Tumawag si telepono si Makata upang yayain si Simpatika na maging ka-date niya sa kanilang JS Prom. Hindi kaagad makapagsabi ng "oo" si Simpatika dahil sa itatanong pa niya sa kanyang Nanay kung papayagan siya. Kung sakali ito pa lang ang kauna-unahang pakikipagdate ni Simpatika na wala siyang alalay. Nadinig ng Tatay ang pag-uusap kaya nabuo kaagad sa isipan nito na hindi siya papayag.
Noon pa man ay nagpasya nang babantayan ng husto ang kanyang dalaga sa mga magkakainterest ditong ligawan siya. Biro nga niya, "hahabulin ko sila ng taga." Nasa makalumang kaugalian pa rin ang tatay ni Simpatika kung tungkol sa ugnayang lalaki at babae ang pag-uusapan. Lalo nga at wala pa rin sa hustong edad itong si Simpatika, normal lang na maging mahigpit at mapagmanman ito sa mga kaibigang sinasamahan ng mga anak.
Sa nanay naman ni Simpatika, mas magaan ito sa pagbibigay laya sa mga anak kung tungkol sa lakaran ang pag-uusapan. Iyon nga lang pareho silang mag-asawa sa kanilang mga alituntunin, wala munang ligawan hanggat hindi nakakatapos sa pag-aaral. Kaya naman sa paghingi ng kapahintulotan para maglakwatsa, kay nanany humihingi ng kapahintulotan si Simpatika. Kaya sa kanya siya humingi ng pahintulot, na siya namang tinutulan ng kanyang tatay.
Ika nga, sarado ang pintuan para payagang sumama si Simpatika kay Makata bilang partner niya sa kanilang JS Prom. Para sa tatay ni Simpatika, wala sa kapakanan ng kanyang anak na payagang itong makasama ni Makata. Ngunit ang ganyan pagpapasya ay hindi pabor sa pagkakaibigan ng mga magulang nina Makata at Simpatika. Sa isang banda nababahala ding pumayag ang mga "erpats at ermats" ni Simpatika dahil sa may napansin ang mga ito na kapilyohan ng binatilyo sa huling nakasama ito ng dalaginding. Baka ano pa ang mangyari diyan di ba? Problema. Kaya humingi kaagad ng payo ang nanay ni Simpatika sa kanyang ninang. Bilang pangalawang magulang batid ng nanay ni Simpatika na wala itong ipapayong masama dahil tanging kapakanan lang nito ang inaalala. Ang payo, "why don't you give him a chance?"
"No way," iyan naman ang tugon ng tatay.
Dahil sa malabong payagan si Simpatika nagpadala ito ng text messages sa nanay ni Simpatika nakikiusap na payagan nang pasamahin ang dalagita sa JS Prom. Matigas pa rin ang pasya ng "erpats" ni simpatika. Nagtampo tuloy ang nanay ni Makata. Nagdagsahan na ng palitan ng mga mensahe sa cellphone. Nagtataglay ang mga ito ng mga pakikiusap na sana ay baguhin naman ng tatay ni Simpatika ang kanyang pasya. Nalulungkot daw si Makata dahil siya na lang ang walag partner. Sabi naman ng "erpats" nito, "bakit pa si Simpatika ang napagdediskitahan e my girlfriend naman iyang si Makat." Natanong nga ito sa kanyang nanay at sinabi namang wala na sila. Naghiwalay na dahil sa kagustohan ng mga magulang na pag-aaral muna ang aatupagin nila.
Noong unang nagpadala ng mensahe ang nanay ni Makata sa nanay ni Simpatika, sinabi lang kung papano siya susundoin sa bahay nito at ihahatid pabalik. Tila hindi 'ata tinanong kung pumapayag ang mga magulang o hindi. Walang pag-uusap sa pagpayag. Naisip na lang na nang tumawag ang kanyang anak kay Simpatika, ayos na ang buto-buto at pinayagan na. Kung may pagpapaalam sana mula sa mga magulang noong una, napagbigyan din naman siguro kaagad. Hindi lang ito kaso ng paniniguro (na walang masamang mang-yayari kay Simpatika), ngunit kaso din ng pagbibigay ng kaunting importansiya sa mga magulang.
Lalong umigting pa ang palitan ng mensahe at paliwanagan. Tuwiran na ring sinabi ng nanay ni Makata na walang dapat ipag-alala sa kanyang "the one and only son" dahil sa nagbago na ito, kaiba na siya sa dati niyang pag-uugali, maginoo at puwedi na siyang pagkatiwalaan. Ang dahilan, isa na siyang tunay na Kristiano. Naantig naman ang kalooban ng nanay ni Simpatika kaya gusto na rin nito ang bumigay. Ang tatay naman niya ay hindi pa rin lubos na kumbinsido.
Pagbibigyan lang daw si Simpatikang makasama kung may alalay na nakakatanda nito. Sino, nga ba ang makakasama niya bilang tagabantay; ang nanay, si bunso, si tita?
Pumayag na rin sa huli ang nanay, ang tatay naman ay ayaw nang makikalam pa. Hugas kamay kaagad, wala daw siyang kinalaman sa pagpapasya at bahala na sila... Salitang ayaw ngunit wala nang magawa pa dahil buo na ang pasya ng nanay nito. Masama man ang loob ng tatay, hindi na siya tumutol pa. Ni hindi rin siya nagbibigay ng kapahintulotan.
Bago dumating ang araw ng Sabado kung saan magagananp ang pagtitipun, umupa na ng gown na itim itong si Simpatika na siya nitong isusuot. Puro pasaring naman ang tatay nito na huwag nang labahan ang gown, isuot na lang "as is." Halatang masama pa rin ang loob. Hapon ng Sabado tumawag ang nanay ni Makata upang tiyakin kung makakasama nga si Simpatika. Si Makata naman ay hiningi ang direksiyon papunta sa bahay nina Simpatika.
Ala kuwatro na nang mag-umpisang magpaganda at magbihis si Simpatika. Halatang may pagkainis pa rin ang tatay nito. Hindi na lang pinansin. Nilambing naman siya ng nanay. Alas sinko ng hapon dumating na si Makata. Halatang kinakabahan. Nagmano pa sa nanay ni Simpatika. Tinawag naman ng nanay nito ang kanyang "erpat" na noon ay nagku-computer. For formality sake lang daw, tumayo naman kaagad ang tatay. Binati siya ng medyo nate-tension na binatillyo. Mukha namang kagalang-galang na si Makata kaya biglang bait naman si tatay. Nakipagkamayan pa nga siya. Medyo nawala ang tension.
"Anong oras matatapos ang inyong programa." tanong ng tatay.
"Alas dose po,"ang mabilis na sagot ng binatilyo.
"Balik kaagad."
"Opo."
"Be a good gentleman ha,"
"Opo."
Iyon lang at hinatid na sila ng mga magulang sa isang nag-aabang na kotseng lancer.
"All the rest is a history," ika nga sa ingles. Mag-a-la una na ng umaga ng ihatid si Simpatika sa bahay nila.
"Wala bang nangyaring masama." tanong ng nanay.
"Wala."
"Nag-enjoy ba kayo sa party," tanong ng tatay.
"Hindi."
Boring daw ang party. Mabuti na lang at hindi nagpunta doon ang "ermat at erpat" ni Simpatika dahil ayaw nga ni bunso ang sumama.
"Ikaw ba ang pinakamaganda doon?"
"Hindi, marami..."
"Ikaw may type ka ba sa mga pogi doon?"
"Wala..."
Iyong lang at natuwa na ang tatay, abot hanggang tainga naman ang ngiti ng nanay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment