Sunday, March 16, 2008

Family Merienda with Chiquit

Kagagaling lang ni Chiquit sa Singapore kaya gusto niyang makita sina Gillian at Py. Sabado ng hapon ang usapan pagkatapos manood ng concert sa GCF Ortigas. Maganda iyong concert, ang tema ay ang pagkapako sa krus ng Panginoong Hesus. Masaya ako at inawit doon ang mga paborito kung hymns.

Nang matapos ang concert, agad kaming tumayo sa upuan at nakabuntot na rin sa mga paalis. Dito nakita namin sina Chiquit at ate Lily kasama ang isang lady missionary. Dahil malapit sa Podiom ang aming pinagparadahan, nilakad na nga lang namin papunta sa isang kainan (Lasa).
Dahil maaga pa para kumain ng hapunan, pansit canton at mga kakanin lang ang inorder. Nagtagal kami ng kaunti. At habang niluluto ang inorder namin, nagkuwentohan.

Dumating ang inorder at kaagad na kinain. Masarap sa una ngunit naging maalat sa huli ang kinain naming canton. Nakikain din si Tita Beth ng laman ng buko na inorder ni ate Lily. Paksa sa kuwentohan ang tungkol sa mga trabaho, tahanan, at (dahil may missionary kaming kasama) napag-usapan din ang tungkol sa balak nilang pagtatatag ng mga pulong para sa Bible study.

Pagkatapos namin sa kainan na iyon, nagkahiwahiwalang kami pansamantal nina Chiquit at tumuloy kami sa Mega Mall. Dito bumili sina Gillian ng tela at iba pang kagamitan para sa kanyang high school graduation. Mahaba-haba rin ang lakaran kaya nakapagkape rin sa isang "donatan." Iyan lang at umalis na kami ng SM.

Haban papauwi na kami, dumaan muna kami kina ate Liliy upang kunin ang mga pasalubong ni Chiquit. Dahil handa na ang kainan, pinakain tuloy kami. Adobo ang ulam. Gusto kasi ngayon ni Chiquit ang kumain ng kumain ng Filipino food. Pagkatapos ng kainan may mga katatawanang eksena sa You Tube na aming pinanood. Malakas ng tawa namin noong napanood ang pagkanta ng isang Bulgarian ng "Kenly" (it should be I can't leave without you). Inaantok na ang ate Lily kaya nagpaalam na kami ng mga bata.

No comments:

Post a Comment