Thursday, June 5, 2008

La Salista na si Beauty

Finally enrolled na si Maganda sa La Salle at kasalukuyang nagpapatuloy pa ang kanilang orientation program. 
Maganda ang slogan ng kanilang orientation program; outsetting, outlasting, the voyager. Voyager ang ginamit na salita hango sa Our Lady of Voyage ng Antipolo City. Ito'y isang paraan ng pagkilala na ang pag-aaral ay isa ring uri ng voyage o paglalakbay. At habang naglalakbay ang mga mag-aaral nakikipaglakbay din sa kanila ang mga magulang na siyang gumagabay sa pag-aaral. Ang paaralan din ay naglalakbay kaalinsabay ng paglalakbay ng mga magaaral. Ang idinidiin ng orientation program sa mga mag-aaral ay ang magsikap na matuto at magtagumpay. Ang pagaaral ay gawin kaaliw-aliw hindi bilang isang parusa. 
May naganap din na open-forum para sa mga parents kung saan ay nabanggit ang mga katanungan tungkol sa administration, facilities, access to the school, at grading system ng institusyon. Kasali sa mga nagtanong si Tito Dan. 
For documentation, kinunan din ni Tito Dan ng larawan ang College President na si Brother Dante gamit ang kanyang bagong cellphone na Nokia. 
Maagang natapos ang morning session with parents. Kumain muna sina Tito Dan at Maganda kasama ang kaklase at barkada nito nang high school na si Sophie for lunch bago siya umalis. Sumaglit din sila sa book store upang kunin ang order ni Maganda na school uniform.
As of this writing ay patuloy ang orientation program nina Maganda. Puro mga estudyante na lang ang naiwan at may mga games na inihanda ng paaralan. Marami pang tatalakayin tungkol sa mga pamamaraan ng eskuwela na dapat malaman ng mga bagong saltang mag-aaral ng de La Salle. 
Okay ang pagkapili ni Maganda sa de La Salle dahil maganda ang quality of education dito at may Christian values pa na sinusunod. Tuwang-tuwa naman si Tito Dan sa one La Salle policy ng lahat ng mga branches ng DLSU sa buong Pilipinas.
Wish ko lang kay Maganda, at kina Tito Dan at Tita Beth na rin, good luck! May God bless you in your studies Maganda! 

No comments:

Post a Comment