Matagal-tagal na ring nais kung ilahad ang mga pangaraw-araw na kaganapan sa buhay ng isang mapagmahal na ina. Siya ay may taglay na golden heart, isang matalino at mapagkawanggawa na alipin ni Kristo. Sa layo ng kanyang inuuwian mula sa pinapasukang opisina, napakarami niyang kuwento sa mga taong nakakasalamuha niya sa daan. Ito ang mga bibigyang kulay ko sa pagsulat sa Blog na ito. Nawa'y kagiliwan ninyo ang mga kuwentong ilalahad ko dito. Matatawa, maiinis, ngunit may pag-ibig na madarama sa kapwa sa mga kuwentong ibinabahagi sa akin ni madam Betchay. Umpisa na mga kaibigan, pagsaluhan natin ang mga kuwentong buhay na kapupulutan ng araw. Welcome and mabuhay!
Tuesday, August 7, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
A talagang matulungin itong si Tita Beth. Maasahan, may ginintuang puso at napakabait. Hindi niya inaalintana ang hirap, ang madukot kahit ang kaunting ipon niya kapag may kumatok sa kanyang pintuan at humihingi ng tulong. Bagay sa kanya ang maging starring sa blog na ito. Mabuhay ka Tita Beth.
ReplyDelete