. Kaya gayun na lang kasigasig si Tita Beth. Sa Canlubang na rin sila nananghalian at sa paguwi nagpunta muna sila sa Ever Emporium ng Pasig para kumain ng pansit malabon. Iyon nga lamang at na-heat stroke si Py. Mabuti na lang at walang katao-tao sa isang fast food at dito nagpahinga si Py at uminom ng malamig na tubig. Umorder din ang Tito ng veggie pizza pie at ito ang pinagsaluhan nila. May cold drinks pang ipinaimon kay Py kaya madaling na-regain nito ang kanyang lakas. Panay din ang kain ni Tita Beth at Tito Dan ng watermelon at pineapple chunks na nabili nila sa labas ng Ever. 
Sa paghahanda ng birthday celebration ni Gillian laking tulong din ang kaibigan niyang si Melissa. Tahimik lang ito ngunit matulongin. Kaya pagod na pagod sila ni Gillian pagkatapos maglinis ng bahay at maghanda ng pagkain. Nakaraos din sa birthday niya si Gillian kahit papano, ngunit pakiusap ni Tito Dan, next huwag namang ganito kadami ang bisita at maliit ang bahay sa malaking grupo.

Sunday, March 23, 2008

Family Swimming noong Sabado Gloria

(Ang Cathedral ng Vigan City, kuha ni Gillian noon nag-field trip sila doon)

Kinaumagahan ng Sabado ay nagpunta ang pamilya sa Hacienda Luisita ng Antipolo City upang magswimming. Noong Huwebes Santo nagsurvey sina Tito Dan at Tita Beth sa mga resorts na kanilang mapupuntahan. Pagkatapos magusap-usap ang mga mag-aanak ay napagpasyahan ang Hacienda Luisita. May kalumaan na ang lugar ngunit maganda dahil sa mga halaman at maraming punong kahoy. May dalawang swimming pool kung saan ay napakalamig ang tubig. Nagpareserve na rin ng isang kubo na magagamit.

Talagang inihanda ni Tita Beth itong outing na ito para sa dispedida ni Chiquit. Pauwi na kasi sa Linggo ng gabi si Chiquit papunta ng kanyang pinapasukan sa Singapore. Isa siyang manunulat at editor ng isang magazine doon. Silang mag-aanak  ang pangunahing bisita. Kaya pusposan ang paghahanda ng mga baon sina Tita Beth para sa araw ng outing.

Sabado ng umaga ay umalis nanang bahay ang mga magaanak papuntang resort. Pero dumaan muna sila sa Shopwise upang bumili ng tubig at iba pang maiinom. Overloaded ang kotse kaya nababahala si Tito Dan baka hindi ito makaakyat kapag aalis na sa resort. May kalaliman kasi ang kinaruroonan nito. Ayos lang ang papunta roon, ang paahong pabalik lang ang problema. Kaya kinargahan ang kotse ng high octane fuel. 

Dahil medyo late na ng dumating sina Tita Beth, laking gulat na lang nang dumating sila sa resort dahil napakarami nang tao at ang inireserba nilang nipa hut ay nakuha ng iba. Mabuti na lang at bakante ang pavillion kaya dito pinatuloy sina Tita Beth at presyong nipa hut lang ang singil. Sa tutuosin dalawang libong piso ang bayad nito ngunit naibigay ang lugar sa murang bayad lamang. Sabi nga ni Tito Dan blessing in disguise dahil hindi lang mura at maganda ang ipinalit, ang inireserbang kubo ay pangit at malapit pa sa maingay na video-karaoke. May malalaking  kasilyas at banyo ang pavillion.

Naghanda kaagad si Rosie ng pagiihawan para sa dala naming marinated chiken at pork. Pananghalian na nang dumating sina ate Lily at Chiquit. Agad silang sinalubong nina Tita Beth par tulungan na magbaba ng kanilang mga gamit at baon. Laking panghinayang din ni Lolito at wala sina Perry at Gel. Wala siyang kainuman kaya si Tito Dan ang kanyang nakainuman. Serbesa negra naman ang  brand ng Tito Dan dahil wala itong alcohol.

Pinagsaluan ng mga magaanak ang inihaw na manok at baboy, relyenong bangus na dala pa nina ate Lily, at saka pansit. May relyenong bangus din na ginawa ni Rose pero hindi na ito nakain pa, inuwi na lang nina Chiquit. Sina Gillian at Py ay panay naman ang bidahan nila nina Chiquit. Ito na ang huling araw niya sa Pilipinas kaya nagbonding na ng husto ang mga magpipinsan.

