Wednesday, March 26, 2008

Happy Birthday Gillian

(Mga kaklase at naging bisita ni Gillian sa kanyang birthday party)

Kahapon (March 25, 2008) ay birthday ni Gillian. Ito ang 16th birthday anniversary niya. Dahil magtatapos na rin siya ng High School kaya nagpasya siyang pagsamahin na lang ang kanyang birthday party at graduation blowout. Natupad nga kahapon kung saang sankatirbang mga kakalse ang dumalo. Maiingay sila at talagang enjoy sa pagkukuwentohan. Marami-rami rin ang ihinandamg pagkain at inumin ngunit sa dami ng kanyang mga bisita ay halos maubos lahat.
Earlier unang dumating ang kanyang mga teachers, dahil nagmamadali ang mga ito upang umattend sa kanilang meeting kaya nauna na silang kumain. Sinaluhan sila nina Tita Beth at Tito Dan. Si Tito Dan ay nagbukas naman ng grape wine para sa kanila. Saglit lang silang nasa bahay pero masaya ang naging kuwentohan nila. Tanging si teacher Irma lang ang nagpaiwan at hinintay ang mga iba pang kaklase ni Gillian na dumating.
Si teacher Irma din ay nagdiriwang din ng kanyang birthday sa araw na iyon kaya nakisaya na lang siya kina Gillian. May cake na ihinanda Gillian at sabay pa sila ni teacher Irma sa pag-ihip ng sinindihang kandila. Nakipagbiruan din si teacher Irma sa kanyang mga estudyante. Sabi niya naiiba talaga ang grupo nina Gillian. Speaking of Gillian nabanggit di ng mga teachers na may leadership quality si Gillian, hindi sa nagdadalawang isip kapag may ipinapagawa ng mga teachers sa kanya. Laking pasalamat din ni teacher Irma kina Tita Beth at Tito Dan na may nakilala siyang katulad nila na mapagbigay at matulungin. Likewise, ang tugon naman ni Tita Beth sa kanya.
Gabi na nang magsiuwian ang mga bisita ni Gillian. Kung hindi nga lang may pasok pa sila kinaumagahan, baka umagahin sila sa pagsasaya. May mga pumasok sa computer room upang maglaro, may nanood lang ng TV, at may mga nasa labas ng bahay na nagkukuwentohan lang kasama na doon si Gillian.
May huling bisita ring humabol sa birthday ni Gillian, si Makata Boy. Una nakipagchat siya kay Py sa pagaakalang si Gillian ang kausap. Tanong siya kung invited si pogi. Pilya naman itong si Py na kumunsolta pa sa ate Gillian niya ng isasagot; at ang tugon ay "next year na lang." Pero laking gulat ni Gillian na natutulog na noon nang dumating si Makata. May pagkaasar nga lang si Gillian na bumangon upang harapin ang huling bisita. Habang pinakakain ito, sinabihan siya ni Gillian na may pasok pa ito kinabukasan. Kaya maaga ring nagpaalam ang bisita. Si Tita Beth na nga lang ang humarap dahil tulog na si Tito Dan. Mabuti kay Tita Beth nagkulong at nakatulog siya sa airconditioned room ng bahay habang nagiingay at nagkakasiyahan sina Gillian. Pagod din si Rosie sa kagagalaw kasama si Tito Dan upang pagsilbihan ang mga bisita.
Kaya sa huli nakatulog din ang Tito.
Maaga kasing lumuwas sina Tita Beth at  Tito Dan kasama si Py patungong Canlubang. Tinawag kasi si Tita Beth ng SunPower corporation para sa isang job interview. Kung makakalusot dito si Tita Beth ipapadala siya sa America for training at maipopost for managerial job sa ano mang bansa sa daigdig. Kung sa Pilipinas naman mabibigyan siya ng car service with driver. Kaya gayun na lang kasigasig si Tita Beth. Sa Canlubang na rin sila nananghalian at sa paguwi nagpunta muna sila sa Ever Emporium ng Pasig para kumain ng pansit malabon. Iyon nga lamang at na-heat stroke si Py. Mabuti na lang at walang katao-tao sa isang fast food at dito nagpahinga si Py at uminom ng malamig na tubig. Umorder din ang Tito ng veggie pizza pie at ito ang pinagsaluhan nila. May cold drinks pang ipinaimon kay Py kaya madaling na-regain nito ang kanyang lakas. Panay din ang kain ni Tita Beth at Tito Dan ng watermelon at pineapple chunks na nabili nila sa labas ng Ever. 
Sa paghahanda ng birthday celebration ni Gillian laking tulong din ang kaibigan niyang si Melissa. Tahimik lang ito ngunit matulongin. Kaya pagod na pagod sila ni Gillian pagkatapos maglinis ng bahay at maghanda ng pagkain. Nakaraos din sa birthday niya si Gillian kahit papano, ngunit pakiusap ni Tito Dan, next huwag namang ganito kadami ang bisita at maliit ang bahay sa malaking grupo.

No comments:

Post a Comment