Stranded, The Pizza Connection
by Tito Dan
Sa hindi inaasahan, noong nakaraang Friday (October 5, 2007) hindi nakaauwi ng maaga Tita Beth dahil stranded siya sa LRT Recto Station. Hindi klaro ang dahilan, ang malinaw walang tumakbong tren at sarado ang LRT station. Kung alam lang ninyo kung gaano kabigat ang dalawang bags na laging dala ni Tita Beth, mangangawit po kayo sa bigat. Iyong isang bag na lang niya kapag dinadala ko ay parang pasan-pasan ko na ang buong daigdig sa kabigatan. Which means na sa mga panahon na iyon ay hindi na maipinta ang mukha ng dakilang Tita sa kalungkotan. Well, being an smart lady at that (o kaya gutom na) pumunta muna siya sa isang pizza parlor (ang theme colors nito ay green and pink) at kumain muna ang ating bida. Nagtext siya kay Dante (Doc. Rio) para sabihin sa akin (through the landline phone) na mauna na daw kami sa Bible study at susunod na lang siya. Hindi nasunod ang bilin, hinintay namin siya for a while. Dumating ng 8:30 P.M. at sinabing mag-soup muna siya tapos tuloy na kami sa Bible Study. Pero hindi rin natuloy dahil pagkatapos niyang mag-soup ay inantok na siya sa matinding pagod. Ang tutoo ay papunta na kami ni Gillian (na bonggang-bongga sa suot niyang tight pants and nice blouse) ngunit siya naman ang pagdating niya sakay ng isang tricycle. Tinawagan na lang namin ang mga kasamahan sa fellowship na hindi kami makakarating.
The following day ay bigla na lamang naiisipan ng ating bida na magpakuha na CBC sa Sta. Lucia Clinic. Dahil malapit nang magtanghali, ipinagpahapon na lamang ang pagpunta doon Pagkatapos ng pananghalian ay tutuloy na kami. Akala ko sa linggo pa kami, pero she moved the schedule to Saturday dahil sa Pacquiao-Barrera boxing match (alam ng Tita na manunood ako, pati siya rin sa TV). Hapon at 1:30 paalis na kami kasama si Gillian na mukhang artista sa dami nang kanyang borloloy at style ng pananamit. Pero schedule ko rin pala ang magpa-repair ng aking electric drill. Hindi bale dadaanan na lang daw. Dumaan kami, akala ko basta iiwanan ko lang ang electric drill at babalikan; iba po ang nangyari, tinapos kaagad for a period of one hour. Habang naghihintay sila ni Gillian, bumili ang Tita na dalawang kilong lanzones. Kain ang mag-mother at enjoy na enjoy sila. To cut it short, natapos ang drill at tumuloy na kami sa Sta. Lucia Medical Clinic. Habang papunta kami, sinalubong naman ng mga ahente ng mga appliances ang mag-ina at biningyan ng cupon para (daw) sa isang contest. Pero, hindi ito priority, ang importante makarating kaagad sa clinic at magpakuha ng CBC. Presto, nandoon na, pero mukhang minamalas ang lakad at ang CBC pala ay scheduled lang between 6:00 a.m. to 8:00 a.m. Ano pa ang lakad ay napunta sa pag-sia-shopping. As usual sa hardware ako at ang beauting mother at sexing baby ay sa department store. Bumili si Gillian ng shorts para sa kanyang isu-suot na costume sa beauty contest na sinalhan. Sa matagal na kaiikot sa department store napagod si Tita Beth at napakain tuloy nag siomai at supas, later nag-fastfood pa at uminom ng mamahaling kape.
Sunday bumalik ang kami ng ating bidang Tita sa Sta. Lucia, at nakunan siya ng CBC at exaxtly 7:30 a. m. Lumabas kami ng bahay ng 6:30. At 8:00 nagbreakfast naman kami sa isang burger shop at tamang-tama may libre pang masahe. Blessed ang Tita, nagpamasahe siya sa likod at sa kanyang mga baso at kamay. Mukhang nasiyahan ang Tita natin at may balak pang bumalik. Malapit nang lunch nang dumating kami. Tamang-tama boxing match na ni Manny Pacquiao at that time kaya nanood na rin ang Tita while having her lucnch.Later pagkatapos niyang magsiesta nanood naman siya ng talk shows ng mga artista na punong-puno ng intriga at kontrobersiya kasa ang kasambahay. Nakapagpahinga ng husto ang ating bida which she deserves ready to work again for the following day.
No comments:
Post a Comment