Later nagswimming din sina Tito Dan, Tita Beth, Gillian at Py. Naasiwa si Lolito sa dami ng mga nagsiswimming sa pool kaya hindi na itong nagbalak pang maligo. Nakining na lang siya sa mga kumakanta sa video-karaoke habang umiinom ng beer. Dahil gininaw ng husto si Tita Beth at nakitang madumi ang pool kaya umahon na siya. Umahon na rin si Tito Dan at nagshower. Mayamaya nagpaalam na ang mga ate.

Nanatili ng mga ilang oras din ang  sina Tita Beth sa resort, nagkakuwentohan at kumain pa ng natitira nilang baon. Pagkatapos ay nagshower na sila ni Py at nagpalit ng damit. Sumunod na nagshower din si Gillian at nagpalit ng damit sa pavillion. Kausap naman noon ni Lolito si Dyi, akala namin darating pa siya ngunit nagpasya na lang itong pupunta ng bahay. Nang mailagay na lahat ng mga gamit sa kotse, sinubukan ni Lolito na iyakyat nito at kaya naman; kaya hindi na naglakad sina Tito Dan paahon sa resort papuntang labasan sa highway. Bagamat punong-puno sila sa loob hindi nangyari ang kanilang kinatatakutan.

Pauwi ng bahay, dumaan muli sina Tita Beth sa Shopwise at namili ng groceries paghahanda naman sa birthday ni Gillian. Nakadalawang libo din. Kaya broke na broke ang Tita sa bakasyon na ito. Sa Shopwise na sila inabutan ni Dyi sakay ng kanyang mini-truck. Kaya ng umalis sila sa Shopwise ay sumama na sa truck ni Dyi si Lolito para magkasya at komportable naman sina Tita Beth sa pagsakay ng kotseng pabalik.

Ang Easter Sunday ni Tita Beth

Dahil sa kapaguran nakatulog ng husto si Tita Beth. Tanghali na nang siya ay magising. Nanlalata pa rin. Binati na lang niya si Chiquit ng happy trip dahil hindi nito mapapaunlakan pa ang pamangkin na makipagkita pa sa kanya sa Union Church. Kasa si Tito Dan at mga bata, nanood na lang sila ng sine sa video. Magaganda naman ang mga pelikulang pinanood, may religious significance at social relevance. Ngayon araw ng Lunes papasok na ng trabaho si Tita Beth.  

Sunday, March 16, 2008

Family Merienda with Chiquit

Kagagaling lang ni Chiquit sa Singapore kaya gusto niyang makita sina Gillian at Py. Sabado ng hapon ang usapan pagkatapos manood ng concert sa GCF Ortigas. Maganda iyong concert, ang tema ay ang pagkapako sa krus ng Panginoong Hesus. Masaya ako at inawit doon ang mga paborito kung hymns.

Nang matapos ang concert, agad kaming tumayo sa upuan at nakabuntot na rin sa mga paalis. Dito nakita namin sina Chiquit at ate Lily kasama ang isang lady missionary. Dahil malapit sa Podiom ang aming pinagparadahan, nilakad na nga lang namin papunta sa isang kainan (Lasa).
Dahil maaga pa para kumain ng hapunan, pansit canton at mga kakanin lang ang inorder. Nagtagal kami ng kaunti. At habang niluluto ang inorder namin, nagkuwentohan.

Dumating ang inorder at kaagad na kinain. Masarap sa una ngunit naging maalat sa huli ang kinain naming canton. Nakikain din si Tita Beth ng laman ng buko na inorder ni ate Lily. Paksa sa kuwentohan ang tungkol sa mga trabaho, tahanan, at (dahil may missionary kaming kasama) napag-usapan din ang tungkol sa balak nilang pagtatatag ng mga pulong para sa Bible study.

Pagkatapos namin sa kainan na iyon, nagkahiwahiwalang kami pansamantal nina Chiquit at tumuloy kami sa Mega Mall. Dito bumili sina Gillian ng tela at iba pang kagamitan para sa kanyang high school graduation. Mahaba-haba rin ang lakaran kaya nakapagkape rin sa isang "donatan." Iyan lang at umalis na kami ng SM.

Haban papauwi na kami, dumaan muna kami kina ate Liliy upang kunin ang mga pasalubong ni Chiquit. Dahil handa na ang kainan, pinakain tuloy kami. Adobo ang ulam. Gusto kasi ngayon ni Chiquit ang kumain ng kumain ng Filipino food. Pagkatapos ng kainan may mga katatawanang eksena sa You Tube na aming pinanood. Malakas ng tawa namin noong napanood ang pagkanta ng isang Bulgarian ng "Kenly" (it should be I can't leave without you). Inaantok na ang ate Lily kaya nagpaalam na kami ng mga bata.

