Monday, January 21, 2008

NASA PEN SI TITA BETH (in Popular Tagalog)




(Tita Beth in a parlor game: oatmeal eating contest. This is one of Tita
Beth's community involvements with BBC women.)

Oo, nasa Pen (short for Manila Peninsula Hotel in Makati,MM) si Tita Beth but not during the standoff nina Trillianes at Lim during the perceived (by the government as a) coup. Last Friday ay sinamahan ni Tita Beth ang kanyang pinsan na si Zeny sa Manila Peninsula Hotel for an overnight stay. Kararating lang ni Zeny mula sa California. By the way, Zeny used to be the Vice-President of a well known bank in America. Today Zeny is a Department Manager of another famous bank and financial institution of America, the Wells Fargo Bank. Bigat talaga ang kanyang pinsan, pero hindi mahangin itong si Zeny. Mabait, magalang, maawain, mapagmahal, galante, at higit sa lahat ay may mababang kalooban. Una ko pa lang nakita si Zeny ay hinangaan ko na siya dahil sa taglay niyang kabaitan, talino, magandang pakikitungo sa iba, at higit sa lahat ang kanyang pagiging maalalahaning ina sa nag-iisa niyang anak na si Patrick. Sabi nga ni Tita Beth isa sa mga paborito niyang pinsan itong si Zeny. Well, napadpad sa 'Pinas si Zeny upang magbakasyon kasama ng kanyang kaibigan, si Darlene sison, at dating ka-klase pa sa elementary. Nauna ang mga ito for a week, 3 days nasa Palawan with her hubby, nang dumating si Zeny. Hindi lang iyan, matagal-tagal (10 years na coz 1997 pa huling nasa US si Tita Beth) na ring di nakapagkuwentohan ang magpinsan kaya this is their chance. For Tita Beth naman it's a break for her. Masyadong marami siyang work na ginagawa ngayon. Makapagpahinga man lang. True enough nakapagdinner siya sa Bario Fiesta at nag-enjoy sa masasarap na pagkain at pagkanta at pagharana ng Singing Waitress and waiter.

The following day dumating na ang Ate Lily at kasama na nila si Darlene (minus her hubby, Henry, who flew to the US to manage his IT dept. at the Kaiser Hospital) kaya namasya sila sa The Fort. Tumingin ng mga condos at nabighani sa ganda ng paligid. Ang kaibigan nga ni Zeny ay gustong mag-invest sa Pinas dahil sa nakita niyang kaunlaran at malaking iginanda ng paligid (of course to selected places nga lang). Married to an IT practitioner ang kabigan ni Zeny for 30 years. Kaya si mister ay ugaling pinoy na rin. Dahil napakatagal nang di umuwi sa Pinas itong kabigan na Zen, ganon na lang ang kanyang panghihinayang. Americanized na nga sila pero ang puso at damdamin ay purong Filipino pa rin. Kung alam lang daw niyang ganito na pala ang ipinagbago ng Pinas sana noon pa ay umuwi na siya. Parang America na rin dito sa Pinas, may Starbuck, COSCO (S and R), naglalakihang malls, etc. By the way Ate Lily (who is a president of an IT company, kagagaling lang niya sa US kung saan ay um-attend siya sa pagtatapos ng bunso niyang anak sa kolehiyo) acted as the tourist guide and she was really an expert in that including the purchase of "great finds". Masaya ang pagkikita ng mga magpipinsan. Sa kaibigan naman ni Zeny, babalik daw ang mga ito para bumili ng condo para may babalikbalikan sila sa Pinas. Nasa Tate na kasi lahat ang mga kamag-anak niya. Bago napadpad sa Amerika, tubong Sison, Pangasinan si Darlene. Ngayon nasa Davao sina Zeny at si Darlene for a medical mission. Sabi ko nga kay Tita Beth, sana imbitahin naman natin sila sa Antipolo City para makita naman ang Cloud Nine at Padi's Point and Hinulugang Taktak (ano kaya?).

About 6 PM noong Saturday nang tumawag sa landline namin si Tita Beth. Nagpapasundo at marami daw siyang kargamento. Sabi ko mga sangkatutak na pasalubong. True enough sangkatutak na pasalubong mula kay Zeny. Mga mamahaling bags nga lamang for the kids and Tita Beth, food supplement for a diabetic person (para kay Tita Beth he-he), special chocolate for the family, at mga pagkaing pinabalot pa sa kinainang Via Mare (no ad intended), at ang masarap na pulvoron, etc. Mabuti na lang napakiusapan ko si Lolito (not his real name) na mag-drive dahil mahina ang ilaw at umaambon pa. Nahihirapan ako sa night driving dahil sa aking poor eyesight. Kaya last Sunday, ay ikinabit ko na ang auxiliary lamp ng kotse to improve visibility for night driving. At ako naman ang naging test pilot, dahil sina Gillian at Py ay gustong pumunta ng SM Taytay to buy something. Ako din, to buy a plastic organizer for my tools, other equipment, and materials. At talagang nag-improve nga ang headlight ng Kia with two auxiliary lights installed. It needs some adjustment which is scheduled this weekend. Last Sunday, while installing the auxilliary lamps, tahol ng tahol naman itong si Sassy. Lalong sumakit tuloy ang aking tainga.

Siya nga pala, the whole day of last Sunday ay nasa bahay lang si Tita Beth busy doing her systems work flows. Nakaraos din at na-email niya ito ng sunday evening to her boss.

No comments:

Post a Comment