
(Tita Beth and Gillian in one of the Bible study meetings)
Kasalang Larry and Toney
Bilang ninang naghanda ng husto si Tita Beth sa kasal nina Toni at Larry. Si Tita Beth kasi ang naatasan na mag-interview kay Larry nang ito ay nanliligaw pa lang kay Toni. Kasali din siya sa pangingilatis kay Larry noong birthday ni Toni. Kasama ni Tita Beth si Toni sa kanilang Bible study group, na kung si Larry ay makailang ulit din na umattend. Mga ilang buwan lang ang ligawan, pursigido itong si Larry, kahit sa church nina Toni ay sinusundan niya ito. Dahil masigasig si Larry, sinagot nga siya ni Toni. Mabilisan din ang pagdedesisyon ng dalawa upang magpakasal. At ngayon at natupad na nga at naging Ninang sa dalawa.
Sabado nang hapon nang magtungo kami sa Jade Valley kung saan idinaos ang kasalan at ang reception. Isinama ako ni Tita Beth sa kasalan bilang isang panauhin. Ibinili pa nga ako ng ating bida ng kurbatang mamahalin para magamit. Hindi tuloy ako makapalag at gumastos na nga. Dahil parang donyang tignan ang Tita, ako rin ay nagpabongga na. Isusuot ko sana ang aking amerikana na dala ko pa mula sa Amerika pero akoy pinigilan. Kung donya siya tignan dahil sa dami ng kanyang mga "mamahaling" alahas o borloloy, gusto ko ring magmukhang Don as in Don Tiburcio. Pero wala ito sa script kaya simple lang ang aking kasuotan, mukhang guwapong bagets na kakanta sa isang TV program.
Alas kuwatro ang umpisa ng kasalan kaya ganoon na lang ang pagkabahala ng Tita nang matrapik kami sa Ortigas. Eksaktong alas kuwatro na ng hapon nang makarating kami sa Jade Valley. Mabilis naming ipinarada ang sasakyan sa basement at sakay kaagad sa elevator paakyat sa pagdarusan ng kasalan. Dahil hindi namin alam kung saang kuwarto gaganapin ang kasalan, nagtanong muna kami sa information. Nang makarating kami sa pagdarausan ng kasal, kakaunti pa lang ang mga tao at inaayos pa ang hall. Naupo kami ng Tita at nakipag-usap sa mga kakilala niya at kaopisinang panauhin din.
Mahigit na dalawang oras ang aming ipinaghintay bago nag-umpisa ang seremonya. Late na dumating ang mga ikakasal. Nag-picturan pa raw sila pagkatapos ayusan ang bride. Makasaysayan ang seremonyang pinangunahan na babaeng pastor na siyang nagkasal sa kanila. Madrama at makabagbag damdamin din ang palitan ng mga salita ng pag-ibig dalawang pusong nagmamahalan. May iyakan at awitan, pagpupugay sa mga magulang, at ang pagbabasbas sa kanila ng pastora sa kanilang pag-iisang dibdib. Ang panalangin at sermon ng pastora ay hindi lang para sa ikinakasal, para din sa mga ninong at ninang at ang lahat ng mga panauhin. At pagkahaba-haba man ng seremonya sa matrimonya, sa kainan din ang tuloy. Pagkatapos ng kainan at kodakan, nagpa-alam na rin kami ng Tita wishing them the best in their marriage.
Linggo Kina Tita
Pagkatapos ng aming fellowship sa Greenhills Christian Church, nagtungo kami kina Tita, ang kaibigan ni Tita Beth na Balikbayan. Dala namin ang mga bata at kasama rin ang aming kumareng si Linda. Magbabarkada sina Tita, Linda, at Tita Beth noon mga dalaga pa sila at nagtatrabaho sa National Housing Authority. Si Tita ay nakapag-asawa ng amerikano, si Perry at namalagi na sila sa Las Vegas. Ilang taon na rin ang lumipas noong huling nagkita-kita sila sa San Pedro Laguna. Ito rin ang una naming pagkikita nina Tita at Perry.
Masaya ang pagtatagpo muli ng mga magkakaibigan. Makuwento rin si Perry at marami kaming napag-usapan. Nagtaka ng si Tita Beth at una pa lang naming pagkikita ni Perry ay okey na kami, parang matagal nang magkakilala kun tutuosin. Napagusapan namin ni Perry ang tungkol sa pabago-bagon klima ng panahon, hindi lang sa Pilipinas, sa buong daigdig. Naikuwento rin ni Perry ang balak nilang mag-asawa ma magpatayo ng paupahang bahay sa Albay kung saan naroroon ang mga ari-arian ni Tita at ang kanyang pamilya.
Walang supling sina Perry at Tita. Tanging sila lamang ang magkasama sa malapalasyong bahay nila sa Las Vegas. May swimming pool pa ito at napapalibutan ng mga hardin at fountain ang kanilang mansion. Nanghihinayang nga ako at hindi ko sila tinawagan nang kami at nagtungo sa Las Vegas ng nasa States ako. Nakilala ko rin ang mga kaanak ni Tita, ang kuya, asawa, anak, at manugang nito.
Retirado na rin sina Tita at Perry kaya malayang nakapaglalakbay. Sa linggong ito, ang mag-asawa at papuntang Bangkok upang magbakasyon din. Babalik sila sa Amerika sa katapusan ng buwan na ito o mas maaga pa. May balak pa rin ang mga magkakaibagan na magkita-kita pa sila bago tumulak pauwi na ng Amerika ang mag-asawa. Tuwang-tuwa nga sila at nakita nila kung gaano na kalalaki ang mga bata. Tuwang-tuwa naman Si Tita sa kanyang inaanak na si Gillian na may angking ganda at talino. Itinanghal si Gillian bilang first runner-up ng katatapos lamang na Search for Miss SJWMS 2008.
Bago kami umuwi, nabanggit din ni Perry na sa susunod na bakasyon nila papasyal din sila sa amin dito sa Antipolo. Sabi ko naman, aasahan ko iyan. Masayang kausap si Perry, at sa palagay lalong mage-enjoy kami sa susunod na aming pagkikita kung saan mas marami at mas mahaba pa ang aming pagkwekwentohan. Magaling magluto si Perry, pinakain kami ng kanyang natutuhang recipe ng ham and cheese turn-over na itinuro ni Yette, sis-in-law ni Tita. Ako din patitikman ko siya sa aking lulutuin na kaldereta at pinapaitan na kambing sa susunod.
No comments:
Post a Comment