Wednesday, March 12, 2008

KUWENTONG BUHAY-- by Remy Berdagol

Tumawag si telepono si Makata upang yayain si Simpatika na maging ka-date niya sa kanilang JS Prom. Hindi kaagad makapagsabi ng "oo" si Simpatika dahil sa itatanong pa niya sa kanyang Nanay kung papayagan siya. Kung sakali ito pa lang ang kauna-unahang pakikipagdate ni Simpatika na wala siyang alalay. Nadinig ng Tatay ang pag-uusap kaya nabuo kaagad sa isipan nito na hindi siya papayag.

Noon pa man ay nagpasya nang babantayan ng husto ang kanyang dalaga sa mga magkakainterest ditong ligawan siya. Biro nga niya, "hahabulin ko sila ng taga." Nasa makalumang kaugalian pa rin ang tatay ni Simpatika kung tungkol sa ugnayang lalaki at babae ang pag-uusapan. Lalo nga at wala pa rin sa hustong edad itong si Simpatika, normal lang na maging mahigpit at mapagmanman ito sa mga kaibigang sinasamahan ng mga anak.

Sa nanay naman ni Simpatika, mas magaan ito sa pagbibigay laya sa mga anak kung tungkol sa lakaran ang pag-uusapan. Iyon nga lang pareho silang mag-asawa sa kanilang mga alituntunin, wala munang ligawan hanggat hindi nakakatapos sa pag-aaral. Kaya naman sa paghingi ng kapahintulotan para maglakwatsa, kay nanany humihingi ng kapahintulotan si Simpatika. Kaya sa kanya siya humingi ng pahintulot, na siya namang tinutulan ng kanyang tatay.

Ika nga, sarado ang pintuan para payagang sumama si Simpatika kay Makata bilang partner niya sa kanilang JS Prom. Para sa tatay ni Simpatika, wala sa kapakanan ng kanyang anak na payagang itong makasama ni Makata. Ngunit ang ganyan pagpapasya ay hindi pabor sa pagkakaibigan ng mga magulang nina Makata at Simpatika. Sa isang banda nababahala ding pumayag ang mga "erpats at ermats" ni Simpatika dahil sa may napansin ang mga ito na kapilyohan ng binatilyo sa huling nakasama ito ng dalaginding. Baka ano pa ang mangyari diyan di ba? Problema. Kaya humingi kaagad ng payo ang nanay ni Simpatika sa kanyang ninang. Bilang pangalawang magulang batid ng nanay ni Simpatika na wala itong ipapayong masama dahil tanging kapakanan lang nito ang inaalala. Ang payo, "why don't you give him a chance?"
"No way," iyan naman ang tugon ng tatay.

Dahil sa malabong payagan si Simpatika nagpadala ito ng text messages sa nanay ni Simpatika nakikiusap na payagan nang pasamahin ang dalagita sa JS Prom. Matigas pa rin ang pasya ng "erpats" ni simpatika. Nagtampo tuloy ang nanay ni Makata. Nagdagsahan na ng palitan ng mga mensahe sa cellphone. Nagtataglay ang mga ito ng mga pakikiusap na sana ay baguhin naman ng tatay ni Simpatika ang kanyang pasya. Nalulungkot daw si Makata dahil siya na lang ang walag partner. Sabi naman ng "erpats" nito, "bakit pa si Simpatika ang napagdediskitahan e my girlfriend naman iyang si Makat." Natanong nga ito sa kanyang nanay at sinabi namang wala na sila. Naghiwalay na dahil sa kagustohan ng mga magulang na pag-aaral muna ang aatupagin nila.

Noong unang nagpadala ng mensahe ang nanay ni Makata sa nanay ni Simpatika, sinabi lang kung papano siya susundoin sa bahay nito at ihahatid pabalik. Tila hindi 'ata tinanong kung pumapayag ang mga magulang o hindi. Walang pag-uusap sa pagpayag. Naisip na lang na nang tumawag ang kanyang anak kay Simpatika, ayos na ang buto-buto at pinayagan na. Kung may pagpapaalam sana mula sa mga magulang noong una, napagbigyan din naman siguro kaagad. Hindi lang ito kaso ng paniniguro (na walang masamang mang-yayari kay Simpatika), ngunit kaso din ng pagbibigay ng kaunting importansiya sa mga magulang.

Lalong umigting pa ang palitan ng mensahe at paliwanagan. Tuwiran na ring sinabi ng nanay ni Makata na walang dapat ipag-alala sa kanyang "the one and only son" dahil sa nagbago na ito, kaiba na siya sa dati niyang pag-uugali, maginoo at puwedi na siyang pagkatiwalaan. Ang dahilan, isa na siyang tunay na Kristiano. Naantig naman ang kalooban ng nanay ni Simpatika kaya gusto na rin nito ang bumigay. Ang tatay naman niya ay hindi pa rin lubos na kumbinsido.
Pagbibigyan lang daw si Simpatikang makasama kung may alalay na nakakatanda nito. Sino, nga ba ang makakasama niya bilang tagabantay; ang nanay, si bunso, si tita?

