Wednesday, October 1, 2008

Gumagamit na ng Insulin si Tita Beth

Gumagamit na ngayon ng insulin si Tita Beth para sa kanyang Diabetes. Maganda ang epekto at bumaba na ngayon ang kanyang blood sugar sa 224 from 280. Dati ay iminungkahi ng kanyang diabetologist na gumamit na siya nito para maiwasan ang mga komplikasyon ng sakit na diabetes. Binale-wala niya ito noong una, ngunit dahil sa hindi na nagbabago ang kanyang blood sugar count ay napilitan na siyang umayon sa payo ng kanyang doktor.

Mahal kasi ang insulin, umabot ng  2,400 pesos ang isang vial. Bibili pa siya ng karayom para dito, at every  three days ay magsasample siya ng kanyan dugo para malaman ang level ng kanyang blood sugar. Mga tatlong buwan siyang gagamit nito. Kaya every morning siya bago pumasok sa trabaho na magturok ng insulin sa kanyang tiyan. Hindi naman ito masakit dahil napaka-pino ang karayom.

Napansin nga siya ng Ate Lily na medyo sumisigla na raw ang pangangatawan ni Tita Beth. Nagbago ang kulay ng kanyang mukha, palatandaan ng magandang epekto ng kanyang paggamit ng insulin. Ang targel na level ay dapat umabot sa 100 ang kanyang blood sugar count. Magastos nga ngunit maliit lang itong sakripisyo para sa kanyang kalusugan at kaligtasan.     

No comments:

Post a Comment