(Gillian posing with other Costplayers)
Mahaba-haba din ang tatlong araw na bakasyon ni Tita Beth. Pero noong Sabado, araw sana upang mamahinga ang dakilang Tita Beth ngunit napilitan pa ring lumabas upang ihatid sa SM Mega Mall ang kanyang magandang anak para sa sinalihang costplay. Mabuti na lang tumawag ang kanyang ate Lily para samahan siyang maglunch sa opisina nito para mabigyan bigat ang kanyang paglabas. Hindi lang pala si Gillian ang kasama palabas, pati si Py at ang barkada ni Gillian na si Mara at ang kapatid na bunso nito.
(Natatangi talaga sa ganda itong dalaga ni Tita Beth)
Nakarating nga ang Tita sa MEGA; tuloy kaagad sila ng kanyang mga kasama sa Megatrade Center. Nasa labas pa lang si Gillian ng dumugin ng kanyang mga fans para magpapicture. Handa na si beauty sa ganitong sitwasyun kaya pinagbigyan lahat ang mga gustong makipagpicture sa kanya. Nakikiramdam naman si Tita Beth sa mga tao na nasa paligid niya. Panay naman ang puri nila kay Gillian.
Ang tutoo ay natatangi si Gillian sa mga nakipagcostplay. Napakaganda ang kanyang costume na mga tatlong linggo ring pinaghandaan. Sabi nga ni Tita Beth napakaganda talaga ang kanyang beautiful child. Mas maganda pa sa personal kay sa mga kuhang larawan nito na naka costume siya. Dahil sa mga narinig niya at nasaksihan, natuwa ng husto ang Tita at tila bagang nawala bigla ang kanyang pagod. Pati si Py din ay natuwa sa napakaraming tao na gustong makipagpicture sa kanyang ate. Sabi nga ni Py ay sasali na rin ito sa susunod na may magko-costplay. Bakit nga hindi sadyang may personalidad din itong baby ni Tita, maputi, matalino, at charming. Hindi rin siya pahuhuli sa taas. Ika nga, she is oozing with self-confidence.
Saglit na iniwan ng Tita ang kanyang mga anak sa Mega at nagpunta ito sa DAP para samahan ang kanyan ate Lily. Masaya namang nag-lunch together ang mag-ate. Gabi na nang umuwi ang Tita kasama ang mga magagandang anak. May dala pa siyang pagkain mula sa Laguna. Halatang pagod din si Gillian na nakipagpost sa marami niyang tagahanga. Sabi nga ni Tita Beth, sana naman ay makuha siyang artista itong si Gillian dahil magastos itong kanyang hilig. Ito ang buhay ni Gillian at dito rin siya sisikat at magtatagumpay balang araw bilang isang alagad ng sining.
No comments:
Post a Comment