Pumayag na rin sa huli ang nanay, ang tatay naman ay ayaw nang makikalam pa. Hugas kamay kaagad, wala daw siyang kinalaman sa pagpapasya at bahala na sila... Salitang ayaw ngunit wala nang magawa pa dahil buo na ang pasya ng nanay nito. Masama man ang loob ng tatay, hindi na siya tumutol pa. Ni hindi rin siya nagbibigay ng kapahintulotan.

Bago dumating ang araw ng Sabado kung saan magagananp ang pagtitipun, umupa na ng gown na itim itong si Simpatika na siya nitong isusuot. Puro pasaring naman ang tatay nito na huwag nang labahan ang gown, isuot na lang "as is." Halatang masama pa rin ang loob. Hapon ng Sabado tumawag ang nanay ni Makata upang tiyakin kung makakasama nga si Simpatika. Si Makata naman ay hiningi ang direksiyon papunta sa bahay nina Simpatika.

Ala kuwatro na nang mag-umpisang magpaganda at magbihis si Simpatika. Halatang may pagkainis pa rin ang tatay nito. Hindi na lang pinansin. Nilambing naman siya ng nanay. Alas sinko ng hapon dumating na si Makata. Halatang kinakabahan. Nagmano pa sa nanay ni Simpatika. Tinawag naman ng nanay nito ang kanyang "erpat" na noon ay nagku-computer. For formality sake lang daw, tumayo naman kaagad ang tatay. Binati siya ng medyo nate-tension na binatillyo. Mukha namang kagalang-galang na si Makata kaya biglang bait naman si tatay. Nakipagkamayan pa nga siya. Medyo nawala ang tension.

"Anong oras matatapos ang inyong programa." tanong ng tatay.
"Alas dose po,"ang mabilis na sagot ng binatilyo.
"Balik kaagad."
"Opo."
"Be a good gentleman ha,"
"Opo."
Iyon lang at hinatid na sila ng mga magulang sa isang nag-aabang na kotseng lancer.

"All the rest is a history," ika nga sa ingles. Mag-a-la una na ng umaga ng ihatid si Simpatika sa bahay nila.
"Wala bang nangyaring masama." tanong ng nanay.
"Wala."
"Nag-enjoy ba kayo sa party," tanong ng tatay.
"Hindi."

Boring daw ang party. Mabuti na lang at hindi nagpunta doon ang "ermat at erpat" ni Simpatika dahil ayaw nga ni bunso ang sumama.
"Ikaw ba ang pinakamaganda doon?"
"Hindi, marami..."
"Ikaw may type ka ba sa mga pogi doon?"
"Wala..."
Iyong lang at natuwa na ang tatay, abot hanggang tainga naman ang ngiti ng nanay.

Tuesday, March 4, 2008

Busy ang Weekend ni Tita Beth


(Tita Beth and Gillian in one of the Bible study meetings) 

Kasalang Larry and Toney

Bilang ninang naghanda ng husto si Tita Beth sa kasal nina Toni at Larry. Si Tita Beth kasi ang naatasan na mag-interview kay Larry nang ito ay nanliligaw pa lang kay Toni. Kasali din siya sa pangingilatis kay Larry noong birthday ni Toni. Kasama ni Tita Beth si Toni sa kanilang Bible study group, na kung si Larry ay makailang ulit din na umattend. Mga ilang buwan lang ang ligawan, pursigido itong si Larry, kahit sa church nina Toni ay sinusundan niya ito. Dahil masigasig si Larry, sinagot nga siya ni Toni. Mabilisan din ang pagdedesisyon ng dalawa upang magpakasal. At ngayon at natupad na nga at naging Ninang sa dalawa.

Sabado nang hapon nang magtungo kami sa Jade Valley kung saan idinaos ang kasalan at ang reception. Isinama ako ni Tita Beth sa kasalan bilang isang panauhin. Ibinili pa nga ako ng ating bida ng kurbatang mamahalin para magamit. Hindi tuloy ako makapalag at gumastos na nga. Dahil parang donyang tignan ang Tita, ako rin ay nagpabongga na. Isusuot ko sana ang aking amerikana na dala ko pa mula sa Amerika pero akoy pinigilan. Kung donya siya tignan dahil sa dami ng kanyang mga "mamahaling" alahas o  borloloy, gusto ko ring  magmukhang Don as in Don Tiburcio. Pero wala ito sa script kaya simple lang ang aking kasuotan, mukhang guwapong bagets na kakanta sa isang TV program.

