Tita Beth doing her report at the office
Kanina habang naghihintay kami sa pagdating ni Mareng Es (nakikisabay siya kina Mareng Es papasok sa trabaho) nakapagkuwentohan kami tungkol sa kalagayan na ng IT Company. Nabanggit ko kasi na isa ito sa mga naging inspirasyon ko sa pagsulat na article na "No Money, No Honey." Gaya ng dati nasa kritikal pa rin na kalagayan ang IT Company dahil sa pagkalugi sa malakihan nitong project with the government. Tapos na ang system, hardware na lang ang kailangang kumpletohin ng kumpanya. May lungkot ang himig ng kanyang pagkukuwento, mukhang ginantihan ng isang hardware distributor ang kumpanya dahil hindi dito kumuha ng supplies ang IT firm. Sa ibang kumpanya ito nakakuha ng mas mababang halaga. Ang kaso may kulang pang component ang bawat unit (na sana provided na kung sa nabanggit na suppliers kumuha) na kailangan namang i-provide para maibigay na ang kakulangang bayad pa sa IT firm. Pumirma na ang dalawa sa mga kailangan na signatures pero hind pumirma ang COA auditor. Which means, wala silang makukuhang pera na pampasuweldo sa mga empleyado sa buwan na ito. The next settlement will be on December na, a delay of more than one month. Naiyak na lang ang ate Lily, the president, na siyang naglalakad upang mabayaran ang IT Company. Talagang nakaka-depress ang mga pagsubok. Habang lumalago at tumitibay ang pananampalataya ng isang anak ng Diyos, ang mga pagsubok naman na dumarating ay kasing bigat din ng kakayahan nito na harapin ang mga pagsubok na iyan. Subalit kung ang ating pananampalataya naman natin ay hawak na Diyos at tayo'y nanalig sa kanya, ang kakayahang tumayo at magwagi sa mga mabibigat na pagsubok ay may patutungohan. To God be the Glory.
A few years back nang ako ay nagtungo sa Amerika upang magbakasyon, I was detained for almost five hours at the immigration along with other tourists. Sa mga panahon na iyon, wala akong katiyakan kung ako'y makakarating sa aking patutungohan, o kung hindi kaya'y ako ay pababalikin sa Pilipinas. Wala akong maisip pang paraan kung hindi manalangin. I said all my prayers and petition to the Lord pero nararamdaman ko ay kulang pa. Ultimately naisip ko ang Lord's Prayer and I recited it with all of my heart.
Pagkatapos busisihin ng mga immigration officials ang aking mga documents, ako'y binigyang laya ding makapasok sa Amerika. Bagamat sa labi ng iba ko narining, I know the Lord had spoken to me. "You are on your way." Similarly at the cross when He died for the atonement of our sins, you are on your way to eternal life. Sa taimtim na panalangin ay batid kong tinutugon ng Diyos ang ating mga pangangailangan ng buong pagmamahal. Sa lahat ng mga gusot at kawalan na ating kinasasangkutan sa buhay, gaano man ito kalaki, mas makapangyarihan ang Diyos na siyang ating gabay. Ikaw pa na kanyang pinaglaanan ng kanyang buhay ang hindi niya pagbibigyan. Jesus saves, and we are on our way...