Alas kuwatro ang umpisa ng kasalan  kaya ganoon na lang ang pagkabahala ng Tita nang matrapik kami sa Ortigas. Eksaktong alas kuwatro na ng hapon nang makarating kami sa Jade Valley. Mabilis naming ipinarada ang sasakyan sa basement at sakay kaagad sa elevator paakyat sa pagdarusan ng kasalan. Dahil hindi namin alam kung saang kuwarto gaganapin ang kasalan, nagtanong muna kami sa information. Nang makarating kami sa pagdarausan ng kasal, kakaunti pa lang ang mga tao at inaayos pa ang hall. Naupo kami ng Tita at nakipag-usap sa mga kakilala niya at kaopisinang panauhin din.

Mahigit na dalawang oras ang aming ipinaghintay bago nag-umpisa ang seremonya. Late na dumating ang mga ikakasal. Nag-picturan pa raw sila pagkatapos ayusan ang bride. Makasaysayan ang seremonyang pinangunahan na babaeng pastor na siyang nagkasal sa kanila. Madrama at makabagbag damdamin din ang palitan ng mga salita ng pag-ibig dalawang pusong nagmamahalan. May iyakan at awitan, pagpupugay sa mga magulang, at ang pagbabasbas sa kanila ng pastora sa kanilang pag-iisang dibdib. Ang panalangin at sermon ng pastora ay hindi lang para sa ikinakasal, para din sa mga ninong at ninang at ang lahat ng mga panauhin. At pagkahaba-haba man ng seremonya sa matrimonya, sa kainan din ang tuloy.  Pagkatapos ng kainan at kodakan, nagpa-alam na rin kami ng Tita wishing them the best in their marriage.

Linggo Kina Tita

Pagkatapos ng aming fellowship sa Greenhills Christian Church, nagtungo kami kina Tita, ang kaibigan ni Tita Beth na Balikbayan. Dala namin ang mga bata at kasama rin ang aming kumareng si Linda. Magbabarkada sina Tita, Linda, at Tita Beth noon mga dalaga pa sila at nagtatrabaho sa National Housing Authority. Si Tita ay nakapag-asawa ng amerikano, si Perry at namalagi na sila sa Las Vegas. Ilang taon na rin ang lumipas noong huling nagkita-kita sila sa San Pedro Laguna. Ito rin ang una naming pagkikita nina Tita at Perry.

Masaya ang pagtatagpo muli ng mga magkakaibigan. Makuwento rin si Perry at marami kaming napag-usapan. Nagtaka ng si Tita Beth at una pa lang naming pagkikita ni Perry ay okey na kami, parang matagal nang magkakilala kun tutuosin. Napagusapan namin ni Perry ang tungkol sa pabago-bagon klima ng panahon, hindi lang sa Pilipinas, sa buong daigdig. Naikuwento rin ni Perry ang balak nilang mag-asawa ma magpatayo ng paupahang bahay sa Albay kung saan naroroon ang mga ari-arian ni Tita at ang kanyang pamilya. 

Walang supling sina Perry at Tita. Tanging sila lamang ang magkasama sa malapalasyong bahay nila sa Las Vegas. May swimming pool pa ito at napapalibutan ng mga hardin at fountain ang kanilang mansion. Nanghihinayang nga ako at hindi ko sila tinawagan nang kami at nagtungo sa Las Vegas ng nasa States ako. Nakilala ko rin ang mga kaanak ni Tita, ang kuya, asawa, anak, at manugang nito. 

Retirado na rin sina Tita at Perry kaya malayang nakapaglalakbay. Sa linggong ito, ang mag-asawa at papuntang Bangkok upang magbakasyon din. Babalik sila sa Amerika sa katapusan ng buwan na ito o mas maaga pa. May balak pa rin ang mga magkakaibagan na magkita-kita pa sila bago tumulak pauwi na ng Amerika ang mag-asawa. Tuwang-tuwa nga sila at nakita nila kung gaano na kalalaki ang mga bata. Tuwang-tuwa naman Si Tita sa kanyang inaanak na si Gillian na may angking ganda at talino. Itinanghal si Gillian bilang first runner-up ng katatapos lamang na Search for Miss SJWMS 2008.

Bago kami umuwi, nabanggit din ni Perry na sa susunod na bakasyon nila papasyal din sila sa amin dito sa Antipolo. Sabi ko naman, aasahan ko iyan. Masayang kausap si Perry, at sa palagay lalong mage-enjoy kami  sa susunod na aming pagkikita kung saan mas marami at mas mahaba pa ang aming pagkwekwentohan. Magaling magluto si Perry, pinakain  kami ng kanyang natutuhang recipe ng ham and cheese turn-over na  itinuro ni Yette, sis-in-law ni Tita. Ako din patitikman ko siya sa aking lulutuin na kaldereta at pinapaitan na kambing sa susunod.   

Wednesday, February 27, 2008

Ang JS Prom nina Gillian

(Gillian having fun with her friends)

Itong si beautiful girl (Gillian) ay nahirang na emcee ng kanilang JS Prom. Panay ang kanyang practice sa mga gagawin suot ang kanyang gown bilang paghahanda. Noong Wednesday binigyan siya ni Tita Beth ng pera para sa pagpapaayos niya at pagpapaganda. Half day lang sila kahapon in preparation for the event. Pero bago iyan, napagkasunduan pala nilang magbabarkada na matulog sa bahay pagkatapos ng JS Prom. Umokey naman kami ng kanyang mama. Kaya after lunch nagdatingan na sa bahay ang mga baggages ng magbabarkada.

Pagdating ng alas kuwatro ng hapon kahapon ay tumuloy na sila ng kanyang Tita Rosie upang magpaayos sa isang parlor sa bayan. Pagkatapos ng pagpapaayos tumuloy na si Beauty sa pagdarausan ng kanilang affair. Umuwi na rin itong si Rosie. Nang magising si Bayoyoy (Boyet) nagtaka siya sa maraming baggages na nakita niyang nakapatong lang sa sofa. Dito kasi natutulog si B dahil ayaw niya sa kanyang kuwarto kung saan ay may naiwang dumi ang mga alaga naming "persian cats." Tanong nga niya kung saan siya matutulog. Nang sabihin namin sa kuwarto niya, parang ayaw niya. Pero wala rin siyang magawa kung hindi umayon.

Later pumunta kami ni B sa Shopwise upang mamili ng mga pagkain at green tea. Nahihilig kasi ngayon si B. sa pag-inom ng green tea. Kagagaling lang niyang magpa-dental dahil parte ito ng kanyang health examination sa pagpasok ng trabaho. Nakuha kasi siya ng Philippine National Bank bilang isang IT specialist with the rank of assistant manager. Sa PNB main office siya nakaassign. Dito sa Shopwise ay nakita ko si Marissa, nanay ni Mara na barkada rin ni Gillian. Nagbiroan pa nga kami kung sino ang susundo sa mga bata. Siya nga ang naturang susundo dahil mas malaki ang kayang sasakyan ke sa amin.

Maga-ala una ng ng umaga nang dumating sina Gillian from the JS Prom with her friends. Maiingay sila. Nanood pa ng TV dahil hindi pa sila inaantok. Nagtimpla naman si Gillian ng kape para hindi siya kaagad antokin. Masakit ang kanyang mga dahil hindi sanay gumamit ng sapatos na may mataas na takong. Sa tangkad nga na lang niya, lalo pa siyang tataas kapag naka-high heels na ito. Kuwento pa nga niyang dalawang beses siyang natapilok habang sumasayaw. Inabot na rin kami ng antok kaya natulog na kami ni Tita Beth.

Kinaumagahan isang parent ang sumundo sa isa sa mga bisita namin. Pagkatapos maghanda ng agahan si Rosie, pinakain na namin ang mga natitira pang bisita. Tumuloy na rin sa trabaho si Tita Beth at Boyet. Si Py naman ay hindi sumabay sa kanilang service vehicle,  sumakay na lang sa tricycle. Si Tita Beth nga ay hindi rin nakasabay kina Mareng Es dahil late na siyang nagising. 

Pagkatapos kumain ng breakfast ang mga magbabarkada, nanood na sila ng  sari-saring movies habang nagpapahinga sa kanilang pagkapuyat kagabi. As of this writing nasa bahay pa sila at nanunood ng video movies. Tapos na silang kumain ng lunch. Enjoy si Beautiful at ang kanyang mga kabarkada. Nagbibiroan at tila natatawa sa mga kaganapan kagabi sa kanilang JS Prom.  

Monday, February 25, 2008

Ang 3-day Vacation ni Tita Beth-ni Remy B.


(Tita having a nap at Imelda Park, BaguioCity)

I hope fully charged at rejuvenated ngayon si Tita Beth. Nasa bahay lang ang Tita kasama ang kayang mga mahal sa buhay. Last Saturday afternoon lumabas ang mag-asawa upang maggrocery. But earlier nagpag-pedicure ang Tita sa Lores Market, at nagpa-carwashing naman ang Tito. Sa Shopwise Antipolo naggrocery ang Tito at Tita. Dito ay namili sila ng groceries for a week-long supply. Nang mapagod, nagmeryenda sila ng pizza sa foodcourt. Later, habang palabas na sila papuntang cashier, nadaanan nila ang promo booth ng isang  brand of wine at napatikim sila. Medyo nasarapan si Tito Dan at nainom pa ng dalawang shots. Si Tita naman ay kalahati ng shot din ang naimon. Hindi na niya naubos dahil medyo nahilo na siya. Kahit si Tito Dan ay tinamaan din. Habang binabayaran ni Tita Beth ang mga groceries na nakuhal mula sa mga display shelves, halatang antok na antok na ito. Hilo at antok din ang Tito nang mag-drive siya pauwi. At nang nasa bahay na, natulog nang tuluyan ang Tita.

Sunday, nasa bahay lang ang Tita. Nakatulog ng husto. Masarap din ang kain sa pinamiling marinated chicken. At sa tutoo lang, enjoy ang ating Tita kakain ng ibat-ibang uri ng pagkain. Habang nasa bahay, nanood pa sila ni Tita ng ibat-ibang videos sa movies. May pa-ice-cream ice cream pa ang Tita. Kaya ang Tito ay panay ang awat sa kanya.

Monday, People Power celebration, nasa bahay lang ang Tita. Buong araw nakatulog, kumain ng paborito niyang pagkain, at nanood ng movies at programa sa TV. To sum it all, our dear Tita deserved all the needed rest para naman ma-rejuvinate siya. Today, balik work na naman si Tita. Ginising siya ni Princess at 5:00 a.m. habang kasarapan pa ng kanyang tulog. Nasimangot tuloy ang Tita nang siya ay bumangon, kulang ang tulong. Despite the odds, nakakain din ng breakfat, nakapaligo, at nakapagbihis din ng matiwasay. Past six na nang dumating ang service niya. As usual hinatid siya ni Tito sa highway kung saan siya nagantay ng kayang service. Have a good day Tita.

Tuesday, February 19, 2008

Naluha si Tita Beth


(Family picture with Gillian winning a beauty contest as the first runner-up)

Last Sunday nakabonding namin sa Py at naglambing kami sa kanya  telling her ang bait, cute, at mapagmahal naman itong bonso namin. Sabi nga ni Tita Beth sa kanya, "kapag tumanda na kami,  kami ba ay iyong aalagaan?" Siyempre naman,  ang kanyang sagot. Nahalikan tuloy namin siya ni Tita Beth. Sa isang iglap naiba naman ang usapan, kinumosta namin kung okey lang ba sila ng kanyang ate kapag nasa school. Dito medyo naglabas na kaunting hinanakit si 
Py. Kaya daw kung minsan ay ayaw niyang sumama sa lakad ng kanyang ate dahil nakakaligtaan daw siyang pansinin. Naluha pa nga si Py nang nagkukuwento siya. Tinatamad na raw siyang tagabitbit ng mga gamit ng kanyang ate sa pag-uwi kapag hindi siya nakakasabay sa kanilang service. Madalas kasi itong si Gillian sa mga co-curricular activities with her friends. Feeling lang namin mabuti na rin at nakapaglabas  ng kanyang niloloob itong si Py para matulongan siya.  At habang naluluha sa kanyang pagkukuwento, naluha din si Tita Beth. 

Alam ko ang pagluha na iyan ni Tita Beth, luha ng pagmamahal sa kaniyang mga anak. Kung maari sana ay ayaw niyang  nagkakasamaan ng loob ng dalawa; manatili silang magkaramay sa buhay, sa hirap man o ginhawa.  Ngunit bilang patas na ina, ang kanyang pagmamahal sa mga anak ay pantay-pantay lamang. Isa siyang  mapagpakasakit at maunawain na ina. Kung kaya nga lang niya, ibibigay niya lahat nang kanilang kahilingan  maging masaya lang ang mga ito. No wonder why madalas niyang napagbibigyan si Gillian at si Py. 

Likas kay Tita Beth ang pagiging mapagbigay sa kanyang mga minamahal upang sila'y lumigaya. Madalas ngang walang natitira sa kanya para sa sarili. Wala kang masasabi sa lawak ng kanyang pang-unawa at pagpapakasakit. Isa siyang dakilang ina at nagmamahal. Kagaya rin ni Py na may mababaw ang kaligayahan, (makapiling lang niya sa pagtulog ang kanyang mama ay masaya na siya),  ganito rin si Tita Beth. Kung maligaya ang kanyang mga minamahal, maligaya na rin siya. 

Kakaiba itong si Tita Beth. Bilang isang mananampalataya at nagmamahal kay Kristo, nagnanais din siyang mabuhay nang na-aayon sa pag-ibig at kabanalan ng Diyos. As a prayerful person, maraming buhay na rin ang  kanyang natulungan na lumagay sa tama dahil sa magandang halimbawa ng kanyag pamumuhay. Kung naluha man si Tita Beth, kagaya din ng ating Poong Hesu-Kristo, naluha siya dahil sa tindi ng kanyang pagmamahal sa iba...

Monday, February 11, 2008

HAPPY VALENTINES TITA BETH




(Tita Beth and the kids at SM Baguio City)

4th Annual ATS Theological Forum

Last Thursday, February 7, 2008, kami ni Tita Beth ay nanood ng concert ni Gary Granada sa Union Church of Manila ng Makati as part of the 4th Annual ATS Theological Forum kung saan si Tito Dan ay isang participant. Mga tagahanga ni Gary Granada (isang social advocate folk-singer) si Tito Dan at Tita Beth. Actually galing pa noon sa trabaho si Tita Beth at hinihintay siya ni Tito Dan sa UCM Sanctuary bago mag-umpisa ang concert. Nakatatlong kanta na ang batikang mangngawit nang dumating si Tita Beth. Gayon na lang ang tuwa ni Tito Dan. Tito Dan joined Tita Beth sa pinakadulong-likod na hanay ng mga benches. Naku, I witness kung gaano ka-sweet ang mag-asawa na magka-holding hands pa habang nanunood. Kinilig tuloy ako.

During the Bible study last Saturday evening with Dante and Nietz (mga medical doctors), masayang naikuwento ni Tito Dan ang mga kaganapan sa ATS Theological Forum. Itong si Tito Dan ay napagkamalang Bishop ng isang theologian. Ang tutoo ay retired professor naman ang Tito with a doctoral degree in educational managment. Siguro pormang bishop nga ang Tito the way he talks and shares theological views. Naibalita rin ng Tito ang mga napag-usapan doon at ang kanyang naging partisipasyon.



Masaya din ang naging pag-aaral namin ng salita ng Diyos (Bible study). The topic was about God's Will. Dito ginamit ni Tito Dan ang Maslow's theory on the hierachy of needs as the backdrop in understanding human compliance with God's Will. Sa paliwanag ni Tito Dan, may mga pagkakataon na nananaig ang tindi ng ating mga personal na pangangailangan (survival needs) kaya hindi ganap ang ating pagpapasa-ilalim sa kalooban ng Diyos. Bagamat adhikain ng bawat Kristiyano ang magpasa-ilalim ng kapangyarihan, kabanalan, at kalooban ng Diyos, ito pala ay isang struggle kung saan tayo ay dapat humiling ng kapangyarihan mismo ng Diyos sa pamamagitan ng Holy Spirit upang ito ay maisagawa at magampanan ng buong puso ng walang pag-iimbot at ng buong katapatan.

Mga Mensahe at Pagbati sa Valentine's Day

Tito Dan: HAPPY VALENTINES MY DEAREST TITA BETH. I LOVE YOU.
Remy: Maligayang kaarawan ng mga puso, Tito and Tita.
Elmer: Happy Valentines to All
King M: HAPPY VALENTINES DAY TO TITA AND TITO, AND YOUR CHILDREN
Pastor M: HAPPY VALENTINES TO ALL THE MEMBERS OF WOODROW BIBLE FELLOWSHIP

Monday, February 4, 2008

Miss SJWMS (The Celebration)


(No doubt she is pretty and beautiful)


(The happy family, going out for a dinner to celebrate)


(Miss Pinay blonde with her happy mom and a sister hiding at the back)


(Friends and Gillian having fun after the pageant)


(Gillian with Mom and sister Py and friends)

(Gillian being hugged by her teacher)

(Gillian hugged and crowded by friends and supporters)


(Gillian's friends and supporters making the sign of peace to losing candidates)

(Gillian's supporters cheering candidates)


(Gillian looking at her loyal supporters)


(Gillian congratulating the lucky contestant)

The beauty is smiling, she's on high spirit... dad and mom can now smile. Gillian is a winner. It is worth it; all the expenses, sweat, labor, and tears. Gillian is a winner! She looks so extra-ordinary, a beauty to conquer far and above all expectations. She has gone a long long way to win this award. The artist in her, her creative inclinations, the courage and an eye of an eagle all work together in her favor. She's the only kind of beauty that the blue skies dream to paint on the face of the sun. Crown or no crown, you are still the number one. God let it happen that way so you can aim higher, fly higher, and eventually emerge on the top. Like an eagle, courageous and strong, don't stop flying Gillian... there are more opportunities waiting up there. Yes beautiful girl, there is a reason to smile... There is a reason to celebrate.